"Thank you! Thank you talaga! Sana matuto agad ako para hindi malaking istorbo sa'yo." Mas humigpit pa ang hawak niya sa braso ko.

"Hindi ka naman istorbo e, okay lang 'yon 'no? I would be glad to help you," sagot ko.

When it was our first day of class, all of us were silent—voiceless. Nagkakahiyaan pa kami dahil hindi pa naman namin kilala ang isa't isa. So, of course, isa-isa kaming nagpakilala sa harap dahil utos ng adviser namin. Chiena was the only person who caught my attention, she was shy at first, but she was able to speak and introduce herself properly in front of everyone. And now, I didn't expect her to approach me that day and start a conversation with me.

"'Buti na lang talaga nilapitan kita noong first day 'no? 'Di ako nagkamaling lapitan at kausapin ka," sabi ni Chiena sa akin at ikinatuwa ko naman.

"Mabait ako 'no? Sa sobrang 'bait ko, nag-aaral na ako sa loob ng tiyan ni mama kung pa'no magmano." Pigil na pigil sa pagtawa si Chiena at napalunok na lang sabay kamot sa ulo niya.

"Ewan ko sa'yo, Mel."

"Pero 'yong totoo... mabait ka talaga," seryosong sabi niya.

"Hindi ka mahirap mahalin 'pag gan'yan. Siguro kung may boyfriend ka, hindi ka na niya pakakawalan," banggit ni Chiena sa akin.

"Hindi ka na niya iiwan kasi... maiisip niyang... napakaswerte ko dahil ikaw ang napunta sa 'kin." Pasimple akong ngumiti habang nakikinig kay Chiena.

Hindi alam ni Chiena na mayro'n na pala akong minamahal, hindi ko sinasabi sa kaniya dahil hindi ko pa kaya sa ngayon. Nang mabanggit niya iyon sa akin, lumakas ang pagtibok ng puso ko. It will always be Zach no matter what happens. Siya at siya lang ang iisipin ko sa tuwing makakarinig ako ng mga gano'ng salita at papuri. We've been through a lot, mahirap ang pinagdaanan ko sa kaniya, pero alam kong mahirap din para sa kaniya dahil parehas kaming dinadatnan ng maraming problema. But here we are, still together and contented.

Zach is indeed lucky to have me, but I am luckier to have someone like him. Someone who will never cheat and leave me. Someone who is faithful and will always be there to remind me that I am loved and will forever be important to him.

***

Excited ako nang makarating sa bahay namin. Nakangiti pa ako nang magmano kay mama. I know the reason why, it's because today is a special day for the both of us. Umabot kami nang isang taon, and I hope he'll be my first and last love which means, I want him to be with me for the rest of my life.

Since grade 11 na ako, panghapon na ako. Papasok ako nang tanghali at uuwi na ako bago gumabi. Tulad lang din ng grade 12 students, sila Nick. Kaya minsan, nagkakasabay na kaming mag-lunch o meryenda, kung ano man ang tawag do'n. Lagi ko lang siyang nahuhuling nakatitig sa akin na parang ang lungkot ng itsura niya. I can tell it by staring at his eyes. Hindi ko naman kasi siya puwedeng sagutin dahil kaibigan lang ang turing ko sa kaniya at hindi ko kayang iwan si Zach.

"Kain na tayo, Mel!" sigaw ni mama mula sa baba habang ako naman ay nagpapahinga.

"Opo! Saglit lang po!"

Nabaling ang atensyon ko si keychain na bigay ni Zach sa akin at muli itong pinindot. "Hala? Bakit 'di siya umiilaw?" nagtatakang tanong ko at nadismaya.

Hawak-hawak ko na naman ang cell phone ko. Kanina ko pa ito kinakalikot sa school at gustong-gusto ko nang i-chat si Zach, ngunit may klase pa kami kaya nag-antay ako hanggang uwian, at ngayon, ito na ang oras para batiin siya.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now