Chapter 13

67 21 33
                                    

"Masakit pa ba ulo mo?" tanong ko kay Kai habang nakahilata ito sa kama niya.

Kani-kanina lang nang makauwi kami ni mama ay nalaman naming hindi na nakapasok si Kai dahil sa lagnat niya. Sayang pa naman dahil nakasali siya sa with honors tapos hindi man lang siya nakapasok para makuha ang certificate niya sa school. Kaya mamaya, si mama na lang ang pupunta para i-receive ang certificate niya.

"Ate... tubig..." nanghihinang sabi niya sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko sa mesa sa tabi ng kama niya ngunit wala akong nakitang baso ng tubig. Bago pa man ako umalis ng kuwarto niya ay ipinatong ko muna ang kanang kamay ko sa noo niya at gano'n din sa leeg niya upang malaman kung gaano siya kainit.

"Wait lang, kukuha lang ako sa baba..." pagpapaalam ko sa kaniya at agad akong tumayo mula sa upuan ko para kumuha ng tubig sa baba.

I twisted the door handle and opened it. Hindi ko na isinara dahil papasok din naman ako ulit sa kuwarto niya. Nag-iingat ako sa bawat hakbang na ginagawa ko sa hagdan, madulas kasi rito at talagang dederetso ka sa baba kapag nagkamali ka ng apak. Nang makarating ako sa baba, nagtungo ako sa kusina kung saan naroroon ang ref. Binuksan ko ang ref at kukunin na sana ang pitsel na may lamang tubig kaso naalala kong may sakit pala si Kai at bawal siya uminom ng malamig ng tubig.

"Ang ulyanin ko naman." Napakamot ako sa batok ko at muling isinara ang ref.

Kumuha ako ng baso sa lalagyanan at sa galon ako ng tubig kumuha. Nang mapuno ang baso ay agad kong inikot ang faucet ng water container at dahan-dahang hinawakan ang baso ng tubig at naglakad papaakyat ulit ng kuwarto ni Kai. Ngayon ay naiwan kaming dalawa sa bahay ni Kai dahil si mama ay may pinuntahan—mamaya pa siya makakauwi kaya ako muna ang magbabantay kay Kai.

Nang muli akong makabalik sa kuwarto ni Kai, agad kong isinara ang pinto at lumapit sa kaniya. "Upo ka muna," utos ko at dahan-dahan naman siyang umupo sa kama niya.

Ibinigay ko ang baso ng tubig sa kaniya at nang kunin niya ito ay hinaplos-haplos ko ang likod niya. "May nararamdaman ka ba? Nasusuka? Nahihilo? Inaantok ka ba?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya habang umiinom siya ng tubig.

Madalas kaming nag-aasaran at nagkakatampuhan ni Kai, pero mahal na mahal ko siya bilang kapatid ko. Hindi ako mapakili kapag nagkakasakit siya. Simula kasi no'ng bata siya, sakitin na raw talaga siya—ang sabi ni mama sa akin. Kaya kinakabahan na kami kapag nagkakalagnat si Kai kasi madalas ay itinatakbo siya sa ospital dahil malala ang sakit niya. Salamat naman sa Diyos at nagiging maayos ang kalagayan niya at mabilis ding nawawala ang sakit niya.

"Inaantok nga ako e," sagot naman niya sa akin at muli kong kinuha ang baso mula sa kaniya at inilapag ito sa mesa.

"Sige, magpahinga ka muna. Gusto mo bang bantayin kita o... alis muna ako?" tanong ko dahil alam kong minsan ay hindi siya nakakapagpahinga kapag may nakakasama siya rito sa kuwarto niya.

"Okay lang ako, ate. Chat na lang kita 'pag may kailangan ako." Tinapik ko ang kamay niya at kinuha ang cell phone niya.

"Bawal mag-cell phone. Hindi ka muna makakahawak nito," sinita ko siya at inilayo ang cell phone mula sa kaniya.

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya at muli siyang humiga. "Ate naman... 'di ko naman gagamitin buong araw e..." pagmamakaawa niya sa akin ngunit umiling ako.

"Makinig ka sa akin ha? Bawal muna maghawak ng gadgets, ipagpahinga mo muna 'yang mata mo."

"Masama ang laging nakatutok sa gadgets. Sige na, matulog ka muna." Tumayo ako at kinuha ang kumot niyang nahulog sa lapag. Dinampot ko ito at kinumutan siya.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now