"I'm too young. He can wait, 'di naman niya ako pinipilit. If he can wait for how many years, that's a true love," sabi ni Tasha sa amin.

I can relate, me and Zach's relationship will turn one year this incoming June. Para sa akin, matagal na ang isang taon dahil madalas sa puppy love, buwan lang iyan o kaya naman ay weeks lang, pero hindi ko alam kung puppy love lang ba ito o seryosong pagmamahal na. Zach is a year older than me, I think he knows the answer. And I hope he knows how to handle our relationship though we are still young.

"Good to hear that. Hayaan mo muna siyang mag-antay," sabi ni Lory at nabaling naman ang atensyon niya sa akin.

"Kayo? Kumusta na kayo ni Zach?" tanong naman niya sa akin.

"Okay lang naman din, malapit na kaming mag-one year," sagot ko kay Lory habang nakangiti.

Dinig ko ang pagpalakpak ni Tasha. "Wow! Stay strong sa inyo, hopefully siya na ang first and last love mo."

"I am hoping for that too," mabilis kong sagot.

Sana nga, sana nga siya na ang una at huli kong mamahalin. Hindi naman kami gagawa ng ikahihiwalay namin dahil alam ko namang hindi gano'ng tao si Zach, at alam ko naman ang tama at mali. Hindi ko sisirain ang tiwala niya sa akin kahit na malayo kami sa isa't isa.

Muli ko namang tiningnan ang kanina ko lang hawak na keychain. Ang cute ni Sasha kapag chibi, pero mas cute talaga ako. Once again, I pressed the button and currently wait for something to happen, and yes, I miss Zach. After a few seconds, the keychain lights up that brought a placid smile on my face. Zach never forgets me, and I will never forget him too.

"Kayo ba? Kumusta kayo ng kapatid ko?" Tinaasan ko si Lory ng kilay ngunit nakangiti ako.

She pinned her hair behind her ear and her cheeks dimpled. "Well... hinahanda ko na ang sarili ko dahil malapit na kaming ikasal," kinikilig na tugon ni Lory sa amin ni Tasha.

"Sinabi niya talaga 'yon?" nagtatakang tanong ko kay Lory.

"'Di, joke lang. Hindi kami gaanong nagkakausap no'n e... nagkakahiyaan pa rin, pero... okay lang naman kahit gano'n 'no?"

"Ang 'di lang okay sa akin... tinatawag niya akong ate Lory. Gusto ba niyang tinatawag niyang ate ang magiging girlfriend niya?" biro ni Lory sa amin at nagtawanan kaming tatlo.

Alam ko ang tungkol doon. Kai still calls Lory ate sometimes. Nagkakahiyaan sila sa isa't isa, pero minsan naman ay nagkakausap sila sa chat o sa personal. Alam na rin ni mama ang tungkol dito at natutuwa siya dahil ang sabi niya sa akin ay maganda ang taste ni Kai, marunong siyang pumili ng babaeng matino at mabait.

"Ang hindi lang talaga alam ni mama, kawawa si Kai sa date kung kayo ang magkakatuluyan, mahilig ka sa pagkain e," biro ko ngunit hindi naman naapektuhan si Lory.

"Oo nga, sana 'wag mong ubusin budget ni Kai ha? Maawa ka sa kapatid ni Mel," biro ni Tasha.

Lory mocked us and crossed her arms. "Alam niyo ba na masustansya rin pala ang coke float kasi may gatas ito?"

"Ano na namang tanong 'yan, Lory? Saan mo 'yan nahagap?" nagtatakang tanong ni Tasha.

"Sa isip ko."

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now