Chapter 31

22.7K 463 23
                                    


Jessie


Masyadong mabilis ang mga pangyayari. At sa sobrang bilis, kami na ni Eliz. Hindi sa nagrereklamo ako, ang saya nga eh. Sobra.

Paulit-ulit bumabalik sa isip ko lahat nang nangyari ng gabing yon. At paulit-ulit rin akong napapangiti. Ang sarap irefresh ng memory na yon.

Hay.. sana paulit-ulit din mangyari yon. Namimiss ko na agad sya. Yung mapupula at malalambot na labi nya. Yung smooth and soft skin nya..

Ugh. Nakakabaliw.

“Okay ka lang?”

May narinig akong nagsalita kaya inangat ko ang tingin ko mula sa pagkakatungo ko sa lamesa.

At nakakita na naman ako ng isang anghel. Nasa langit na ba ko? Gusto ko dito na lang ako. Please please?

Lumapit sya sakin at ginulo-gulo ang buhok ko. “Ang cute mo” bulong nya sakin na nagpakilabot sa buong katawan ko.

Ugh. Anong ginagawa nya? Hindi nya ba alam na dahil sa kanya kaya ako nagkakaganito? na gustung-gusto ko syang lapitan at hawakan kanina pa mula nang magising ako? At kanina pa ko nagpipigil.. hay..

At oo na, kagabi lang may nangyari samin, pero masisisi nyo ba ko?

Ang aga ko ngang magising kahit inaantok pa ko. Para lang makita ko sya agad. Ang girlfriend ko. Aww, ang sarap sabihin.. girlfriend ko.. girlfriend ko.. girlfriend ko..

Nakatayo sa harapan ko ang girlfriend ko.. nakasuot ng crop tank at nakashorts.. ako, nakatulala sa kanya at tulo ang laway. Literal.

Galing sya sa kusina. Lahat sila nandon bukod sakin, kay Daddy at sa asawa ni Tita Julie na nasa labas ng bahay at di ko alam kung anong ginagawa don. Usapang boys siguro na hindi nila natapos kagabi.

Kaya nga hindi ko malapitan si Eliz dahil baka makahalata sila. Syempre pag malapit ako sa girlfriend ko, hindi ko macontrol ang sarili ko. Kaya iniwanan ko na lang sila don at naghintay na lang ako dito sa dining.

Naramdaman ko na lang na pinunasan nya ng thumb nya yung gilid ng lips ko. Kaya nagising ako bigla sa pagiisip, “tulo laway mo..” natatawang sabi nya sakin. Napasmile naman ako sa kinikilig na tawa nya. Kahit pa inasar nya ko. Ang cute nya pag kinikilig.

“Goodmorning honey..” bati ni Mama sakin habang palapit samin.

Napansin kong dumistansya si Eliz ng konti sakin. Natigilan din tuloy ako sandali pero agad kong binawi sa isang ngiti para walang pagdududang maganap.

Sumunod na ring dumating ang iba pa sa dining area dala-dala ang almusal at umupo sa kani-kanilang seats.

Si Mama ang nasa left ko, at nagulat ako ng umupo si Eliz sa tabi ko. Lumakas agad ang kalabog nh dibdib ko pag-upo pa lang nya. Hindi kase sinasadyang nagdikit ang mga hita namin.

Kahit nakajeans ako, ramdam ko pa rin kung gaano kainit at kalambot ang mga balat nya.

Nagsimula na naman ang walang katapusan nilang kwentuhan at tawanan. Tumatawa ako paminsan-minsan kesa ma- O.P sa usapang wala akong alam.

Pilit na tawa.

Papano ako makakatawa nang maayos, eh hihimatayin na ko sa kinauupuan ko sa sobrang kaba.

Naramdaman kong hinawakan ni Eliz ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Ang kanang kamay ko. Hindi ko tuloy alam kung pano ako kakain ng one hand? At left hand pa ang gamit?

Pero inalis ko rin agad sa isip ko ang tanong na yon dahil ayokong sayangin na mahawakan ang makinis at malambot na kamay nya.

Binaliktad ko ang kamay ko mula sa pagkakataob nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya. Pasimple ko syang tiningnan at nakita kong nagsmile sya pagkahawak ko sa kamay nya. Yung smile na may kilig. Obvious na obvious yun sa ngiti nya kaya hindi ko na rin napigil ang ngiti ko.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now