***

Naririto na kami ngayon sa moving up ceremony namin. Kasama kong nakapila si mama, hindi ko mahanap ang ibang classmates ko dahil alphabetically arranged kami from first to last section. Zevallos ang apelyido ko kaya malamang nandito kami sa likod ni mama. Worth it naman ang pag-aantay dahil may certificate at medal akong makukuha.

Sa totoo lang, nakakapagod tumayo nang ilang minuto. Halos mag-iisang oras na kaming nakatayo rito dahil nga alphabetically arranged. Wala kaming magagawa kundi mag-antay. Malapit-lapit na rin naman kami sa stage ni mama dahil ilang estudyante na lang ang nasa harapan ko. Less than 20 na lang, sina Tasha at Lory ay nakatapos na dahil nasa gitna lang ang apelyido nila.

"Ngumiti ka sa camera, nak ah? Ipapakita natin 'to kay papa mo," bilin ni mama sa akin at agad naman akong tumango.

Habang paiksi nang paiksi ang pila, nakakaramdam ako ng kaba at saya. Mas nagiging mahigpit din ang hawak ko sa braso ni mama dahil haharap kami sa maraming tao.

"Zevallos, Melissa Keistyn G. With honors." Sabay kaming naglakad ni mama papaakyat ng stage. Before I receive my certificate, I shook the principal's hand and some of the teachers while smiling.

Nakuha na ni mama ang medal at dahan-dahan niya itong isinabit sa akin. Humarap kaming dalawa sa camera at ngumiti. Sa mga oras na ito, napatigil na lang ako sa paghinga, ang nararamdaman ko ngayon ay saya. Masaya ako dahil proud ako sa sarili ko na nagawa kong abutin ang pangarap ko na dati ay plano ko pa lamang.

I am proud to say that this school year, 2016-2017, I ended my high school journey as an honor student that will always be a big achievement for me and my family. This will be one of the proudest moments I've made for me, my family and God.

Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoong Diyos dahil ginabayan niya ako at tinulungan akong maabot ang mga pangarap ko bago man ako magtapos ng pagiging high school student. Laking pasasalamat ko sa Panginoong Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan, marami man akong problemang nasagupa bilang estudyante, iyon ay aking nasolusyonan dahil din sa tulong Niya.

***

"Congrats, Mel!" sabay nilang sabi sa akin at niyakap ako.

Kararating lang namin dito sa restaurant, bumungad na agad sa akin ang pagkarami-raming tao. Marami kasing inimbita ang mama ni Lory kaya mas dumami pa kami.

"Congrats din sa inyo! Pati pala sa kuya mo, Lory," sabi ko sa kanila.

"Sana all na lang talaga valedictorian," sabi naman ni Tasha.

Nang mahagip ng mga mata ko ang kuya ni Lory ay agad ko itong nilapitan. "Hello po, kuya Niel!" Kinawayan ko siya at nang makuha ko ang atensyon niya ay nginitian niya ako.

"Hello, Mel. Kumusta? Congrats pala ah?"

"Congrats din po, kuya!" masaya kong sabi sa kaniya.

"Thank you, kumusta na pala si kuya Jin mo? 'Di na kami gaanong nakakapag-usap no'n ah?" tanong niya. Saka ko lang ulit naalala na tropa pala sila ng kuya ko.

Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkakausap ng kuya ko dahil busy na si kuya sa college life niya. Marami raw siyang gawain at minsan din ay hindi na siya nakakatulog nang maayos.

"Busy po siya sa college life niya, kuya," nakasimangot kong sagot kay kuya Niel.

"Sabihin mo sa kaniya, bonding kami minsan. Ka-miss siyang kasama e," bilin naman ni kuya sa akin at agad akong tumango.

"Sige, kuya. Sasabihin ko po."

"Salamat, congrats pala ulit. 'Wag kayong kabahan kapag senior high na kayo. Enjoy niyo lang 'yan," bilin ni kuya sa akin.

"Wala namang mahirap, basta't may tiyaga kayong mag-aral. Wala 'yan sa talino, nasa diskarte 'yan. Nasa sipag at tiyaga."

"Kaya kung masipag kayo at may tiyaga, malalagpasan niyo rin 'yan, parang high school lang din naman ang senior high e... 'yon nga lang, nag-level up nang kaunti. More challenging and exciting."

Tumatango-tango lang ako habang nakikinig sa kaniya. Relate ako sa mga sinasabi ni kuya, hindi naman kasi talaga ako gano'n katalino, masipag lang talaga akong mag-aral at may tiyagang tapusin ang mga assignments at projects ko kahit wala pang deadline.

"Kuya, alam mo bang lumalandi na 'yong kapatid mo sa kapatid ko?" Nanlaki ang mga mata ni kuya Niel at napalunok.

"Sino? Kay Jin? Kay Kai?"

"Parehas, kuyachar... kay Kai po," sagot ko.

"Dati pa naman gusto na ni Lory si Kai, okay lang sa akin kung sa'n sila masaya."

"Pero ayaw ko munang magkaroon ng pamangkin, baka ihagis ko silang dalawa sa kalawakan." Napakamot ako sa ulo ko habang nakangiti nang marinig ko ang sinabi ni kuya Niel.

Nakakita ako ng ilaw sa keychain na hawak ko, kaya natuon ang pansin ko rito. Papindot na sana ako ngunit muling nagsalita si kuya Niel.

"Sige, punta muna ako kila mama ah?" pagpapaalam niya sa akin.

"Sige, kuya!" Kumaway kami sa isa't isa at nang makaalis siya at muling natuon ang pansin ko sa keychain na hawak ko.

Papindot na sana ako ngunit muli na naman siyang umilaw. This is the second time it light up. Siguro miss na miss na ako ni Zach, hindi naman sa pagiging assuming, pero parang gano'n na nga. I pressed the keychain's button to send him a signal that I miss him as well.

Patuloy akong nakatitig sa hawak kong keychain at hindi na namalayang nakangiti na pala ako. Kahit ano man ang ginagawa ko o nasaan man ako, lagi ko siyang inaalala. I'm attached and I can't let go anymore. Mag-iisang taon na kami, alam kong malapit na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan kung kailan kami nagsimulang nagkausap at kinabukasan no'n ay naging kami na agad.

I will never forget how we stumbled across each other and how we ended up being together until now. The unique love story of me and him that gave me hope and inspiration. An unexpected occurrence of crossing each other's paths that I feel will end up in a good way.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu