Chapter 10

81 21 26
                                    

Kakauwi ko lang galing ng school at napag-usapan naming tatlo mamaya na magpunta sa bahay nila Tasha. Doon muna kami sa kanila habang gumagawa ng assignments dahil gusto rin nila akong makausap tungkol kay Zach. Alam kong marami na naman silang tanong sa akin at handa akong sagutin iyon—kung alam ko ang sagot.

"Tumawag ang papa mo sa akin, kumusta na raw ba ang pag-aaral mo?" tanong ni mama sa akin habang nanananghalian kami.

Pakuha pa lang ako ng ulam pero napatigil ako. "Okay naman po, medyo mahirap pero kaya naman po," sagot ko at sumandok ng ulam naming adobo.

"Ba't 'di po kami kinakausap ni papa?"

"Marami lang ginagawa ang papa niyo pero ang laging bukang-bibig niya sa akin ay kayong tatlo." Bahagya akong napangiti nang malaman ko iyon mula kay mama.

Kahit pala hindi kami gaanong nakakausap ni papa, hindi niya kami kinakalimutan. Pursigido siyang magtrabaho para sa ikagaganda ng buhay naming mga anak niya. May tampo ako kay papa dahil ilang taon na siyang hindi nakakauwi at hindi na rin namin siya gaanong nakakausap, ngunit mas naiintindihan ko na ang sitwasyon ni papa habang tumatagal. Kahit ano ang mangyari, kami pa rin ang mga anak niya at mamahalin niya kami nang walang katumbas na bagay sa mundong ito.

"Pa'no kayo nagkakilala ni papa, ma?"

Napatigil si mama sa pagsubo ng pagkain niya nang marinig niya ang tanong ko. She stares at me while smiling. Sa tingin ko, inaalala niya ang mga panahong nagkakilala pa lamang sila ni papa. Gusto ko lang malaman dahil interesado akong malaman ang buhay nila noong wala pa kaming tatlo.

"Makulit 'yang papa mo. High school pa lang kami e... nanliligaw na 'yan sa akin. Siguro third year ako tapos siya naman ay fourth year high school."

"Lagi siyang may mga sulat na ibinibigay sa akin na akala mo pagkalayo-layo namin sa isa't isa." Natawa si mama nang maikuwento iyon.

"Maraming naibigay ang papa mo sa akin, pero ang pinakanagustuhan ko ay ang pagmamahal niya para sa akin." Nabalot ng ngiti ang aking labi nang marinig iyon.

"Hanggang sa dumating ang panahon na naging gabi, second year college na ako no'n at siya naman ay third year college."

"Pinangakuan niya ako ng kasal at hinding-hindi ako niloko," sabi ni mama sa akin.

"Inantay niya akong maka-graduate ng kolehiyo at magkaroon ng trabaho. 26 ako nang magpakasal kami at siya naman ay 27."

"Dalawang taon ang lumipas at nagkaroon kami ng baby, iyon ang kuya Jin mo."

"Anim na beses nang nakauwi ang papa niyo rito at ang tatlo roon ay buntis ako sa inyo." Mabagal akong umiling at natawa.

Alam ko ang ibig sabihin ni mama, ayos lang naman din iyon dahil mag-asawa sila. Iyon nga lang ay walang nag-aalaga kay mama dahil nasa malayo si papa, nasa barko siya. Mabuti na lang at sabi ni mama sa akin na pinupuntahan siya ni lola para alagaan siya. Maselan kasing magbuntis si mama, laking pasasalamatan ko rin sa kaniya dahil naalagaan niya kaming tatlo sa sinapupunan niya.

"Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa. Hindi iyon magbabago," sabi sa akin ni mama habang nakatitig siya sa akin.

"Magbago man ang itsura namin, pero ang pagmamahal namin para sa isa't isa ay hindi mawawala."

"Nangako kaming dalawa na hanggang sa aming pagtanda, magkasama kami, sa hirap at ginhawa."

Mahaba-habang lakbayin din ang nilakad ni papa para makuha si mama. Maraming hadlang, mahirap at masakit, ngunit dahil sa pagmamahal na mayroon siya para kay mama, ito na sila ngayon—mayroong tatlong anak na mapagmahal at mababait. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan, at alam kong hanggang sa kanilang pagtanda, silang dalawa pa rin ang magkasama.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now