Chapter 15

66 23 28
                                    

About Lory's confession yesterday, I've already said the news to Kai, he wasn't expecting that he would receive a good news. Hindi man siya nagsabi sa akin nang deretso, at least nalaman ko kay kuya Jin ang totoo. Hindi nagalit sa akin si Kai nang ipaalam ko kay Lory iyon dahil gustong-gusto naman talaga niya si Lory. In fact, napangiti pa nga siya nang sinabi kong gusto rin siya ni Lory. Now, he won't be calling my friend, ate Lory.

Habang naglalakad ako sa hallway, nahagip ng mga mata ko si Tasha na may kausap na limang babae sa labas ng room. Binagalan ko naman ang paglalakad ko at tiningnan kung mapapansin niya ako, ngunit dahil sa sobrang abala niya sa pakikipag-usap sa mga kasama niya ay hindi niya ako nakita't napansin hanggang sa makapasok ako sa loob ng classroom namin.

Ibinaba ko naman ang bag ko sa upuan at dali-daling umupo sa tabi ni Lory upang kausapin siya tungkol kay Tasha. I have never seen those girls, but they just look like Tasha. Halata sa mga mukha nila na mahilig silang mag-ayos, mahilig magpaganda.

"Lory? Sino 'yong mga 'yon?" bulong ko kay Lory habang patagong tinuturo ang limang babaeng kinakausap ni Tasha sa labas.

"Ewan ko nga rin e, ngayon ko lang din sila nakilala," sagot ni Lory sa akin habang abala ito sa pagbabasa ng libro.

"New friends?" tanong ko sa sarili ko nang pabulong.

"Baka nilalapitan nila si Tasha kasi gusto nilang maging kaibigan si Tasha," sabi ni Lory ngunit halata sa boses niya na hindi siya sigurado.

"Hmm, baka 'yon nga." Nagmadali akong umupo sa upuan ko at nagkunwaring inaayos ang loob ng bag ko nang makita kong papasok na si Tasha sa loob ng room namin.

Nang makaupo siya sa tabi ko, doon ko lang itinanggal ang tingin ko sa bag ko at isinara ang zipper nito. I looked at Tasha and I can see her smile. Hindi naman na ako magtataka kung magkakaroon si Tasha ng ibang kaibigan bukod sa amin ni Lory. I would be glad if that would happen, the more, the merrier.

"Tasha, sino pala sila?" tanong ko. Wala nang pagdadalawang-isip, deretso na ako nang magtanong sa kaniya.

"Galing sila sa section... nakalimutan ko na pero sa third floor 'yong room nila." Mabagal naman akong tumango nang marinig ang sagot niya.

"Ano naman ang sinabi nila sa'yo?" Nabaling ang atensyon ni Lory sa aming dalawa ni Tasha nang marinig ang nabanggit ni Tasha.

"Ah... ano kasi... tinatanong nila kung puwede ba nila akong makasabay mamayang... break time—"

"So, hindi ka sasama sa amin mamaya?" tanong ko naman.

"Ngayong araw lang naman e... okay lang ba sa inyo?" Bakas sa mukha ni Tasha ang pagdadalawang-isip nang tanungin niya kaming dalawa ni Lory.

"Okay lang naman sa akin, tanong mo si Lory," sagot ko.

"Lory, ano? Ayos lang ba sa'yo?" Napalunok si Tasha nang magtanong kay Lory.

Alam kasi niyang medyo maldita si Lory pagdating sa gan'tong mga bagay. May mga pagkakataon na hindi kami nagkakasabay mag-break time or umuwi kasi minsan may ibang nagyayaya at minsan naman ay may importanteng gagawin ang isa sa amin. And Lory doesn't like those kinds of situations, she's trying her best to avoid it from happening. Gusto niyang magkakasama kami lagi para walang kulang o kaya naman ay walang naiiwan.

"Okay lang..." matipid na sagot ni Lory habang hawak-hawak pa rin ang libro at nagbabasa.

"Sure?"

Ibinaba ni Lory ang hawak niyang libro at itinaas ang isang kilay niya. "Ngayong araw lang 'yan ha?" mataray niyang tanong at tumango naman si Tasha bilang tugon.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now