"Masarap bang umupo-upo rito?" tanong ni mama sa akin. Inilapag niya sa maliit na mesa sa harapan ko ang meryenda at umupo siya sa tabi ko.

"Kumusta na ang pag-aaral mo?" Inakbayan ako ni mama.

"Okay lang po, hindi naman po ako gaanong nahihirapan," sagot ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Uminom ka na ba ng gamot mo?"

"Opo, kanina pagkatapos kong kumain."

"Ang lungkot mo simula pa noong isang araw, may problema ka ba, nak? Kuwento ka naman sa akin." Matamlay akong ngumiti kay mama habang nag-iisip ako ng maaari kong sabihin.

"Hindi ko pa po kasi... masyadong nakakausap 'yong mga bagong classmates ko ngayon..."

Bahagya akong yumuko at sumimangot. I feel bad for lying—for not telling the truth. Hindi ko pa naman kayang sabihin kila mama dahil alam kong mawawala ang tiwala nila sa akin, alam kong mapapagalitan ako at ipapaalam nila iyon kay papa. Ayaw kong magkagulo-gulo kami dahil lang sa iisang kasalanang nagawa ko, ang magmahal ng taong hindi ko naman nakilala nang personal. Since me and Zach broke up, hindi ko na kailangang magtago. Wala na akong dapat itago kila mama dahil wala naman na silang malalaman mula sa akin.

"Bago pa lang naman kayo. Ngayong buwan lang kayo nagkita-kita. Mahaba pa ang panahon upang maging malapit ka sa kanila," bilin ni mama sa akin. Itinanggal niya ang brasong niyang nakaakbay sa akin at dinampot ang baso ng juice na nasa mesa at ibinigay ito sa akin.

"Hanggang ngayon ba... wala ka pa ring nakakausap sa kanila?"

"Si Chiena po, siya pa lang 'yong close ko."

"Ayos na 'yon na may nalalapitan ka. Huwag kang magmadali, kasi unang buwan niyo pa lang naman, marami pang oras para makilala mo silang lahat." Hinaplos-haplos niya ang ulo ko habang ako naman ay tahimik lamang na nakatitig sa isang direksyon.

"Ang papa mo, malapit na siyang makauwi. Baka raw next year o sa susunod na taon," masayang nabanggit ni mama sa akin.

Nabaling ang atensyon ko sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko. "Totoo mama?!" gulat kong tanong.

"Oo, halos ilang taon din siyang hindi nakakauwi kaya baka raw next year ay makakauwi na siya."

Iyon ang naging dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon habang kausap si mama. Si papa ang naging dahilan kung bakit ako muling nabubuhayan ng dugo. Kahit na malayo pa ang dating ni papa, alam kong makakarating siya sa amin. Hindi ko habol ang mga pasalubong niya, bonus na lang iyon sa akin. Si papa talaga ang habol ko, gustong-gusto ko na siya makita at maka-bonding kahit ilang araw lang.

"Sana matuloy, ma."

"Hmm... matutuloy na 'yon, matagal na natin siyang inaantay e—"

"Mama!" Napalingon kaming dalawa ni mama sa likod nang sumigaw si Kai.

"O, bakit?" tanong ni mama.

"'Yong niluluto mo, baka sunog na, ma!" Mabilis na tumayo si mama mula sa upuan niya at tumakbo papasok ng bahay.

Hindi ko maiwasang matawa kapag tumatakbo si mama. Parang bata lang kasi na nakikipaghabulan. Kaya siguro nagustuhan ni papa si mama, ang cute kasi ni mama—sa kaniya talaga ako nagmana, walang halong biro.

After a few minutes, I remembered Zach again. Iyon na naman ang dahilan upang malungkot ako. Another thing, I haven't told what happened to Tasha and Lory. Alam kong magagalit sila, hindi sa akin kundi kay Zach. Pangangaralan din ako ng dalawang iyon dahil hindi ako nakinig sa kanila noong una pa lang. Kasalanan ko naman din kung bakit ito nangyari sa akin, dahil sa lintik na pag-ibig.

Hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin ang regalo niyang keychain, pero hindi ko ito pinpindot. Nagbabakasakali lang naman ako na umilaw ito, pero wala talaga. Tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam. Kapag matutulog ako, katabi ko rin ang cell phone ko at hawak-hawak ang keychain ko. Kulang na lang kahit sa pagligo ko dala ko itong mga 'to e.

A sigh escaped my mouth. "Kung hindi lang kita nakilala... hindi sana ako nalulungkot nang ganito..." bulong ko habang nakatitig sa keychain.

"Sarap kutusan ni Zach..." dismayadong bulong ko at napapakagat na lang sa ibabang bahagi ng labi ko habang pinanggigigilan ang keychain.

"You left me, you promised you won't... but look at us now... we're completely strangers..."

I sighed once again and pinned my hair behind my ears and looked into the cerulean sky as the wind continues to brush through my hair and my skin that makes me shiver. It gives me goosebumps. It gives me a nostalgic feeling.

"I didn't know love can be this complicated and upsetting..."

Gusto ko na lang bumalik sa pagkabata, mga panahong pagkain at paglalaro lang ang iniintindi ko. Hindi tulad ngayon na pati puso ko, iniintindi ko dahil sa sakit na iniwan ng taong mahal ko. Kung ano man ang ginagawa niya at nasaan siya, sana masaya siya.

"Sana masaya ka... na nang-iwan ka ng taong pinangakuan mong mamahalin mo hanggang sa pagtanda mo."

The break up, I didn't see it coming. At first I thought he was just being dramatic, he was just pranking me, but I was wrong. Habang tumatagal ang usapan namin nang araw na iyon, mas lumalalim ang mga sinasabi niya sa akin. Hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa na hindi siya nagbibiro, nagpapakatotoo siya, seryoso niya akong sinasabihan at pinaaalalahanan na pagod na siya, iiwan na niya ako, at hindi na siya magpaparamdam kahit na kailanman.

"Sana 'di mo na iiwan 'yong susunod mong girlfriend. Magpakalalaki ka naman!" inis kong sabi sabay irap sa keychain na hawak ko.

Sa totoo lang, mukha akong nababaliw rito. Wala akong kausap, pero nagsasalita ako. Wala e, ganito talaga ang epekto ng iniwan. Nagmahal, nasaktan, kinausap ang keychain. Since sa kaniya naman galing 'to, baka lang naman matanggap niya 'yong mga paalala ko sa kaniya.

"Sabihin mo sa magaling mong ama—char..."

Mabagal akong umiling at napangiti na lang sa nabanggit ko. Halatang kulang sa tulog, kulang din sa aruga. But to be serious, I really do miss him. Galit man ako at dismayado, hindi gano'n kadaling mawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Maybe one day, I'll wake up without looking for him and missing him. I'll wake up with a smile across my face that can be seen by many once again.

A smile that will teach me how to move on, leave the past behind, and start a new beginning in these present days and be prepared in the future. Start a new life without him, without finding him and without remembering him.

"We broke up, I never saw your face. I never met you in person, but I never doubted you... even though you were just my anonymous online boyfriend."

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now