Chapter 6

31.2K 764 159
                                    

Eliz

Nakakatuwa talaga sya. Ang cute cute nya. Nahuli ko syang nakatingin sakin. Ayun napahiya kaya nagmadaling umalis at magbabanyo daw sya.

Akala ko magagalit na sya ng tuluyang sakin dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko naman alam na sobra syang matatakot at iiyak dahil dun.

Kaya nun nag-lunch kami bumawi ako at nag-sorry sa kanya. Mabilis nyang tinanggap yun kaya lalo pa yata ako nahuhulog sa kanya.

Yeah, una ko pa lang syang nakita may kakaiba na agad akong naramdaman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang yun bigla. Nainis nga ko ng makitang ang sweet nila sa room ng isang girl na katabi nya pagpasok ko. Nag-init agad ang ulo ko kaya sinabihan ko agad sila na ayokong may naglalandian sa klase ko.

Kakakilala ko palang sa kanya feeling ko basted na agad ako. Eh pano nakita ko silang nagki-kiss na dalawa ng friend nya sa basement. Para naman akong sinaniban nun ng bad spirit at naisipan ko syang takutin about sa nakita ko.

Pero dahil nandun na, tinuloy ko nalang. Kaya ayun gagawin nya na lahat ng gusto ko wag lang akong magsalita. Basta ang gusto ko lang naman makuha sya. Ang maging akin sya.

Dumating na ulit sya galing restroom. Mukang nahihiya pa rin sya. Ang cute.

"Lika na dito. Dyan ka lang muna may kukunin lang ako" paalam ko sa kanya. Lumabas ako ng faculty at pumunta sa guard sa may entrance. Kinuha ko yung pinadeliver kong snack namin ni Jessie ko. :)

Pagbalik ko busyng-busy sya. Marami din kase akong hawak na section. Yung mga students yun ni Sir De Leon na sakin na pinahawak.

"Break muna tayo, alam ko pagod ka na" sabi ko sa kanya. Inabot ko sa kanya yung isang coke at burger at kumain na kami.

"Uhm.. Pwede kong malaman kung ilang taon ka na?" sabi nya habang kagat-kagat ang burger nya. Parang batang gutom na gutom.

"Bakit mo gusto malaman?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Umiling-iling lang sya. Nahiya na siguro magtanong. Hehe ang adorable ng Jessie ko eh.

"30 years old na ko" sabi ko sa kanya. Nagulat sya sa narinig nya at muntik pang mabulunan. Haha.

"H-hindi nga?" takang tanong nya habang tinititigan ako. Tumango naman ako saka ulit kumagat sa burger na hawak ko.

Shock na shock yung itsura ng muka nya. Hindi naman sa pagmamayabang pero maraming nagsasabi na mid 20's lang daw ang age ko, kaso mali sila kase 30 na talaga ko. :)

Ayun nakatulala lang ang bata. Hindi pa siguro makapaniwala sa narinig nya.

Pagtapos ng ginagawa namin ay ihahatid ko na sana sya pero ayaw nya kase maiiwan na naman daw yung kotse nya sa School. Last time daw kase nagtaxi sya papasok.

Kaya hinatid ko na lang sya sa kotse nya. Kumiss ako sa cheeks nya bago sya sumakay. Gulat na gulat sya, normal lang naman yung sa cheeks uh?

Umuwi na rin ako. Ang saya-saya ng araw na to. Sana lagi na kaming magkasama. Nami-miss ko nga agad sya eh.

*****

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now