Chapter 43

125 20 276
                                    

"Kilala ka na ni Clyde, matagal na," sabi ni Nick sa akin habang akbay-akbay pa rin niya si Clyde.

"N-no... I-I mean yes! Of course! Si kuya Clyde—" Napatigil ako nang mapangiti si Clyde at matawa si Nick.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin sa puntong ito. I've known him six years ago. Nakilala ko rin siya dahil kay Nick, napakatahimik niya kaya ang tingin ko sa kaniya ay misteryosong tao. Iyon ang nag-uyok sa akin upang kilalanin pa siya, and now that he's here, standing in front of me—I froze.

"Mel..." When he spoke once again, my jaw dropped.

"That voice, it's very familiar..."

Lumapit pa nang kaunti si Clyde sa akin. "Kumusta... ka na?" tanong niya sa akin at para bang sobrang saya niya nang makita't makausap ako.

Hindi ko naibuka ang bibig ko, nakatulala lang ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na pagkatapos nang ilang taon, muli kong maaalala si Zach dahil sa boses ni Clyde na kaparehong-kapareho ng boses ni Zach.

"Melissa Keistyn." Mas lumapit pa siya sa akin habang ako naman ay bahagyang lumayo mula sa kaniya.

Napalunok ako at tahimik pa ring pinagmamasdan siya. "Mahal ko." Mas lalo akong nagulat nang sabihin niya iyon sa akin nang harap-harapan.

"Limang taon, Mel... limang taon..." Nagugulat na lang ako sa mga naririnig ko mula kay Clyde.

"A-ano a-ang... ibig mong... sabihin?" nagtatakang tanong ko, ngunit may kutob na ako. Kakaiba na ang nararamdaman ko.

"Meloves?" Napangiti siya nang sabihin niya iyon at biglaan na lang niyang ipinulupot ang dalawang braso niya sa baywang ko at hinatak ako papalapit sa kaniga.

"Hi love... I-I love you." When I heard him said that, I became more confused, but surprised at the same time.

Marami ang bumabalik sa isipan kong kahit matagal nang nangyari ay malinaw pa ring umiikot sa isip ko. When I heard Clyde's voice, it's clearly similar to Zach's voice. When Clyde called me the nickname 'Meloves' that Zach gave to me, and when Clyde said those words to me, it was the first time I've heard Zach's voice. Those five words were the first words he said in his voice message. Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari, kaya napapanganga na lang ako nang muli kong maalala ang kauna-unahang voice message ni Zach sa akin.

"Hi love, I love you. Don't forget, you're precious... and you're mine. Take care, Meloves."

"Melissa, m-mahal na mahal k-kita..." bulong ni Clyde sa akin habang humihikbi at mas humihigpit pa ang yakap niya sa akin.

"I'm sorry... if I-I left... you." Sa hindi malamang rason ay itinulak ko siya gamit ang dalawang kamay ko at napaatras siya nang kaunti.

Pinagmasdan ko ang mga mata niyang namumula at may tumutulong luha. His skin is turning pale and I can see that his hands are both shaking and his lips are trembling. Basta't itinulak ko na lang siya dahil hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko alam kung bakit gano'n siya magsalita.

"Melissa, I'm sorry—"

"Sino ka? Admirer? Stalker? Sino ka ba talaga?" Nakakunot ang noo ko sa kaniya nang sunod-sunod akong magtanong.

"Melissa... miss na miss na kita—"

"Limang taon na ang nakalipas... pero ikaw pa rin... ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko..." he said.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now