Chapter 24

73 22 27
                                    

"Mama, saglit lang po ako."

"Ito po 'yong message ni Tasha sa akin." Ibinigay ko ang phone ko kay mama at sinimulan naman niyang basahin ang message ni Tasha sa akin.

Pinapabasa ko kay mama para alam niyang nagsasabi ako ng totoo at importante ang gagawin namin ngayon. Habang binabasa ni mama ang message ni Tasha sa akin, si kuya naman ay nakatitig sa akin habang si Kai ay nakaupo sa tabi niya at may nilalaro sa cell phone niya.

"Umuwi ka kaagad ha? Mag-iingat kayo sa daan—"

"Ma, ihatid ko na lang po sila ni Tasha papunta kila Lory," sabi naman ni kuya.

Hindi naman ako tumutol dahil alam ko namang totoo ang sinasabi ko. Mas maganda nga kung ihahatid niya kami e, para malaman niyang kila Lory talaga ang punta namin ni Tasha. Para hindi na rin magduda si Kai sa akin na may ginagawa akong masama, kahit wala naman talaga. Ayos lang sa akin maging overprotective sila, pero huwag naman 'yong pag-iisipan pa ako na may masama akong ginagawa.

"Sige, anak. Ihatid mo na lang 'tong kapatid mo pati si Tasha para hindi na rin sila mag-commute," utos naman ni mama kay kuya. Muling ibinalik ni mama ang cell phone ko at isinuksok ko ulit ito sa loob ng sling bag ko.

"Dadaanan ka ba ni Tasha?"

"Opo, kuya. Malapit naman na siya, saglit na lang 'yon," sagot ko habang nakatingin sa salamin at inaayos ang buhok ko.

"Sige, magpapalit lang ako damit. Kapag nand'yan na siya, pakisabi... wait lang," bilin ni kuya sa akin at nagmadali itong umakyat sa kuwarto niya.

Ang titig ko naman ay napunta kay Kai na hanggang ngayon ay abala pa rin sa kapipindot sa phone niya. Kanina pa siya naglalaro ng mobile legends sa cell phone niya at parang doon na lang umiikot ang buhay niya kapag walang pasok at wala siyang assignments o kaya naman ay tapos na siya paggawa ng assignments niya.

"Kanina ka pa naglalaro ah, wala ka bang balak kumain dito?" tanong ko sa kaniya habang siya naman ay tuloy pa rin sa kapipindot at nakatuon din ang pansin sa phone niya.

"Kakatapos ko lang, ate—p*ta! Patay na naman ako, parang statue 'tong mga kakampi ko!" reklamo niya habang nakakunot ang noo.

"'Di sila nagalaw, walang mga mapa. 'Yong core namin 'di pa natulong!" Napakamot siya sa ulo niya at muntikan nang ihagis ang cell phone niya.

"Kapag hinagis mo 'yan, ihahagis ka rin ni mama sa labas ." I crossed my arms and smirked.

Kanina ko pa pinapanood si Kai habang kausap ko si mama. Pigil na pigil lang siyang magmura dahil talagang sesermonan siya ni mama at puro pangaral ang maririnig niya kay mama. Mahirap din kasi maglaro nang chill-chill lang e, lalo na't minsan ang mga kakampi mo, hindi marunong—mas matalino pa ang unggoy kaysa sa kanila.

"'Yong mga kakampi ko, nasa mythic na pero parang 'di gamay 'yong hero..."

"Chill lang, kung ayaw mong isumbong kita kay mama," panakot ko sa kaniya.

"Bahala ka, ate..."

Maya-maya ay dinig kong may kumakatok sa pinto kaya naman agad akong nagtungo roon at sumilip muna ako sa bintana namin bago ko buksan ang pinto. Nakarating na si Tasha, may dala siyang cake, at mukhang haggard dahil nag-commute lang ata siya papunta rito sa village namin at umaambon pa.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok ko muna siya sa loob. "Pasok ka," sabi ko at agad siyang tumapak sa loob.

"Wait lang daw sabi ni kuya, ihahatid na niya tayo papunta kila Lory," bulong ko kay Tasha habang sinasamahan siyang maglakad papunta sa sopa.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now