"Hello, Mel?"

"Malapit ka na ba?" tanong ko.

"Oo, papunta na ako. Mauna ka na sa seaside. Kita na lang tayo malapit do'n sa ferris wheel, puwede ba?"

"Hmm, sige. Bilisan mo ah?" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at inayos na muna ang pantalon ko.

"Oo, sorry sa pag-aantay ha? Medyo importante kasi 'tong inasikaso ko. Don't worry, papunta naman na ako."

"Okay, ingat ka. Pupunta na ako sa seaside." Muli kong narinig ang boses niya pagkatapos kong magsalita kaya inilapit ko pa ito sa kaliwang tainga ko.

"Ingat!" Hindi na ako sumagot, basta't ibinaba ko na ang tawag at nagsimulang maglakad.

***

Habang nag-aantay kay Nick dito sa seaside, malapit sa ferris wheel—naisipan ko munang bumili ng inumin kong tubig. Medyo mainit pa rin ang sikat ng araw kasi alas kuwatro pa lang. Napabili tuloy ako ng tubig nang wala sa oras, mabuti na lang at may dala akong payong dito. Kaya ginamit ko muna ito.

"Melissa!"

"Melissa Keistyn!"

I started searching for someone who have been calling out my name. When I spotted that person, I saw Nick waving both of his hands at me. Siya na rin ang lumapit sa akin para hindi na ako bumaba rito sa mataas kong inuupuan.

"Hello! Gutom ka na ba? Nananghalian ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Since napapansin kong natatamaan siya ng sikat ng araw, inusog ko nang kaunti ang payong sa kaniya upang hindi siya mainitan at masilaw.

"Kumain naman na ako, bonding tayo! Gusto ko mag-bike e."

Tinulungan niya akong makababa sa inuupuan ko at hinawakan ang payong para sa akin dahil mas matangkad siya. Nagsimula kaming maglakad papunta sa bike, kung saan puwedeng mag-arkila.

"Gusto ko rin no'n e, magkano na nga ulit ang arkila ro'n ng isang bike?" tanong ni Nick sa akin.

"Depende ata kung ilang minutes or hours mong gagamitin 'yong bike. Okay na sa akin kahit 15 minutes lang," sabi ko kay Nick.

"Sige, libre na kita." Halos tumalon ako sa tuwa nang marinig ko iyon mula kay Nick. Nakita ko naman ang ngiti sa labi niya.

"30 pesos lang naman ata 'pag less than 30 minutes 'no?" I shrugged my shoulders.

Habang tumatagal ay mas lalong nagiging malamig ang paligid namin dahil malapit na ring lumubog ang araw. Habang tumatagal din ay mas dumarami pa ang taong nagpupunta rito, may dala-dalang pagkain o kaya naman ay sasakay ng rides. Iba ang trip namin ni Nick ngayon, ang magbisikleta at libutin ang buong seaside.

"Magkano po ang bayad 'pag 15 minutes lang po, kuya?" tanong ni Nick sa nagpapa-arkila ng mga bike.

"30 pesos lang po. Kapag 30 minutes po ay 60. Isang oras naman po ay 110 pesos," sagot ng lalaki sa kaniya.

"15 minutes lang po, dalawa po aarkilahin ko."

Habang si Nick ay abala sa pakikipag-usap sa lalaki, ako naman ay nag-aantay lang dito na para bang prinsesa. Sarap ng buhay e 'no? Gano'n talaga kapag gentleman ang kasama mo. Nagtataka nga rin ako kung bakit hanggang ngayon, wala pa ring napupusuan si Nick o kaya naman ay girlfriend na.

"Mel, tara na," yaya ni Nick sa akin.

Agad ko namang nilapitan ang isang bisikleta at umangkas na. Hilig ko na talaga ang pagbibisikleta simula pa noong bata ako. Lagi kaming umiikot nila kuya sa village gamit ang mga bike namin, ngayon na lang ulit ako nakasakay ng bike dahil nitong lumaki na ako ay mas naging abala na ako sa pag-aaral ko. Kaya, natutuwa ako ngayon na muli na naman akong makakagamit ng bisikleta kasama pa si Nick.

"Una na ako ah?"

"Wait lang, antayin mo 'ko!" Lumingon ako kay Nick, aangkas pa lang siya sa bike niya, samantalang ako ay ready nang magpidal.

"Una na ako!" pang-aasar ko sa kaniya at nagsimula na akong magpidal.

"Hoy! Mel! Gano'n ah... okay!" Dinig ko sigaw niya mula sa malayo habang ako naman ay naka-pokus lang sa dinadaanan ko at nakangiti.

"Paunahan pala ah?" Dinig ko ang boses ni Nick na ikinagulat ko dahil nasa isang gilid na rin siya at kasabay ako.

"Joke lang! Antayin mo 'ko!" Ngayon ay ako naman ang nagrereklamo habang siya ay tawang-tawa.

"Kaya mo 'yan!" sigaw niya.

"Wait!"

Talagang sinulit at inubos namin ang kaunting minuto namin sa pagbibisikleta. Paikot-ikot lang din kami sa seaside at madalas ay nag-uunahan. Nang matapos kami ay muli naming ibinalik ang bisikleta at kumain muna ng meryenda. Si Nick na ang nagpunta ng Jollibee upang bumili ng coke float, fries at burger. Nilibre na naman niya ako at hindi naman ako makatanggi dahil ayaw kong madismaya siya.

"Sarap talaga ng burger nila 'no?" sabi naman ni Nick sa akin at agad akong tumango dahil may laman ang bibig ko.

"Sobra," sagot ko at pinunasan ang bibig ko gamit ang tissue.

"Nag-enjoy ka naman ngayon?"

"Oo naman 'no! Minsan lang din 'to mangyari kasi busy na tayo sa pag-aaral natin," sagot ko at muling kumagat sa burger na hawak ko.

"Oo nga e... hindi ko na rin alam kung... kailan ulit tayo magkikita." Napansin kong napatigil si Nick sa pagsubo ng pagkain niya at naging abala sa hawak niyang cell phone.

Kapansin-pansin din para sa akin ang matamlay niyang ngiti habang nakatitig sa phone niya. So, I nudged his shoulder. "Ba't malungkot ka? Nag-away ba kayo ng baby mo?"

"Baliw, wala ako no'n. Nag-chat na kasi 'yong kaibigan ko—'yong lagi mong kinukumusta—"

"O, bakit daw?" mabilis kong tanong sabay kuha ng fries sa lalagyan nito.

"Papunta na raw siya rito. Gusto ko na rin siyang ipakilala... sa'yo..." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon.

"Hoy! Baliw! Nirereto mo 'ko sa kaniya?!" Napahampas ako sa braso niya at tinaasan ko rin siya ng isang kilay.

He didn't reply, he just stared at me while I see his weak smile. "Gusto kong... makilala mo siya..."

"Ulit..."

***

5:32 in the afternoon, malapit nang lumubog ang araw. We're still waiting for Nick's friend to show up. Paparating na raw siya sabi sa akin ni Nick, at hindi ko alam kung bakit gusto akong ipakilala ni Nick sa lalaking iyon. Siguro dahil dati ay napapansin niyang madalas kong natatanong ang kaibigan niya sa kaniya, at gusto ko ring makilala nang kaunti ang kaibigan niya.

"Ayan na siya." Bigla akong kinabahan nang marinig ko si Nick. Kung saan nakatitig si Nick ay napatingin na rin ako roon.

Nick's friend is tall just like him. Malaki ang ipinagbago niya, ngunit natatandaan ko pa rin ang mukha niya noong junior at senior high school pa lang ako. Namumukhaan ko pa rin siya kahit may pinagbago ang itsura niya pati ang katawan niya. Nakatulala lang ako sa kaniya hanggang sa makalapit siya kay Nick. Inakbayan siya ni Nick at nakangiting humarap si Nick sa akin.

"Melissa, I want you to meet Clyde."

Clyde stared at me. Hindi maipinta ang mukha niya. Parehas kaming natahimik at hindi maibuka ang bibig. Dahil sa sobrang hiya ko ay bahagya akong ngumiti kay Clyde at napayuko na lang habang iniipit ko ang buhok ko sa kaliwang tainga ko.

"Kumusta ka na?"

"Mel..."

My eyes widened as I slowly lifted my head up. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko kaya napalunok na lang ako habang nakatitig sa kaniya nang matapos siyang magsalita.

He is not just a no one, he is a someone.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now