Chapter 34

85 20 250
                                    

After two months, our summer vacation has ended. I am already a senior high school student—currently in 11th grade. I am a STEM student and it is very stressful. Lory is also a STEM student, but she's in different section. Si Tasha naman ay ABM student at malamang nasa ibang section siya at ang floor ng classroom nila. Halos magtatatlong linggo na kami ngayon. Bago ang mga kaklase ko kasi hindi naman na kami junior high school, may mga nakakausap ako, may mga nalalapitan naman na ako. Mababait sila, at sana hanggang end of school year ay gano'n ang ugali nila.

Today is a special day as well, the day I've been waiting for almost a year. I didn't expect us to be together in a long time at the beginning, but he brought happiness and calmness in my life which made me say that he is the one. First anniversary namin ni Zach ngayon. Hindi ko pa siya nababati kasi busy rin ako ngayon, pero mamaya, tatadtarin ko siya ng messages. Hindi pa kami nagkakausap simula kaninang umaga kasi hindi ko pa naman nabuksan ang messenger ko.

"Melissa, may assignment ka na sa pre calculus?" tanong sa akin ng isa kong kaklase. Umupo siya sa tabi ko habang wala pa kaming teacher.

"Ako? Sa akin ka pa talaga nagtanong ha?" nakangiting sabi ko sa kaniya.

She is Chiena, the first student who spoke to me and became friends with me. Para siyang pinaghalong Tasha at Lory which is very cool. Parang kahit papaano ay ramdam ko rin na nandito ang dalawa kong makukulit na kaibigan. Chiena is a transfer student from different school, ang nasabi niya sa akin ay galing daw siya ng Quezon City at lumipat sila rito dahil nagkaroon sila ng bahay rito at naibenta naman na ang bahay nila roon.

May specific area kung saan siya magaling, tulad sa general chemistry. Active na active siya roon. She loves exploring new things, she loves experimenting, that's why she loves science. Ang weakness naman niya ay philosophy—sa akin din. Hindi naman sobrang mahirap, may mga term kasi na hindi familiar sa akin at kailangan naming kabisaduhin iyon bago namin malaman ang definition—may deeper meanings and explanations din si sir doon kaya nakakalito, but I don't hate the subject.

"Kailan ba ipapasa 'yon, bukas pa ba 'yon?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Bukas pa 'yon, kaya 'wag kang mag-alala... marami ka pang oras," biro ko sa kaniya habang nakangiti. Tinapik niya ang braso ko at sumimangot.

"Hindi ko kasi gaanong naintindihan 'yong lesson kahapon... ikaw?" Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Gets mo ba 'yong lesson natin kahapon?"

Mabagal akong tumango. "Nagpaturo lang din ako sa... kakilala ko. Medyo mahirap pero kaya naman."

Kay Zach, sa kaniya ako nagpaturo pati kay kuya Jin. Sisiw lang kasi sa kanilang dalawa ang pre calculus pati ang general mathematics, kaya naisipan kong magpaturo kanina. Patas lang sila pagdating sa explanation and examples given kasi natututo naman ako sa kanila—mas matimbang lang nang kaunti si kuya kasi college na siya at mas may alam siya, pero mas may effort si Zach dahil alam kong mahirap magturo ng math sa message lang.

"Sana all naturuan, ako kasi hindi e. Walang magtururo sa akin kasi 'yong kuya ko malayo sa amin."

"Malayo school niya kaya may dorm siya," nakasimangot niyang ikinuwento.

"Gano'n ba? Try kong turuan ka mamaya... try ko lang naman." Napayakap siya sa braso ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

To be honest, Chiena is very caring and sweet. Mahinhin lang siya, hindi ko siya madalas makita lumapit sa iba naming classmates. Sa loob ng tatlong linggo, ang lagi kong napapansin sa kaniya ay ang pagiging mapagbigay at kabutihang loob niya. If she has something, even if it's just a small thing, she'll share it.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now