"Anak... alam mo namang hindi pa ako makakauwi ngayon dahil busy rin ako sa pagtatrabaho at... hindi gano'n kadaling umuwi, nak..."

Napayakap na lang ako kay kuya at doon na ako tuluyang humagulgol. Miss na miss ko na ang papa ko. Araw-araw, inaantay ko ang pag-uwi niya. Habang bata pa ako ay gusto ko siyang makasama dahil hindi naman habambuhay ay ganito ang edad at itsura namin, tumatanda rin kami at nag-iiba ng pananaw sa buhay.

"Kuya... miss k-ko na si papa..." mas naging mahigpit pa ang pagkayakap ko kay kuya.

"Anak, Mel? Melissa? Pangako, uuwi ako kapag hindi na ako busy. Marami akong iuuwi para sa inyo... ano ang gusto mong pasalubong anak—"

"Ikaw p-papa... ikaw p-po ang... gusto kong makita..." mahina kong tugon.

"Uwi ka na p-papa... kahit saglit ka lang... po rito... b-basta maging kumpleto t-tayo at m-makasama... ka po n-namin..."

"Oo, anak... oo. Uuwi ako, antayin niyo ako. Mahal na mahal ko kayong lahat d'yan."

"Kumain ka nang marami, magpahinga ka lagi, mag-aral nang mabuti at alagaan niyo ang isa't isa ha?"

"Opo papa... I-I miss you po. I-ingat ka po papa... m-mahal ka rin po... namin."

I love my father more than anything else. Siya ang bumubuhay sa aming magkakapatid bukod kay mama. Binihisan kami, pinagpapaaral kami, patuloy kaming binibigyan ng magandang buhay, minamahal at inaalagaan kami nang walang kapalit kahit nasa malayo siya. We're very lucky to have him as our father. At ang tanging ganti namin sa kaniya ay pagmamahal, pagmamahal na tulad lang din ng pagmamahal niya sa aming pamilya niya.

I thank God for giving us a great father—parents to support and care for us until we grow up and be more responsible and independent.

***

Messenger

1:08 PM

Boyfie Ko
Kumusta kayo, love?

Hindi naman kayo napaano
'no?

Meloves
Okay lang kami, kayo?

Boyfie Ko
Ito, okay naman

Malakas ulan pero ayos
lang, para kahit papaano
malamig haha

Meloves
Kaya nga e, ang lamig haha

Boyfie Ko
Antukin pa naman ako
'pag malamig haha

Kumusta pala kayo?

Meloves
Nino po?

Boyfie Ko
Kayong magkakaibigan?

Meloves
Ah... okay na kami ngayon

Salamat sa payo mo ah?

Salamat talaga

Boyfie Ko
Welcome! 'Buti naman
at nagkaayos na kayo

Meloves
Iyon nga e... 'buti na lang talaga
matino pa rin kaming mag-isip

Alam ang tama sa mali...
gano'n

Boyfie Ko
Sana 'di na kayo
magkatampuhan

Stay strong sa inyo!

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz