Nagkatinginan kaming tatlo sa isa't isa at hindi makasagot kay ate Fe. Ang balak kasi sa akin ni mama ay ilipat ako ng school kapag senior high school na ako-tulad lang ni kuya Jin na college na ngayon. Ewan ko lang kila Tasha kung ano ang desisyon nila o ng parents nila. Undecided pa rin ata sila hanggang ngayon.

"Ako ate... baka lilipat na ako ng school," sabi ni Lory na ikinalungkot naman ni ate Fe.

"Siguro ako rin ate Fe... ayaw ni mama na mag-aral ako rito ng senior high school e..."

"Ako rin ate... ililipat na ako ni mama ng school next year..." sabi ko at natahimik si ate Fe nang saglit habang nagluluto.

"Nako... wala nang uubos ng paninda ko 'pag nawala kayo rito."

"Bibisitahin ka naman namin dito, ate e. 'Wag kang mag-alala." Lory raised her hand and promised.

"Nako... 'pag 'yan hindi nagkatotoo, magtatampo talaga ako sa inyong tatlo."

"Oo nga pala... kayo ba ay... nagpapaligaw na?" Sabay kaming napatingin ni Lory kay Tasha. Siya lang naman kasi ang ligawin sa aming tatlo.

"As usual, ate. Si Tasha lagi." Tasha smiled and shook her head.

"Wala akong sinasagot sa kanila ate-"

"May special someone kasi siyang inaantay," pang-aasar ni Lory sabay kiliti sa baywang ni Tasha.

"Baliw! 'Wag kang maingay-"

"'Yan ba 'yong Theo na naikukuwento niyo sa akin?" Agad naman akong tumango bilang tugon.

"Nako... masyado pa kayong bata ha?" bilin ni ate Fe sa amin.

"Alam n'yo 'yang pag-ibig... makakapag-antay 'yan. Kung totoong mahal niyo ang isa't isa... mag-aantay kayo kahit gaano pa man katagal 'yan."

"Ang pag-aantay na tinutukoy ko ay may malalim na ibig sabihin, malalaman niyo rin 'yan 'pag kayo'y umiibig na."

"Lagi niyong tatandaan na hindi basehan ang itsura kapag ikaw ay nagmamahal." Taimtim akong nakikinig kay ate Fe habang pakain-kain lang.

"Balang araw, lahat ng sinasabi ko sa inyo ay mararanasan niyo. Iba ang pag-ibig kapag masaya ang dulot nito sa inyo."

"Iyon ang pagmamahalang seryoso at walang katapusan, hanggang wakas ay naroroon pa rin sa inyong puso."

***

"Anak! anak nandito ang papa mo. Gusto mo bang kausapin?" nagmamadaling tanong ni mama sa akin.

Mabilis ko namang kinuha ang cell phone ni mama mula sa kaniya. I feel excited, after how many days without talking to my father, this is the time I've been waiting for—to speak to him.

"Papa!"

Dinig ko ang pagtunong ng cell phone, ibinaba ni papa ang tawag. Mabagal kong ibinaba ang cell phone sa mesa habang ang ngiti sa labi ko ay dahan-dahan ding nawala. Ilang araw kong inaantay ang tawag ni papa tapos bababaan lang niya ako. Ramdam ko ang paghaplos ni mama sa ulo ko nang mapansin niyang nakasimangot ako.

"O, bakit? Hindi ka ba masaya na nariyan na ang papa mo?"

Bumuntong hininga ako. "Mama... nawala 'yong... tawag." Ibinalik ko ang cell phone kay mama at bahagya akong yumuko.

"Bakit... binaba niya mama? Ayaw ba akong makausap ni papa?"

"Hindi naman sa gano'n, anak. Baka busy lang ang papa mo-"

Napatigil si mama sa pagsasalita nang muling tumunog ang cell phone niya. I expected it to be my father's call, but it wasn't. Iyong best friend ni mama since high school ang tumatawag sa kaniya.

"Sige anak, kausapin ko lang 'tong si tita mo." She kissed my head and went outside my room. I feel empty again after my mom closed the door.

Hindi ko alam kung bakit ibinaba ni papa ang tawag. Was he busy? I don't think so. May oras siya kausapin si mama pero kaming mga anak niya wala? How I wish to see him before this year ends again. Dalawang taon na siyang hindi nakakauwi rito sa amin. We all have these beautiful furnitures, no financial problems, great life—but without him, life won't be easy for me. I want to see my father, I need him just like how I need my mother.

After writing an update for my story, I quickly closed my laptop and focused on my phone. While scrolling through my social media, a message popped up on my notification causing me to open it. The message is from someone I barely know. I think I just accepted his friend request earlier—after lunch.

His name is Zach Trino, before reading his message, I quickly tapped his picture which leads me to his timeline on Facebook, he doesn't have much to show on his timeline. I can see that he doesn't use social media that much. So, I went back to his message and read the message he sent to me. Simple and plain-overused message.

"Hi po! Good aftie!"

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now