Chapter 19

64 22 27
                                    

"Sa bahay namin o sa inyo na lang?" tanong ni Lory sa akin.

Habang pinagmamasdan ko si Lory, pansin ko ang mga namumugtong mata niya, kanina pa siya punas nang punas ng sipon niya gamit ang panyong hawak niya. Ang kilos niya ngayon ay hindi gaanong masigla tulad ng dati. Hindi ko rin siya nakitang tumawa o ngumiti man lang. Tasha on the other hand, didn't come to school today. I don't know why she wasn't able to attend today, but I hope she's happy after what she has done.

"Mel, ano? Sa bahay na lang namin o sa inyo?" muling tanong ni Lory sa akin at doon na ako natauhan.

"Sa amin na lang, okay lang naman," sagot ko sa kaniya.

Tinulungan ko siyang maisuot ang backpack niya at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng classroom at papuntang hallway. Matagal-tagal na rin naming hindi nakakasama si Tasha kapag kakain kami tuwing break time, uuwi at bibili kay ate Fe. Madalas kaming napapansin ni ate Fe na hindi na malapit sa isa't isa, minsan ay magtatanong siya at magbibigay ng payo para kahit papaano ay magkaayos kami, kaso wala na ata iyong tulong.

"Grabe 'yong nangyari kahapon... hindi ako makapaniwalang masasabi ni Tasha sa atin iyon," malungkot kong sabi kay Lory habang naglalakad kami papalabas ng school gate.

Lahat ng mga sinabi niya at sinumbat ay tinandaan ko, lahat iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o nasabi niya lang iyon dala ng galit at inis niya sa amin ni Lory. Pero kahit pa, wala siyang karapatang pagsabihan kami ng masasakit na salita dahil unang-una sa lahat, siya ang may kasalanan at kami ang tumutulong sa kaniya upang imulat ang mga mata niya sa maling nagagawa niya.

"Ewan ko rin kung paano niya iyon nasabi sa atin... kung totoo man 'yon, bahala na siya sa buhay niya," inis na sagot ni Lory sa akin. Hinaplos-haplos ko ang likod niya at bumuntong hininga.

"Aray!" Napatingin kami sa nakabangga kay Lory, ngunit nakangiti pa rin ang lalaki kahit nakasakit na ng tao.

"Sorry po, ate!" sigaw niya at muli na namang tumakbo na para bang may hinahabol o naghahabol sa kaniya.

"Mga grade 8 na 'to... 'di marunong tumingin sa dinadaanan," inis na bulong ni Lory habang nagpapagpag ng palda niya.

"Kung sino pa nga mas bata, sila pa ang mas matapang e."

"Last time kaya, may grade 8 na nag-aamok ng away, tapos grade 10 'yong inaaway niya," natatawang kuwento ko kay Lory.

"O, ano nangyari?"

"'Di siya pinatulan nung grade 10, tinawanan lang siya ta's sinabihang bata."

"Well, mga bata naman talaga sila e. 'Di ko naman nilalahat 'no? Pero halos lang naman, halos lahat... pabida," sabi ni Lory sa amin at nagtawanan kami.

Napansin naming wala ang kariton ni ate Fe, hindi ata siya nagtinda ngayon. Marami namang nagtitinda bukod sa kaniya, pero mas nasasarapan kasi kami sa mga paninda niya kaysa sa iba, kaya nalulungkot kami kapag hindi nagtitinda si ate Fe.

"Hmm, sige. Mamaya ah? Mga alas dos?" tanong ni Lory sa akin.

"Sige, antayin kita."

***

Kanina ko pa naririnig na may kumakatok sa labas, wala kasi si mama ngayon dahil may binili na naman siya, pero nagpaalam ako sa kaniya na dadating si Lory at dito kami gagawa ng assignments namin. Puwede naman daw, pakainin ko na rin daw si Lory kung gutom siya. Syempre 'pag hindi siya gutom, 'di ko pakakainin, joke lang.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now