Chapter 18

70 21 31
                                    

Isang linggo na ang makalipas simula nang hindi kami magkausap ni Tasha. Hindi ko alam kung ano ang dapat naming gawin para magkaayos na. Nagsimula sa maliit na dahilan at tampuhan at ang naging bunga nito ay mas lalo lang lumaki ang problema. Willing naman akong makipag-ayos dahil ayaw kong sayangin ang limang taong pagsasama-sama namin bilang magkakaibigan.

"Sabihin ko na ba?" bulong ko kay Lory at agad naman siyang tumango. Tinulak pa niya ako papalapit kay Tasha habang ito ay nag-aayos ng bag niya.

Alam kong napansin niyang lumapit ako sa kaniya ngunit hindi niya ako tuluyang pinansin at pinabayaan lang niya akong nakatingin sa kaniya. Instead of just standing there and do nothing, I went closer to her, I want to speak with her privately.

"Ah... Tasha?" Lumapit pa ako nang kaunti sa kaniya.

"Puwede ka ba naming makausap mamaya? Puwede tayo magkita mamaya ro'n sa seaside sa mall."

"Mga 2:00 p.m. okay na sa amin," dagdag ko pa.

"Okay..."

"Thank you, Tasha," I thanked her. She took her bag with her and went outside with the other girls.

Kahit hindi gaanong maganda ang mood ni Tasha, I'm still happy since she agreed to meet us at the mall later. It felt so good after hearing her voice again. Ilang linggo na kasi siyang hindi nakikipag-usap sa amin nang maayos at lagi na lang siyang sumasama sa mga kaibigan niya, breaktime man or kapag uuwi na ng school.

"So, ano'ng sagot niya?" tanong ni Lory sa akin.

"Oo raw. Pupunta raw siya—"

"Sana tumupad siya. Kakausapin lang naman siya e... wala namang gagawin sa kaniya," mataray na sabi sa akin ni Lory habang sabay kaming naglalakad sa hallway.

"Tutupad siya, hindi naman siya gano'ng klase ng tao e. Sana magkaayos na talaga tayong lahat mamaya." Bumuntong hininga ako at napahigpit ang hawak ko sa bitbit kong libro.

"I'm willing to settle this friendship. Hindi ko naman 'to ipaglalaban kung hindi ako nagagalit at nagtatampo," sabi ni Lory sa akin.

"Gusto kong magkaayos tayong lahat dahil mahal ko kayo. Mukha lang akong mataray at ayaw makipag-ayos... pero deep inside, gustong-gusto ko," dagdag pa niya habang nakayuko.

"Sabihin mo kay Tasha 'yan mamaya nang malaman niya kung gaano siya ka-special sa ating dalawa," sabi ko nang pautos.

"I will, I promise."

A smile starts to form across my face, this is the moment I've been waiting for—to have a nice conversation with these girls and rebuild our friendship again. Wala namang masama kung magpapakumbaba, walang masamang humingi ng tawad, acceptance is the best realization to be able to change. And I believe that changing is indeed great as long as you're changing for the better, and not for the worse.

***

Palakad-lakad at nililibot ang iba't ibang bahagi ng mall. Kanina pa kami nandito ni Lory at napag-usapan na rin naming mag-lunch dito. Kaya after naming kumain ng lunch ay dumaan muna kami sa iba't ibang stores. Ang boring kasi kapag nasa isang tabi lang kami, tahimik at nag-aantay sa taong matagal pa namang darating. Kaya naman, kahit mapagod kami ay ayos lang dahil masaya naman kaming naglilibot at marami rin kaming nagagawa, hindi sayang ang oras.

"Punta na tayo seaside?" tanong ni Lory sa akin. Bago pa man ako makapagsalita ay biglang tumunog ang phone ko, kita ko ang tawag ni Tasha kaya agad ko itong sinagot.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon