Chapter 37

58 20 69
                                    

Napakabilis ng panahon, dalawang buwan na naman ang lumipas. This month of August, our school will celebrate their 50th anniversary. Since hindi gaanong marami ang senior high school students dito sa school namin, ang schedule naming grade 11 and 12 ay pang-umaga which is very exciting and fun kasi hindi masyadong tirik ang araw. Mabuti na nga lang at dito pa kami nag-aral ng senior high school, kasi kung hindi kami rito, malamang hindi naman 'to mararanasan at wala kami rito para maki-celebrate sa kanila.

"Hala! Ang daming booth!" Halos mapatili na si Tasha nang makita niya ang iba't ibang booths na nag-aayos na dahil mamaya ay magbubukas na sila.

It's already 6:25 in the morning, kakapasok lang namin at halos buong paligid namin ay napapalibutan ng booth, ngunit ang atensyon ko ay nabaling sa isang booth, ang wedding booth. Hindi ko alam kung paano ang diskarte ng mga estudyante rito mamaya dahil bawal maghalikan dito, hindi ko rin alam kung bakit may wedding booth. Students here are not adults, dapat sa college sila nagpunta.

"Bakit may wedding booth dito? Ano 'yan may halikan?" nagtataka kong tanong sa dalawa habang nakaturo ako sa booth.

"Baliw! Bawal mag-kiss d'yan," natatawang sagot ni Tasha at maya-maya ay nagtawanan silang dalawa ni Lory dahil sa naging tanong ko.

"Sorry naman! Hindi ko naman alam e," mataray kong sumbat. I flipped my hair and walked away.

"Hala! Hoy! Joke lang!" sigaw ni Tasha habang ako naman ay patuloy pa rin sa paglalakad papalayo sa kanila.

"Joke lang, love you!" Niyakap nila akong dalawa.

"Ewan ko sa inyo—"

"Hala! Wedding booth! Sana may magyaya sa 'kin d'yan mamaya!"

"Oo nga! Ako rin!"

"Baka naman, crush."

Dinig kong sabi ng mga grade 10 students. Alam kong grade 10 sila dahil sa kulay ng ID nila. Sila pinapangarap nilang makapunta sa wedding booth, samantalang ako, iniiwasan ko iyon. Wala naman din kasi akong crush, hanggang ngayon si Zach pa rin ang iniisip ko. Ang tagal na naming hiwalay, ang tagal na rin naming hindi nagpaparamdam sa isa't isa. But guess what, I always bring the keychain he gave to me, hoping that he would somehow miss me. But no, I received nothing.

I always wonder if he brings his own keychain with him everytime. Ako kasi, lagi ko pa ring dala-dala, at kahit na wala na kami, iniingatan ko ang bigay niya. Remembrance na rin kasi ito, at kahit na hindi naman na kami, alam kong maaala niya pa rin ako kahit ano man ang mangyari. I know I did my best and I made him happy, that's enough for me to say that I became a huge part of his life.

"Alam niyo?" Napatingin ang dalawa sa akin habang ako naman ay tuwid pa rin ang titig, nasa daan ang pokus.

"Ano?" sabay nilang tanong.

"Kung nandito lang si Zach... malamang pupunta kami sa wedding booth."

***

Si Tasha ay kanina pa nakakatanggap ng roses mula sa iba't ibang lalaki, pero ang inaantay lang talaga niya ay si Theo. Wala pa kasi ito at hindi pa nagpapakita, pero alam ko naman na dadating si Theo para makasama si Tasha ngayon kahit na may pasok siya. Siguro nag-absent muna siya para lang kay Tasha. Marami-rami na rin ang roses na hawak-hawak ni Tasha, at kada bigay sa kaniya ng rose ay nagpapa-picture sila sa kaniya, ngunit hindi gaanong lumalapit si Tasha sa mga lalaking iyon dahil hindi siya komportable, hindi rin siya nagpapaakbay dahil ayaw niya. Pinagbibigyan lang niya sila dahil sayang din naman daw ang effort nila.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now