Chapter 34

19.8K 478 16
                                    


Jessie

Tok! Tok! Tok! Tok!

Nandito ako nag-aabang sa labas ng pintuan ni Eliz. Inayos ko ang sarili ko habang naghihintay sa paglabas nya. Tiningnan ko ang damit ko kung may stain o gusot, wala naman.

Nag-try muna ko magpractice ng smile habang wala pa sya. Sana matuwa sya pag nakita nya ko. Excited na ko.

Inamoy ko yung isang boquet ng roses na dala ko. White and red roses. Nangingiti ako sa sobrang excitement. Itinago ko muna sa likod ko yung flowers para i-surprise sya.

Narinig ko na yung pagpihit ng doorknob kaya nag-abang na ko na lumabas ang girlfriend ko.

Todo smile.

Unti-unting nawala yung smile ko nang ibang tao ang nakita ko, hindi si Eliz.

"Hi." bati nung girl sakin. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Sorry, nasa bathroom kase si Eliz. Sabi nya papasukin na raw kita. Come in" nakangiting sabi nya sakin.

Pumasok kami at sinundan ko lang sya hanggang sa couch.

"Upo ka muna. Ikukuha kita ng maiinom." sabi nya sakin saka sya pumunta sa kitchen.

Habang nakatalikod pa sya, umupo ako at mabilis na itinago yung bulaklak. Sh*t. San ko pala itatago 'to?

Kumuha ako ng isang throwpillow at ipinatong yun sa bulaklak. Hindi kaya ng isang unan lang, kaya dalawa na yung pinatong ko. Ugh.

"Inom ka muna ng juice.." nagulat tuloy ako sa pagbalik nya. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Dinampot ko yung juice na binigay nya saka ako uminom.

Feeling ko nakatingin lang sya sakin habang umiinom ako ng juice. Pasimple kong inangat ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin.

Nakangiti lang sya sakin. Umiwas na agad ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang makipagsabayan ng tingin sa kanya.

"I'm Ellie, friend ako ni Eliz. May pinuntahan ako malapit dito kaya dumaan muna ko dito" nagsmile lang ulit ako sa sinabi nya. Wala naman akong masabi eh.

"Masisira na yung magandang boquet ng roses kung itatago mo pa yan dyan sa likod mo,"

Huh? Nakita nya?

Nanlaki tuloy yung mata ko sa sinabi nya. Nagbubutil na yung pawis ko. Napapalunok ako ng laway. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Jessie.." lumingon ako agad ng marinig ko sya, si Eliz. Gusto ko nang tumakbo palapit sa kanya pero hindi ko magawa. Bukod sa may iba kaming kasama dito, mae-expose yung bulaklak pag tumayo ako.

Tatabi sana sakin si Eliz, pero hinila ko sya agad ng muntik nyang alisin yung mga unan na nakatakip sa bulaklak at dun ko sya pinaupo sa kabilang side ko. Nagtataka tuloy syang tumingin sakin.

"Ellie, si Jessie.. uhm, anak sya ni Rei" ngumiti naman ako dun sa girl. Nakita ko namang parang nagulat sya sa narinig nya.

"Oh?" yun lang nasabi nya.

Tumingin ako kay Eliz at tumango lang sya kay Ellie. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Eliz ang kamay ko. Nagtataka tuloy akong tumingin sa kanya.

"Uhm.. saka kami na.." sabi ni Eliz saka nya tinaas yung magkahawak na kamay namin. Wait, anong nangyayari?

"Woah?" na-surprise talaga sya sa nalaman nya. Napatingin naman agad ako kay Eliz. Nagsmile lang sya sakin.

"Wag kang mag-alala, nakwento ko na sa kanya yung tungkol satin. Kaso ang nakwento ko pa lang sa kanya na, inlove ako sa isa sa estudyante ko" bulong ni Eliz sakin.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now