Chapter 41

79 20 81
                                    

October 9, 2021

Three years have passed, I am currently 21 years old and a 3rd year college student. Today is the day that I will be visiting my school when I was in junior and senior high school. I missed this school so much to the point that I've been planning to help this school once I start working in the near future. Dito sa paaralang ito ako nakabuo ng maraming alaala kasama ang mga kaibigan ko at napatunayan sa maraming tao ang aking mga talento at kakayahan.

"Hello, kuya!" bati ko sa guard at agad naman niya akong pinagbuksan ng gate.

"Hello, ma'am. Pasok po kayo." Napangiti ako nang tawagin niya akong ma'am.

"Kuya, 'wag na pong ma'am. Estudyante pa rin naman po ako," nakangiting sabi ko.

"Dito ka rin nag-aral?" tanong ng guard sa akin.

Tumango ako habang nakangiti. "Opo, graduate po ako ng batch 2016-2017."

"Welcome back, hija. Malaki na ang pinagbago ng school niyo. Mas gumanda't mas naging maayos." Pinapasok ako ng guard at nang makita ko ang loob ng school ay talaga namang nalaglag ang panga ko.

Marami at malaki na ang pinagbago ng school, mas naging eco-friendly na ang mga estudyante rito dahil madalas na silang magtanim ng mga halaman at may garden na rin sila rito. Medyo lumawak na ang school at hindi na rin bako-bako ang daanan. Sa pagkakaalam ko rin ay halos lahat ng room dito sa school ay naka-aircon na. Balita ko rin ay marami-rami na rin ang nag-aaral ditong senior high school students.

"Ganda," bulong ko habang nilalakbay ang unang palapag ng building ng senior high school.

Sabado ang pinili kong araw dahil wala akong pasok at hindi gaanong marami ang ginagawa ko sa araw na ito. Ang dating canteen din namin na nandito ay inilipat na, mas malaki na at mas marami ang kanilang paninda. Parang private school na rin ang Westside Eulogia High School. Kaya rin ako nagpunta rito dahil napag-usapan namin ni Nick na magkita sa gym. He asked me if I could spend some time with him since we rarely see and speak to each other. So, I agreed since we've known each other since I was in 10th grade and he was in 11th grade.

Bibisita ako rito hindi lang dahil sa gusto kong makita ang school ko, kundi para makita rin ang mga teachers ko. Mamaya ay magde-deliver dito ng mga in-order ko para sa teachers. Galing kay papa ang pera, sinabihan niya akong bumili na rin ng makakain ng teachers kapag bibisita ako rito, kaya sinunod ko na lang.

"Ka-miss umakyat dito kahit nakakapagod," sabi ko habang pinagmamasdan ang hagdan papaakyat ng second floor at patungong gym.

Nasa taas kasi ang gym ng school namin kaya bago ka makarating sa taas, tagatak na ang pawis mo. Ang mga nakakasalubong ko lang ay ang mga athletes na nagpa-practice. Hanggang sa makarating ako sa taas at muli kong nasilayan ang gym namin, malaki rin ang pinagbago, ngunit gano'n pa rin ang init ng paligid.

Nandito rin ang faculty ng MAPEH kaya napag-isipan ko na ring bisitahin ang mga teacher doon. Alam kong may teachers dahil kahit Sabado ay busy sila.

"Hi, ate.." Dinig kong sabi ng isang athlete sa akin habang nakangiti.

I smiled and waved back at him. I think he's a junior high school, probably in 9th or 10th grade. Volleyball player siya, halata naman kasi may net silang ginagamit.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें