Chapter 26

69 20 54
                                    

"Okay, walang pasok. Sayang 'yang uniform mo, ate," pang-aasar ni Kai sa akin.

Ngayon lang ay nag-anunsiyo na ang mayor namin na walang pasok dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan at malakas din ang hangin. Sayang ang ligo, sayang ang kain, sayang ang gising ko sa umaga, at sayang ang baon dahil hindi ko naman magagamit at baka baon ko na rin ito bukas. Ayos lang din naman sa akin na walang pasok para makatulog pa ako nang mahimbing.

"Inaantok ako, matutulog na lang ulit ako," sabi ko sa kanila. Tumayo ako mula sa sopa at naglakad papuntang kusina upang maghanap muna ng makakain ko dahil gutom pa rin ako kahit na nakapag-almusal na ako.

I opened our fridge and started examining the inside. "May toblerone pa pala... akala ko ubos na 'to," bulong ko sa sarili ko at agad nang kinuha ang natitirang toblerone.

Nang maisara ko ang fridge at tumalikod mula rito, napasigaw ako nang makita ko si kuya na nakatayo sa harapan ko. "Kuya naman!" inis kong sabi sa kaniya habang nakakunot ang noo ko at nakahawak sa dibdib ko.

"Kumusta pala? Hindi ka na ba nilalapitan ng Nick na 'yan?" tanong niya sa akin.

Mabagal akong umiling. "Hindi naman kami close no'n e—"

"Pero nanliligaw?"

"Kuya, 'wag mong sasabihin kay mama, please? Promise hindi ko siya sasagutin," pagmamakaawa ko kay kuya habang nakasimangot ako. I was about to kneel down, but he didn't let me.

He just chukled and patted my head. "Ayaw kong mapagalitan ka kaya hangga't maaga, ayusin mo ang dapat ayusin," bilin niya sa akin habang nakangiti at agad naman akong tumango.

"Opo, kuya! Promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

Dinig ko ang boses ni mama kaya tumigil ako sa pagsasalita. May kausap siya sa cell phone niya at nang makalapit siya sa amin ni kuya ay nabaling ang atensyon ni mama sa akin.

"Anak, gusto ka raw makausap ng papa mo," sabi ni mama sa akin.

Inabot niya ang cell phone sa akin. Kabado pa ako nang mahawakan ko ito dahil ngayon ko lang ulit makakausap si papa. Pagkatapos nang ilang linggo, ngayon ko lang ulit maririnig ang boses niya.

"Hello po, papa?"

"Anak, Melissa? Kumusta ka na, nak?" tanong ni papa sa akin.

Ang boses ni papa ang nagbigay ngiti sa aking labi. Muli kong narinig ang boses ni papa. It makes me miss him more. Ilang taon na siyang hindi nakakauwi rito, miss na miss na namin siya kaso gano'n talaga ang buhay, kailangang kumayod upang hindi magutom ang pamilya.

"Okay lang po ako, papa. Miss na po kita," sagot ko sa kaniya at basta na lamang akong nakaramdam ng lungkot nang sabihin ko iyon.

"Uuwi na si papa... malapit na anak... malapit na."

"Mag-iingat kayo ha? Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral," bilin ni papa sa akin at kahit hindi niya ako nakikita ay tumatango pa rin ako bilang tugon.

"Papa... I-I love you po," malungkot kong sabi habang pigil ako sa paghikbi ngunit ang luha ko ay tumulo na mula sa kaliwang mata ko.

"Mahal din kayo ni papa, hindi ko kayo pababayaan. Mag-iingat kayo lagi ha? Pasensya ka na anak kung ngayon lang ako nakatawag ulit." Habang pinapakinggan ko ang boses ni papa ay hindi ko na maiwasang humikbi.

"P-papa uwi... ka n-na po. Gusto ka n-na naming... makasama." Pinunasan ko ang sipon ko habang si mama naman ay hinahaplos-haplos ang likod ko.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now