Chapter 42

91 21 47
                                    

Today will be one of the most exciting and memorable day of my life. Me and Nick will be hanging out together. Pinaghandaan ko ang araw na ito dahil sabi ni Nick, pagkatapos nito ay marami na naman siyang aasikasuhin—busy na naman daw siya. I understand him as well as his situation. Graduating student na kasi siya kaya marami rin siyang dapat na asikasuhin at matapos dahil iyon ang mas importante.

"Kuya, dito na ako." Bago ko pa man tanggalin ang seat belt ko at buksan ang pinto ng kotse ay muli akong tinawag ni kuya.

"Dalawa lang kayo?" seryoso niyang tanong sa akin habang nakatingin siya sa rear view mirror ng sasakyan.

"Opo, kuya..." kabadong sagot ko.

"Mag-iingat ka. Tawagan mo 'ko 'pag kailangan mo nang makauwi," dagdag pa niya. Agad naman akong tumango at nginitian siya bago ko tanggalin ang seat belt ko.

"Opo, kuya. Ingat ka sa work mo." I opened the car's door and stepped outside. Padabog kong isinara ang pinto, hindi ako galit. Gano'n lang talaga ako magsara ng pinto.

Nagulat na lang ako nang bumusina si kuya ko. He gets angry whenever I do that—I mean all the time. Tinuturuan niya ako kung paano magsara nang maayos at hindi padabog, ngunit hindi talaga ako natututo at hindi ko talaga maintindihan. That's why he gets mad at me everytime I do that. Bad trip siya lagi sa akin.

"Sorry, kuya!" Kumaway ako sa bintana kahit na hindi ko nakikita ang loob ng kotse. Alam kong nakakuyumos na naman ang mukha ni kuya.

Muli siyang bumusina, signaling me to keep walking since he'll leave. I waved at him for the last time before he drove away. Nagsimula akong maglakad sa gilid upang makaiwas sa mga kotseng mabibilis magpatakbo. I'm already here, but Nick haven't replied to me yet. Basta't ang alam ko ay late siyang makakarating dahil may inaasikaso pa raw siya, pero dadating daw siya.

I looked at my wrist to check the time on my watch. "3:32 pa lang pala," bulong ko habang patuloy na naglakakad.

Kaya naman pala matagal-tagal pang makakarating si Nick, maaga pa pala ako. Ang napag-usapan kasi namin kahapon ay 4:00 in the afternoon. Siguro masyado akong excited kaya napaaga ang punta ko.

Si kuya Jin naman masyadong pagod, kaya minsan ay late na siyang pumasok sa work niya. He's already earning money, kaya nabibili niya ang gusto niya, pati kami ay nabibilhan na niya. Nakakatulong na rin siya sa expenses namin sa bahay, kaya kaunti na lang ang nagagastos ni mama sa padala ni papa tuwing unang linggo ng buwan.

Today I am wearing a red striped crop top, a high-waisted black jeans and and a white sneakers. Hindi ako masyadong maarte sa buhok ko kaya nakalugay lang ako, pero maayos naman at bagsak na bagsak. As usual, I always bring my beige colored sling bag kung saan nakakabit ang Sasha chibi keychain ko. May hawak-hawak akong panyo pampunas ng pawis at cell phone kung sakali mang tumawag si Nick.

"Nakakagutom ah." I scratched my nape and started searching for a restaurant.

Marami akong nadadaanan, pero wala akong mapili. Sabi ng tiyan ko, kumain na ako at magpakabusog, ngunit ang sabi naman ng utak ko ay huwag at antayin ko na lang si Nick sa isang tabi at manahimik. Since mas matimbang ang utak ko, ihahagis ko na lang ito para bawas bigat din sa katawan ko, joke.

It feels so awkward and weird when you're walking without anyone beside you. So, I switched on my phone once again to check the time. "Alas kwatro na." Saglit akong napatigil sa paglalakad at nakahanap ng puwede kong maupuan. "Dito muna ako."

Habang abala ako sa pag-scroll sa social medias ko ay bigla na lang akong naka-receive ng tawag. When I noticed that it's from Nick, I quickly answered the phone call. "Hello?"

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now