Chapter 9

80 22 23
                                    

This is it, the moment of truth. Wala nang atrasan 'to. Sigurado naman akong maiintindihan nila ang sasabihin ko, expected ko nang magugulat sila, pero ayos lang sa akin. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang kaibigan nilang tahimik at walang kaalam-alam sa pag-ibig ay magkakaroon ng kasintahan.

"Nagawa mo na assignment mo sa English?" nagmamadaling tanong ni Tasha sa akin habang ako naman ay nakatulala lang.

Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko at natauhan naman ako. "A-ano 'yon?"

"Pakopya assignment sa English, 'di ko nagawa e... puro paintings inatupag ko kahapon. Please?" pagmamakaawa sa akin ni Tasha.

I have no choice but to let her copy my assignment in English, basta't huwag lang copy-paste, malalagot talaga kami sa English teacher namin. Madalas masungit si ma'am, pero paminsan-minsan naman ay nakakasunod namin siya. Very strict si ma'am pagdating sa mga assignments at recitations—kasama na rin ang journal namin na kung tawagin ay essay book na rin. Doon lahat nakalagay ang mga essays na ginagawa namin sa kaniya. And guess what? Sa loob ng dalawang araw, anim na essays ang pinapagawa sa amin. Gusto pa niya 'yong pagkahaba-habang essays e, hindi naman niya binabasa hanggang sa huli.

"Huwag mong kopyahin lahat, matuto ka nang mag-paraphrase," pangaral ko kay Tasha. Mabilis naman niyang hinablot ang English notebook ko mula sa desk ko at binuklat iyon.

Sa sobrang pagkakataranta niya ay hindi na gaanong maayos ang penmanship niya, mabilis magsulat si Tasha—kapag naghahabol na siya ng ipapasang assignments. Normal na lang sa amin ni Lory makopyahan ni Tasha ng assignments, pinagsasabihan nga rin namin siya na mag-ayos na siya ng pag-aaral niya dahil mas mahihirapan lang siya sa senior high school at college kung ang katamaran niya ay isasama niya hanggang sa pagtanda niya.

"Kaya mo 'yan, Tasha!" pagbibiro ni Lory at sinusubukang i-cheer si Tasha.

"'Wag ka ngang maingay! Papakainin kita ng siling labuyo—" napatigil si Tasha nang muling magsalita si Lory.

"Go Tasha! Kaya mo 'yan!"

"Hindi ka ba napapagod? Lagi ka na lang naghahabol ng assignments mo ta's kinokopya mo lang din?" Isinara ni Tasha ang notebook niya at ibinaba ang pen niya. Pinasa niya ang notebook ko sa akin at mataray na tinitigan si Lory.

"O, bakit? Ako lang naman din pinapagawa niyo ng assignments niyo sa arts natin ah?" sumbat niya kay Lory at tinaasan pa ito ng kilay.

Hinayaan ko muna silang mag-usap, alam ko rin naman kasing magbibiruan lang silang dalawa. Tama si Tasha, madalas kaming magpagawa ng assignments namin sa kaniya sa arts. Magaling kasi siyang mag-painting, drawing, pati digital arts ay marunong siya. How I wish na gano'n din ako kagaling sa paggawa ng arts, kaso hindi. Linya ko ang pagsusulat at doon ako madalas naka-focus. I enjoy writing stories since I was 11. Hindi man gaano kalawak ang vocabulary ko noon ay nakakagawa ako nang maayos na istorya. Sad to say, lahat ng sinulat ko sa papel na stories ay hindi ko naitago, malamang ay naitapon na iyon ni mama.

"E... magaling ka ro'n e. Stick man lang alam kong i-drawing kaya... salamat sa tulong mo." Lory crossed her arms, ang taas ng pride kahit nagpasalamat na.

"E 'di you're welcome!" Tasha answered.

"Sa uulitin," mahinang tugon ni Lory ngunit narinig namin iyon ni Tasha at nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Para kayong mga timang, tulungan lang tayo para lahat aangat."

"Tulungan na hindi puro kopya at pagawa, kundi tulungan na magpapatulong kung paano iyon ang naging sagot at kung paano gumawa ng gano'n," paliwanag ko sa kanila, isang pangaral na rin.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now