Chapter 8

30.3K 662 45
                                    


Jessie

"Bie.." nagising na lang ako sa tawag na yun. Pakurap-kurap akong nagmulat. Nakita ko si Aly at si Mama.

"Ma.." naantok pang sabi ko.

"Sweetie naman, bakit hindi ka pa sa room mo natulog?" concern na sabi ni Mama.

"Sigurado nasakit na ang bewang mo dyan kase paupo kang natulog. Inumin mo muna to" dagdag pa nya habang hinahalo yung hot choco na hawak nya.

Umayos na ko ng upo at nagunat-unat ng mga braso.

"Aly anong oras na?" tanong ko kay Alyson.

"6:30 na Bie" sagot naman nito. Gabi na pala kaya ang dilim na pagtingin ko sa labas.

Pumunta na kami ni Alyson sa Kitchen para magpaalam kila Dad na uuwi na sya. Busyng busy kase sila sa paghahanda ng dinner mamaya. Dadating kase yung mga friends nila.

"Dad, uuwi na po si Aly" sabi ko kay Dad. Ginagayat nya na yung ibang ingredients. Habang si Mama naman nag-uumpisa ng magluto.

"Bakit di ka pa dito magdinner, Aly? Maya-maya maluluto na yung pagkain" sabi ni Dad.

"Uhm hindi na po Tito" nahihiyang sabi ni Aly.

"Ay hindi pwede yan Alyson. Kelangan mong tikman yung mga niluto ko. Hindi ka muna uuwi okay, tawagan ko nalang ang Mom mo para alam nyang male-late ka ng uwi" sabi ni Mama.

Wala ng nagawa si Aly kaya bumalik na lang ulit kami sa sala at nanuod ng TV.

Maya-maya sinabihan kami ni Mama na magbihis na dahil dadating na yung mga bisita nila. Kaya pumanik na kami ni Aly sa room ko.

Pagpasok sa room, mahigpit agad akong niyakap ni Alyson. Nagulat ako kahit na dati nya ng ginagawa yun. Nakaramdam ako ng pagkailang, lalo na ng halikan nya ko.

"I'm sorry Bie, namiss lang kita ng sobra" malungkot na sabi nya na hindi pa rin kumakalas sa pagkakayakap sakin. Tinitigan nya ko sa mata bago nya ko halikan sa noo at bumitaw na.

"Shower muna ko" sunod na sabi nya saka pilit na nag-smile.

"Sige, ire-ready ko na yung isusuot mo" sabi ko naman.

Bumaba na rin kami pagtapos namin magbihis. Tumulong na kami para sa pagre-ready ng dinner. Nagugutom na rin kase ako.

Ding-Dong! Ding-Dong!

Binuksan na ni Mama yung pinto at sinalubong na ang mga bisita namin.

"Rei! Na-miss ka namin, sobra!" sabi ng isang girl pagkakita kay Mama saka yumakap dito.

"Eh pano napaka-busy, kaya nakalimutan na tayo" biro ng isang lalaking kasama nila.

Pumasok na sila at naupo sa sala. Busy din ako sa School kaya hindi ko sila masyadong kilala.

Pagtapos namin mai-ready ang lahat ng kelangan sa dinner, tinawag na namin sila para kumain na.

"So where is she?" narinig kong tanong ni Mama dun sa isang girl, sya yata si Tita Julie.

"I'm not sure kung makakapunta sya, sabi nya may birthday party syang pupuntahan. Pero hahabol daw sya" sagot naman ni Tita Julie.

Napansin kong medyo nawala yung smile ni Mama sa narinig nya, pero bumawi ulit ng ngiti. Sino pa kaya yung iniintay nya?

Paupo na kaming lahat ng tumunog ulit yung doorbell.

"Baka sya na yan" excited na sabi ni Tita Ayen. Patayo na sana si Mama para buksan yung pinto, pero sabi ko ako nalang para di sila maabala sa kwentuhan nila.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now