Chapter 12

74 21 18
                                    

"Bakit kaya wala tayong teachers na nagtuturo today?" tanong ni Lory habang si Tasha naman ay abala sa cell phone niya.

"Ewan ko nga rin e... sana natulog na lang din ako sa bahay kung gan'to lang din naman," sabi ko na medyo may inis sa boses ko.

Kanina, wala rin 'yong dalawang teachers namin. After ng lunch, wala na naman 'yong pangatlong teacher namin. Hindi naman sa nagrereklamo kami, pero parang gano'n na nga. Sayang lang din kasi 'yong gising namin at pagpasok nang maaga kung hindi naman kami tuturuan ngayong araw. Ang maganda lang dito ay puwede kaming magpahinga at gawin ang gusto namin—huwag nga lang mag-iingay.

"Drawing muna ako..." sabi ni Tasha sa amin at isinuksok ang cell phone na hawak niya sa bulsa niya.

Inilabas niya ang pad paper niya at lapis mula sa bag niya at nagsimulang mag-drawing habang kami naman ni Lory ay nakatitig sa bawat pagpalit ng posisyon ng kanang kamay ni Tasha. Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Lory at alam kong dahil iyon sa pagkainip niya. Wala kasi kaming magawa, hindi kami prepared, joke. Ang ibang classmates namin ay may sari-sariling mundo, may mga lalaking maiingay na nakatutok sa cell phones nila at alam kong naglalaro na naman sila ng mobile legends. Ang ibang babae naman ay nakaupo lamang at nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. May mga paikot-ikot na akala mo supervisor, at ito kami, walang magawa.

"Ang boring... magbabasa na lang muna ako ng libro..." sabi ni Lory at tumalikod sa akin.

I know, she will be reading books related to science or math. Hilig niya kasi iyon, araw-araw may iba't iba siyang natututunan. Mas advance pa siya sa technology. Mahirap siyang pakisamahan paminsan-minsan kasi hindi ko talaga maintindihan ang ibang pinagsasasabi niya sa akin na related sa physics o kaya naman ay earth science. Basta't oo na lang ang sinasagot ko, baka kasi magtampo sa akin. Minsan oo ang sagot ko iyon pala, perspective ko ang hinihingi niya. Masyado akong paghahalataan sa part na iyon.

"Magsusulat na lang ako ng story," bulong ko naman sa sarili ko at inilabas ang cell phone ko mula sa bulsa ko.

Medyo matagal na rin akong nagsusulat ng stories sa Wattpad. I think, when I was 13, I joined this app. At dahil mahilig ako sa fantasy movies ay nakapagsulat din ako rito ng fantasy stories. Thousands na ang reads at votes, marami rin ang nagco-comment na maganda raw at worth it basahin, pero ang pinakanagpapasaya sa akin ay ang pagsusulat talaga. Pangalawa na lang ang naibabahagi ko ang akda ko sa mga mambabasa.

I just write for fun, but that thought of mine turned into something more meaningful. Now, I write because it's my passion. I write what I want to read and I write what satisfies myself. Hindi ako sunod sa uso, mas pinapahalagahan ko ang imahinasyon ko dahil iyon ang matatawag kong kakaiba o unique. My imaginations are far unique from popular plots writers usually writes. Kasi alam kong malalaos din ang plots na iyon at marami ring writers ang tatamaring ipagpatuloy ang nasimulan nila dahil hindi na nga uso, at may bago na naman sumisikat na plot. So, I decided to write what I like to read, and these are the fantasy stories I've already written.

"Chapter 17..." bulong ko at natuwa.

I've already written several chapters, and I am amazed. Hindi ko aakalain na makakaabot ako sa gan'tong kabanata. I tried new genre, it's young adult. Medyo hirap ako dahil wala akong kaalam-alam sa genre na ito. In fact, mas mahirap pa siya sa fantasy genre—in my opinion. Kasi sa fantasy, malaya kang magawa ang lahat ng gusto mo, everything is possible. Samantalang dito sa genre na ito, kailangan mong maging realistic—to let the readers be connected to your characters.

"Nabasa ko na pala 'yong isang story mo." Ibinaba ni Tasha ang hawak niyang lapis at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now