Chapter 11

61 22 20
                                    

After two months, I am happy to announce that I am an achiever, with honor ako sa first quarter at alam kong matutuwa sina mama't papa—pati na rin ang mga kapatid ko kapag nalaman nila ito. Parating na rin si mama mamaya, kaka-text ko lang kasi sa kaniya na kailangan niyang magpunta ng school para samahan akong kunin ang certificate ko. Alam kong tuwang-tuwa si mama kasi hindi ko siya binigo—hindi ko sila binigo at alam kong matutuwa sila kapag nalaman pa nila ang isang award ko.

"Congrats, Mel!" Niyakap ako nina Tasha at Lory at gano'n din naman ako sa kanila.

Lahat kami ay with honors, dahil iyon sa tulong ng isa't isa. We wouldn't achieve these awards without the help of each other. Masaya ako kasi lahat kami umaangat, walang naiiwan sa baba at ang mas maganda pa ay natututo kami. Kanina pa nandito ang parents nila, nag-aantay na sa parating naming adviser.

Kani-kanina lang sa English namin ay nag-announce na ang advisor namin kung sino ang nasa with honors at pinapapunta niya ang mga magulang ng mga with honor students. I would like to congratulate all of my classmates, may honor man o wala, I know everyone did their best and deserves to be congratulated.

"Hello po, tita!" dinig kong bati ni Lory.

Napatingin ako sa likod at nakita si mama na hinahanap ako, nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan at umupo sa tabi ko. Halata sa kaniya na nagmadali siya dahil akala niya late na siya at hindi niya ako masamahang makuha ant certificate ko.

"Wala pa teacher niyo, nak?"

"Wala pa, ma. Pero parating naman na po ata siya," sagot ko habang nagmamasid-masid sa labas ng bintana sa hallway.

Maraming estudyante ang nasa labas at ang iba ay nasa gym na dahil kinukuha na ang certificates nila. Hinuhuli nila ang higher sections at hindi ko alam kung bakit, ayos lang din naman sa amin dahil worth it ang pag-aantay.

"Ano ang average mo?" bulong ni mama sa akin habang nagpapaypay.

"Ewan ko po, wala pa 'yong card e."

Maya-maya ay dumating na si ma'am, dala-dala niya ang card namin. Nakangiti pa siya nang ilapag ang card sa mesa at tiningnan ang relo niya upang i-check kung ano na ang oras at kung kailangan na ba naming magpunta sa gym.

"Good afternoon, parents. Puwede na po tayong pumunta sa gym. Students na may honor, please proceed to the gym. Pila kayo sa labas," utos ng teacher namin at halos lahat ay tumayo, kaunti lamang ang natira sa loob ng classroom.

Pinangunahan kami ng president namin. Nakapila na kami sa labas kasama ang parents namin papuntang gym. Hindi ko alam kung paanong ayos at kung sino ang unang tatawagin mamaya, pero makikisabay na lang din ako. Basta't kasama ko na si mama, ayos na ako.

"Ano kaya average natin?"

"Sino kaya pinakamataas?"

Samu't saring mga tanong ang naririnig ko mula sa mga kaklase ko, ngunit para sa akin, kung nakapasok na ako sa with honors, thankful na ako. Hindi lamang sa aking sarili, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, kundi sa Diyos din dahil siya ang gumabay sa akin at tumulong sa akin upang mailabas ko ang sipag at talino na mayro'n ako. Ang Diyos din ang naging dahilan kung bakit ko ito makakamit ngayon, kaya lubos akong nagpapasalamat sa Kaniya.

Nang makarating kami sa gym, maraming tao ang naroroon. Inaasahan ko na rin na dagsa ang tao rito dahil card day at marami rin ang achievers galing sa ibang sections at sa grade 8. Muli kaming pinapila ng president namin nang maayos. Nakahawak ako sa kanang braso ni mama dahil muli akong nakaramdam ng hiya. Ang hirap talaga kapag mababa ang confidence.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin