Chapter 28

61 20 36
                                    

This is a very special day, my 16th birthday has come. Kanina sa section namin ay maraming bumati sa amin, may mga inimbita rin ako, ngunit hindi gaanong marami dahil hindi ko naman ka-close ang ibang classmates ko. Of course, Lory and Tasha are invited, hinding-hindi magigi kumpleto ang birthday ko kung wala sila.

Hanggang gabi ang celebration ng birthday ko dahil aantayin pa namin si Kai, at may isasama rin daw siyang mga kaibigan niya. Si kuya Jin naman ay mamaya pa makakauwi ngunit makakaabot naman siya ng hapon. Sa ngayon ay busy si mama sa pagluluto ng handa para sa kaarawan ko, nag-order din siya ng ibang foods—we expect those foods to arrive later.

"Ma, mamaya pa po dadating 'yong mga kaibigan ko," sabi ko kay mama habang tinutulungan siyang magluto.

"Hmm, sige."

"Happy birthday pala ulit, anak." Nilapitan ako ni mama at hinalikan ang ulo ko.

"Magpahinga ka na muna kung pagod ka na ah? Kaya ko naman dito, nak."

"Opo—"

Hindi na ako nakapagsalita nang makarinig ako ng katok sa aming pinto. Ako na sana ang magbubukas ngunit pinigilan ako ni mama, kaya napatigil ako sa paglalakad at siya na ang nagpunta sa pintuan.

"Ay! Kayo pala! Kumusta na?" Muling nabaling ang atensyon ko roon at nakita ang mga kamag-anak namin.

Marami-rami ang bumisita, nandoon ang mga tita't tito ko, lolo at lola, pati ang mga pinsan kong close na close ko hanggang ngayon. Basta sa mother's side, close ko ang mga pinsan ko, sa father's side ay hindi gaano dahil hindi kami magkasundo ng ugali. Hindi naman sa ayaw namin sa kanila o ayaw nila sa amin, sadyang hindi lang namin sila ka-bonding at mas masaya kaming magkakapatid na makasama ang mga pinsan namin dito sa mother's side.

"Happy birthday, ate!" bati ng isang pinsan kong lalaki na kasing edad ni Kai.

"Regalo muna bago bumati," biro ko.

I held my hand in front of him, but I didn't expect that he would give me something. Nagbibiro lang naman ako, pero may inihanda at ibinigay talaga siyang regalo para sa akin, kaya napatingin ako sa maliit na balot na nakapatong sa kamay ko at kinuha ito gamit ang kaliwang kamay ko.

"Ano 'to?" tanong ko habang sinisira ang wrapper.

"Basta, magugustuhan mo 'yan," saad niya sa akin at nang matanggal ko ang plastic at wrapper ay nanlaki ang mga mata ko nang makita muli ang bagay na related sa favorite character ko.

"Pabango?!" My jaw dropped as soon I as discovered that he gave me a 30 mL bottle cologne.

"Hala! Ang bango!" Sa kakasigaw ko ay napapatawa na lang ang pinsan ko sa akin. Para kasing ngayon lang ako nakaamoy nang mabago.

"Thank you ah?"

"Welcome, ate. Sana nagustuhan mo—"

"Aba! Oo naman—"

"Happy birthday, Mel! Kumusta na ang pamangkin ko?" tanong naman ni tita sa akin at agad akong niyakap.

"Okay lang po, tita."

"Ito o, regalo ko sa'yo. 'Wag muna magbo-boyfriend ah?" paalala ni tita sa akin at muli akong niyakap bago pa man niya kausapin ulit si mama.

Natulala ako sa hawak kong paper bag at paunti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko. Kapag naririnig ko ang mga paalala nila sa akin, I feel guilty. Bumibigat ang kalooban ko dahil nagsisikreto ako sa kanila at hindi ko alam kung kailan ko ipapaalam ito. Nagsisinungaling pa ako kaya mas lalong bumibigat ang kalooban ko, akala nila ay sinusunod ko sila, pero ang totoo, nagsisikreto lang ako at patago akong nagmamahal ng isang taong hindi ko alam kung tanggap nila para sa akin.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now