Chapter 4

130 26 20
                                    

"Nicholas? Ang swerte mo naman," sabi ni Lory sa akin habang ako ay abala pa rin sa hello wafer na hawak-hawak ko.

Kanina ko pa ito binabasa at hindi ko maiwasang magtaka. Buong umaga akong nakatutok dito at wala pa rin akong kamalay-malay kung bakit sa akin pa ibinigay ni Nicholas ang wafer na ito-may pick up line pa sa likod. But I admit, kinilig ko nang kaunti.

"Nick tawag ko sa kaniya." Me and Lory both looked at Tasha at the same.

Pati pala si Nicholas ay close kay Tasha. I never knew that before, pagkarami-rami kasi ang lumalapit kay Tasha, kaya hindi ko na nakakabisado ang mukha ng mga iyon. Pa'no ba naman kasi, ang ganda-ganda ng kaibigan namin.

"Close kayo no'n?" tanong ni Lory habang sabay-sabay kaming naglalakad papauwi ng school.

Mahilig din kaming bumili ng street foods, tatlong taon na kaming bumibili kila ate Fe. Felicia ang pangalan niya pero ate Fe na lang ang tinatawag namin sa kaniya para hindi raw masyadong mahaba. Masasarap ang tinda nila, lalo na ang siomai at gulaman nila. Sinabihan na rin ako ni mama na huwag na masyadong bumili ng street foods dahil noong elementary ako, iyon ang naging sanhi ng sakit ko. Sensitive raw ang tiyan ko, pero walang sensitive-sensitive 'pag masarap ang pagkain.

"Dati... nagkakausap kami ni Nick pero 'di na kami masyadong close no'ng nag-grade 9 na tayo."

Tumigil kami sa harapan ng maliit na tindahan ni ate Fe at doon niya kami agad na napansin. Napapalakpak pa siya sa sobrang tuwa nang makita niya kaming tatlo. Kami raw kasi madalas ang nakakaubos ng mga paninda niya. Ang saya lang din sa pakiramdam kasi busog na kami, nakatutulong pa kami sa kapwa namin.

"Nandito na ang mga paborito kong bata, nako! Ubos na naman ang paninda ko nito!" tuwang-tuwa nang sabihin niya iyon sa amin.

"'Buti nga ate may natira pa sa paninda mo e, sarap-sarap pa naman lahat." Kumuha si Tasha ng malaking baso at isang stick upang kumuha na rin ng pagkain niya.

"Oo naman! Basta unang araw ng klase marami akong niluluto... alam ko kasing maraming estudyante ang maghahanap ng tusok-tusok." Tiningnan ko ang mga niluluto ni ate Fe, may fishball, kwek-kwek, squid ball, at kikiam.

"Kuha ka na ng sa'yo, be. Wala ka na bang baon? Libre na kita." Natawa ako sa tanong ni Tasha. Agad akong kumuha ng isang plastik na baso at stick.

"Mel pa ba? Walang pera? Not gonna happen," biro ni Lory habang inilalabas niya ang wallet niya upang makapagbayad na siya.

"Pagkain pa ba ni ate Fe, ito lang 'yong pag-iipunan kong pagkain," biro ko sa kanila.

"Grabe naman, gano'n na ba kasarap ang mga sauce ng pagkain dito?" Nagtawanan kami sa natanong ni ate Fe.

Mas lalo kasing nagpapasarap ang gawa niyang sauce para sa mga tusok-tusok. Kapag si mama ang gumagawa, iba ang lasa, pero kapag sa labas lang nabibili, masarap. Ewan ko ba kung ano'ng klaseng kababalaghan iyon.

"Ate, ito na lahat, bente. Saka isang gulaman po." Iniabot ni Lory ang bayad niya kay ate Fe.

Pinakapaborito ko rito ay 'yong pritong tokwa, kwek-kwek, at fishball. Ang sarap kasi kahit walang sauce, hindi nakakaumay. Minsan naman gulaman ang binibili kong panulak o kaya naman ay choco. Mas gusto ko ang gulaman kasi wala siyang after taste, hindi kasi minsan bagay 'yung choco sa pagkaing binibili ko.

"Ate Fe, bente rin lahat. Isang gulaman din po," sabi ko at iniabot kay ate Fe ang 50 pesos ko, sinuklian naman niya ako ng 30 pesos.

Habang inaantay ko ang palamig ko, muling nagsalita si ate Fe, "Graduating na kayo, dito pa rin ba kayo mag-aaral sa susunod?" tanong ni ate Fe.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now