His voice gave me goosebumps. Ang boses na dati ko pang narinig at napakinggan. Iyon ang boses na nagmulat sa mga mata ko na siya nga, siyang-siya nga, siya nga si Zach.

"Magpakilala ka nang... maayos," utos ko sa kaniya.

Sinubukan niyang lumapit sa akin at hawakan ang mga kamay ko ngunit napatigil siya. Imbis na lapitan niya ako ay lumuhod siya sa harapan ko habang nakayuko. Nagtinginan ang ibang tao sa amin dahil ang akala nila ay may proposal na mangyayari. Ikinagulat ko ito at mabilis na napunta ang titig ko kay Nick na nasa likod lang ni Clyde at may kalayuan ang distansya niya mula sa amin. Nanlalaki rin ang mga mata niya habang nakatitig kay Clyde na nakaluhod ngayon sa harapan ko.

Inangat niya ang ulo niya at maiging tiningnan ako sa mga mata. "I am Zach, your first love and your secret admirer for eight years."

"Noong araw na una kitang nakita... natulala ako sa'yo. Pinagmasdan ko ang kilos mo... at kung paano ka makitungo sa ibang tao."

"You are very pretty, humble, and kind."

"I-I never had the chance to speak with you... approach you because I was too afraid..." kuwento niya.

"Grade 8 ako noon at grade 7 ka, tuwing nakikita kita... gustong-gusto kitang lapitan... pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko."

"Hanggang sa araw-araw na kitang nakikita, nakakasalubong at napapansin... pero wala akong lakas ng loob para lapitan ka." Bawat salitang lumalabas mula sa bibig ni Clyde, isinasaisip ko.

Patuloy pa rin siyang nakaluhod habang nagkukuwento. "Hanggang sa lumipas ang ilang taon, grade 11 ako at ikaw naman ay grade 10... si Nick ang naging daan upang maihatid sa'yo ang mga gusto kong ibigay sa'yo." Doon ko naalala ang mga natatanggap ko mula kay Nick, ang wafers pati na rin ang pulang rosas.

Napansin ko ang pagngiti ni Clyde. "'Yong hello wafers? Bumibili ako no'n... nakakasampung pakete ako sa isang linggo at naghahanap ng magagandang mensahe sa likod ng wrapper para sa'yo... 'yong pulang rosas? Akin din galing iyon... pinagtiyagaan kong magtanim no'n sa loob ng ilang taon... para lang may maibigay ako sa'yo na bulaklak." I gently kneeled down and slowly held Clyde's right hand.

"Please, tumayo ka na..." Biglang tumulo ang luha ko at nakita ito ni Clyde.

"Mel—" Binitawan ko ang kamay niya at muli akong tumayo upang punasan ang luha ko gamit ang kaliwang kamay ko.

"Clyde, tumayo ka na..." Muli kong utos sa kaniya, kaya agad siyang tumayo.

Matagal akong pinagmasdan ni Clyde habang ako naman ay nagpipigil ng iyak, ngunit nang mahagip ng mga mata ko ang nag-aalalang mukha niya ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Clyde slowly opened his arms, wanting to give me a hug.

"Zach..."

"Zach, I'm sorry." Lumapit ako sa kaniya at niyakap din siya. At the end, I believed him.

"I love you, Meloves. I'm sorry for leaving you," sabi niya sa akin habang hinahaplos-haplos ang likod ko.

"B-bakit? Bakit m-mo 'ko... iniwan?" Ramdam ko ang paghalik ni Clyde sa ulo ko. Itinanggal ko ang pagkakayakap sa kaniya at muling pinunasan ang luha ko.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now