Chapter 24

22.1K 492 108
                                    


Jessie

First date.

Akala mo perfect. Pero sa huli, umuwi lang akong luhaan.

Hindi pa pala ako nakakauwi. Luhaan lang pala.

Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad sa kawalan. Sinisipa lahat ng maliliit na batong humaharang sa dadaanan ko. Humihikbi dahil sa first heartbreak ko.

O bakit, sino bang sasaya kapag nakitang may ibang kahalikan ang taong m— ano bang tawag don.. Basta.

Lalo tuloy akong napapahikbi kapag naaalala ko yung eksena na yun. Nagsisisi ako na sumama pa ko sa Eliz na yun!

Mas dumami pa ang luhang lumalabas sa mata ko. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. At nagsisigaw na lang ako sa gitna nang madilim na kalsada.

“Nakakainis!”

“Nakakainis ka Eliz!”

“Akala mo naman gustung-gusto kita!”

“Akala mo naman magseselos ako na may kahalikan kang iba!”

“Pwes!”

Oo..

naman..

Hindi ko na sinigaw, baka mamaya bigla syang sumulpot at marinig ang sinasabi ko. Nagpalinga-linga ako. Pero walang Eliz sa paligid. Nakakalungkot.

Sunud-sunod na paghikbi na ang ginawa ko. Nakakainis sabog na uhog ko dito.

Pag naiisip ko yung nakita ko. Mukang bagay naman sila. Bakit hindi..

Jam + Eliz = JaLiz..

Napasinghot ako bigla. Ampanget pala. Hindi sila bagay. Parang pang-aso. Nabuhayan ako ng loob. Baka may chance pa ko.

Tama na nga. Teka, nasan na ba ko? Makakaya ko kayang lakarin hanggang bahay? Bakit kase wala akong dalang kahit na ano.. hay..

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng isang patak ng tubig sa balikat ko. Tumingin ako sa balikat ko at sumunod pa dun ang ilan pang patak ng tubig. Hanggang sa palakas na nang palakas.

Binilisan ko na ang paglalakad ko dahil malakas na ang buhos ng ulan. Pag sineswerte ka nga naman talaga oh.

At sa kaswertehang taglay ko, natapilok pa ko at nasira ang heels ko. Wow. Luckiest day huh?

Sa inis ko, hinubad ko yun at hinagis kung saan. Mabuti at may nakita na kong malapit na waiting shed. Yun lang ang may ilaw sa kahabaan ng daan na ‘to.

Nakasukob na ko pero parang nonsense din naman. Basang-basa na rin ako. Giniginaw at nag-iisa.

Umupo ako sa bench at pinanood ang malakas na pagbuhos ng ulan. Nananariwa na naman sa isip ko yung nangyari kanina. Kaya hindi ko naiwasang bumagsak na naman ang luha ko. Nasasaktan ako. Nagsaklob ako ng kamay sa muka para itago ang pagiyak ko saka ako tumungo sa tuhod ko.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Umaasang maalis nun ang sakit na nararamdaman ko. Masyado akong umasa kaya ako nasasaktan ng husto. Kase akala ko may ibig sabihin ang lahat.

Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya mabilis akong napaangat ng tingin. Nakita ko si Eliz. At papalapit sya sakin. Tumayo ako agad at pinigilan sya. Napalitan na nag inis ang nararamdaman ko ngaypn.

Inis na inis man ako, nawala rin yun ng maramdaman ko ang yakap nya mula sa likuran ko. Nanlaban ako pero natalo ako nang kagustuhan ko na mayakap sya.

Sumama ako sa kanya na para bang walang nangyari kanina. Sinisisi ko rin kase ang sarili ko dahil nag-assume ako. Isa pa, nanginginig na ko sa ginaw.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now