Chapter 29

57 20 47
                                    

March 16, 2017

Anim na buwan ang lumipas, ngunit hindi ko ramdam na bagong taon na naman ngayon at malapit na kaming maka-graduate ng grade 10. Mahirap din ang pinagdaanan namin bago kami makarating sa puntong ito. Ang mahirap sa gan'tong sitwasyon ay maghihiwa-hiwalay na kaming magkakaklase, mahirap at nakakalungkot dahil simula noong grade 7 ay magkakasama na kami.

Marami ang nahiwalay, marami ang nadagdag, ngunit masaya ako dahil nagbigay kasiyahan sila sa buhay ko. It's hard to let go when I am already attached with my classmates. Tatlong taon kaming magkakasama, at ngayon, kailangan na naming magpaalam sa isa't isa.

"Wala masyadong pumasok," sabi ni Tasha habang pinagmamasdan ang paligid namin.

Kaunti lamang ang pumasok ngayon dahil irregular class sa araw na ito. Busy na naman ang mga teachers at halos lahat ng estudyante ay nasa labas ng room nila, naglilibot-libot sa school. Pinapabayaan lang sila basta't walang nagkakasakitan.

"Nakakatamad naman kasi e... wala naman tayo masyadong ginagawa kundi ang magtitigan dito hanggang uwian..." reklamo ni Lory sa amin.

"Dapat pala 'di na lang tayo pumasok..."

Nakakatamad kumilos kapag unti lang ang nakikita kong tao. Parang nakakaantok na nakakatamad. Wala rin kasing iniwang pinagawa sa amin. Nagsayang lang kami ng oras dito, imbis na natutulog pa kami ay nandito kami ngayon, nakatunganga.

"So, kumusta naman na kayo ni Theo, Tasha?" tanong ko kay Tasha.

Alam kong nagkakausap na silang dalawa at para bang nagkakaroon na rin ng gusto si Theo kay Tasha. Well, sino na namang hindi. Mas naging mabait si Tasha at nag-mature. Almost everyone will fall in love with her.

"Hmm... okay naman siya."

"Melissa means... kayo. Kumusta na raw kayo ni Theo?" tanong ni Lory.

"Kami? O-okay naman kami... medyo close na... pero—"

"Pero ano?" Lory and I said at the same time.

Tasha looked at the both of us and smiled. "Nanliligaw na siya sa akin," mahinahon niyang ipinaalam sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakagalaw. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Tasha. Crush lang niya dati, ngayon nanliligaw na sa kaniya. Si Tasha lang ata 'yong kilala kong naligawan ng crush niya. Napakaswerte naman talaga ng babaeng ito, pinagpala.

"Ilang buwan na ba siyang nanliligaw?" pabulong na tinanong ni Lory dahil ayaw niyang may ibang makarinig bukod sa aming tatlo.

"Simula no'ng December... he started courting me and until now..."

"So, ano ang plano mo? Sasagutin mo na ba siya?" bulong ko naman pabalik.

Sumimangot si Tasha sa akin at mabagal na umiling. Parang dati lang ay gustong-gusto niya si Theo, pero ngayon, parang hindi pa siya sigurado. I think it's because, she's too young to be in a relationship. Ako, hindi ko talaga alam ang pumasok sa isip ko kung bakit ko nagawang pumasok sa isang relasyong hindi ko pa naman gaanong kilala si Zach noon. Kaya ngayon, hirap akong i-let go si Zach dahil napamahal na rin ako sa kaniya.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon