Chapter 17

65 22 20
                                    

Kahapon, hindi ko aakalain na pati si Tasha ay magtatampo sa amin. May karapatan naman siya, pero mas may karapatan kami dahil masakit ang mga nabanggit niya sa amin—parang itinatakwil na niya kami at parang mas tinuturing na niyang kaibigan ang ibang taong nakilala lang niya sa loob ng ilang araw.

Sa ngayon, wala pa si Tasha, ngunit nandito na si Lory na kanina pa ako dinadaldal, hindi ko naman din siya mapipigilan dahil medyo nakaramdam din ako ng inis kay Tasha kahapon. Pati si ate Fe ay napansin na iba ang ugali ni Tasha kahapon, nakakahiya.

"Sa tingin mo galit si Tasha sa atin?" mahinang bulong sa akin ni Lory nang lumapit siya sa akin.

"Hindi naman siguro? Wala naman tayong masamang nasabi sa kaniya kahapon e," sagot ko ngunit kabado ako.

Kinakabahan ako dahil kahit wala naman kaming nagawa o nasabing masama ni Lory, alam kong may kaunting pagtatampo si Tasha sa amin dahil ang akala niya ay ayos lang sa aming magkaroon siya ng bagong kaibigan at sumama sa iba dahil may pahintulot naman namin. Kung tutuusin, dapat humihingi siya ng tawad sa amin dahil sa mga nakakagulat na pinagsasasabi niya kahapon.

"Kung siya ang galit... ang babaw ng magiging rason niya kung bakit siya galit sa atin." Ngumisi si Lory.

Saktong-sakto nang matapos magsalita si Lory ay biglang dumating si Tasha. Nakakuyumos ang mukha niya na para bang wala ito sa mood dahil may kaaway. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papalapit sa amin ni Lory. Hindi man lang siya ngumiti o magpakita na excited siyang makita kami. At dito ko na nalaman na galit nga siya sa amin ni Lory.

Ibinaba niya ang bag niya sa upuan niya at inilayo nang unti ang upuan niya mula sa akin. I don't mind, as long as she's here, may kuwento na naman siya sa amin. Ngunit nang makaupo siya ay hindi niya kami pinansin, walang bati at walang kibuang naganap sa pagitan nilang dalawa ni Lory. Basta't nanahimik na lang si Tasha at kunwaring abala sa pag-aayos ng medyas niya o kaya naman ng buhok niya.

"Tasha, kumusta?" tanong ko sa kaniya, ilang segundo akong nag-antay ng sagot mula sa kaniya ngunit wala akong natanggap.

"Tasha, sabay-sabay tayo ulit umuwi mamaya ha?" Tumayo si Tasha mula sa upuan niya at muli kong nakita ang ngiti sa labi niya.

Nang sundan ko ang kilos niya, napansin kong papalabas siya ng classroom namin, at doon ko lang napagtantong naghihintay na naman ang mga kaibigan niya sa kaniya sa labas ng classroom namin. Nalaman ko rin ang dahilan ng ngiti ni Tasha ay dahil sa nakita niya ang mga kaibigan niya, at hindi dahil sa nakita niya kaming dalawa ni Lory. Kinalabit ko naman si Lory at mabilis niyang ibinaling ang atensyon niya sa akin.

"Kausap na naman niya sila," bulong ko sa kaniya at parehas na nalipat ang titig namin sa mga kasama ni Tasha sa labas.

"Hayaan mo siya, d'yan siya masaya e... sa kanila," mataray niyang sumbat sa akin at muling ibinalik ang atensyon niya sa ginagawa niyang assignment.

Napabuntong hininga ako nang pagmasdan si Tasha. Masaya at masigla nang makausap ang mga babaeng iyon. Nagseselos at nagtatampo ako, mas lalo na si Lory na ayaw na ayaw kaming magkahiwalay lahat. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa amin, ngayon ko lang naman ito naranasan. Never pa kaming nagkaroon ng tampuhan sa isa't isa na tatagal ng ilang oras.

"This could end bad..."

***

Habang nag-aayos si Tasha ng bag niya, tahimik akong nag-antay para sa kaniya—pati na rin kay Lory. Gusto ko kasing sabay-sabay kaming uuwi ngayon para maayos namin ang problema at hindi na lumala pa. Binitbit ni Tasha ang bag niya at nagmadaling lumayas ng room habang ako naman ay sinusundan ang kilos niya. Ikinagulat ko iyon dahil hindi niya kami inantay ni Lory, basta't umalis na lang siya nang hindi nagpapaalam sa amin at hindi kami kinausap nang buong araw.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now