Chapter 33

68 20 27
                                    

Month of April has arrived. Today is a special day as we receive our certificates and medals after a long and tough journey in high school, the most exciting and fun life of all students. Hinding-hindi ko makakalimutan ang buhay ko simula nang ako ay tumungtong ng grade 7 hanggang grade 10, this is by far the most memorable time of my life.

Nandito pa lang kami sa bahay, ngunit ramdam ko na ang kaba habang iniisip ko ang maaaring mangyari mamaya. Marami ang puwedeng mangyari, ngunit ang pinaka-aantay ko ay ang pagbigay sa akin ng certificate ko at pagsabit ni mama ng medal sa akin.

"Pa'no si Kai, mama? Mag-isa lang siya rito?" tanong ko habang nakaupo ako sa sopa, nag-aantay kay mama na ayusin ang bag niya.

"Nasabihan ko na siya kagabi na mag-ingat siya at huwag magpapasok kung hindi naman niya kilala."

"Uuwi na rin naman ang kuya mo mamaya dahil half day lang daw sila ngayon," dagdag pa niya at muli na naman siyang nagtungo sa taas dahil may nakalimutan ata siyang isuksok sa bag niya.

Habang nag-aantay akong matapos si mama sa gawain niya, ginamit ko muna ang cell phone ko. Binuksan ko ang messenger at tiningnan ang mga chat ng classmates ko sa group chat namin. Ang iba ay nandoon na, ang iba ay paalis pa lang at ang iba ay on the way na. Habang binabasa ko ang mga chat nila, hindi ko maiwasang ngumiti—excited kasi ang lahat, lalo na't halos lahat kami sa section namin ay nakapasok sa with honors.

"Sasaya ng mga 'to ah," nakangiting bulong ko sa sarili ko habang binabasa ang messages nilang kanina pa na-send nila sa group chat.

"Oo nga pala... naka-graduate na kuya ni Lory kahapon!" Nagmadali akong hanapin ang conversation namin ni Lory sa messenger at nang makita ko ito ay agad kong pinindot ang chatbox.

I want to congratulate his older brother. Isa na siyang ganap na college student sa susunod na school year. Si Lory naman ay senior high school student na. Sa pagkakaalam ko ay valedictorian ang kuya ni Lory, nakaka-proud na nakaka-amaze kahit na alam kong matalino naman talaga ang kuya ni Lory. If I was his mother, I would be really proud and happy for my son because he attained a great achievement that not all has the chance to achieve.

"Congrats pala sa kuya mo!" I sent the message to Lory and after that, I heard my mom's footsteps.

"Tara na, nak. Commute na lang tayo, wala 'yong kotse e, ginamit ng kuya mo," sabi ni mama sa akin.

Agad naman akong tumayo mula sa sopa at binitbit ang paborito kong sling bag. Ito kasi ang regalo ni mama sa akin at nagustuhan ko, kaya lagi ko na itong ginagamit saan man ako magpunta.

"Mamaya, sa restaurant na lang tayo magce-celebrate," banggit ni mama sa akin.

"Sino po kasama natin?"

"Nakausap ko na ang mama nina Lory at Tasha."

"Isasama raw nila ang family nila, pero ang sabi naman ng mama ni Lory sa akin ay nag-invite pa siya ng mga kamag-anak niya," sagot ni mama sa akin.

Binuksan ko ang pinto at nauna na akong lumabas, sumunod naman si mama sa akin at isinara niya ang pinto. Kaya pala nagdala si mama ng lalagyan ng toga ko kasi tatanggalin ko ito mamaya kapag nasa restaurant na kami at kakain.

"Sige, tara na. Dalian na lang natin," sabi ni mama sa akin.

Mahigpit akong napahawak sa sling bag ko at bumuntong hininga. A strange feeling of excitement filled me as I imagine what will happen later. I am nervous, but I felt more excited after knowing that I would be able to spend my time with my classmates for the last time.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now