Chapter 35

57 20 43
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mawala si Zach. Sa loob ng tatlong araw, wala akong natanggap na message mula kay Zach. He didn't deactivate his account, it's still there and we're still friends. Pati ang account niya sa mobile legends, naka-follow pa rin sa akin. Iyon nga lang, hindi na siya gaanong nagbubukas gamit ang mga account na iyon. Halos araw-araw akong nag-aantay ng message niya ngunit wala akong natatanggap. Kahit isang kumusta lang, wala. Hindi na talaga siya nagparamdam.

Dinig ko ang pagbukas ng pinto ko at doon ko nakita si Kai na nakasilip. "Ate, kain na raw tayo," yaya niya.

"Susunod ako, saglit lang..." matamlay kong sagot.

Simula noong madaling araw ng Huwebes, nagkaroon ako ng sinat at nang dumating ang gabi, naging lagnat. Ngayong araw lang ako medyo naging maayos. Hindi ko alam kung bakit ako nilagnat no'n, pero ang hula ko ay dahil sa stress.

"Nang-iiwan kasi e... ingatan ko raw sarili ko... nagkasakit pa ako..." inis kong bulong sa sarili ko.

Mabagal akong tumayo mula sa kama ko at mabagal ding naglakad. Hindi pa ako masyadog makakilos nang maayos dahil kakagaling ko lang sa sakit. Hindi rin ako nakapasok ng dalawang araw dahil masama rin ang pakiramdam ko.

"Iba pala 'pag iniiwan... nagkakasakit..."

Ngayon, ang nararamdaman ko kay Zach ay inis. Naiinis ako dahil basta-basta na lang niya akong iniwan—sa mismong araw pa ng anniversary pa namin. Parang wala sa katinuan nang gawin niya iyon. Wala siyang sinabing gusto niyang makipaghiwalay, pero gano'n na rin iyon. Nang-iwan siya e, 'di natural, hiwalay na kami.

Nang makarating ako sa baba, sinalubong ako ni kuya Jin. Nagmukha tuloy akong lola dahil inaalalayan niya ako, hawak-hawak niya ang kanang braso ko habang ako naman ay hirap pa rin sa paglalakad dahil medyo nanghihina pa ang mga paa ko pati na rin ang katawan ko.

"Kumusta na? Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ni kuya sa akin, mabagal akong tumango bilang tugon.

"Uminom ka pa rin ng gamot mo ah? Tutulungan na lang kita sa assignments na ipapasa mo sa Lunes."

Nang makarating kami kila mama, marami akong nakitang ulam na nakahain sa hapag-kainan. Hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil inaantay nila ako. Si Kai ay kakatapos lang magtimpla ng juice at si mama naman ay kakapatay lang ng rice cooker.

"Upo ka na," sabi ni kuya sa akin at dahan-dahan akong umupo sa tabi niya.

"May lagnat ka pa, ate?" tanong ni Kai sa akin pagkatapos niyang ilapag ang pitchel sa mesa.

"Wala na, pero iinom pa rin ako ng gamot."

"Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ka na lang nagkalagnat." My mom sat down on her seat and stared at me with a worrying look on her face.

"Stressed ka ba? May problema ka ba, nak?" sunod-sunod na tanong ni mama habang ako namam ay tahimik lamang.

"May... bumabagabag ba sa'yo?"

Isa-isa ko silang pinagmasdan at muli ko namang ibinalik ang titig ko kay mama. "W-wala po..." sabi ko.

***

My mom told me that I should stay here for a moment. Dito raw muna ako magpahinga sa labas ng bahay, dito sa bakuran namin upang makalanghap naman daw ako ng sariwang hangin. I admit, it's better to stay here than in my room. Mas nababawasan ang stress ko at nahihimasmasan ako. My mom really knows what's the better and best for her children.

"Mel, meryenda ka muna." Lumingon ako sa likod at nakita si mama na may dalang sandwich na nasa platito at orange juice na nasa baso.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now