"Upo ka muna." Tumabi siya kay Kai ngunit may pagitan sa gitna. Dinig ko naman ang pagbati ni Kai kay Tasha at bumati rin si Tasha pabalik.

"Gusto mo ng tubig, Tasha?"

"Hindi, okay na ako. Salamat—"

"Hello, Tasha. Kumusta?" Dahan-dahang bumaba si kuya Jin mula sa taas at nang makarating siya rito ay tahimik lamang akong nakatitig sa kaniya.

Hindi alam ni kuya ang nangyari sa aming tatlo. Hindi ko sinabi sa kaniya dahil mag-aalala siya. Alam niyang kahit kailan ay hindi kami nagkakaroon ng tampuhan sa isa't isa na umaabot nang ilang araw, linggo o buwan. Suportado niya ang pagkakaibigan naming tatlo dahil alam niyang mabubuting tao ang pinakikisamahan ko. Mabuti na nga lang at makikipag-ayos na si Tasha upang matapos na ang gulong ito at bumalik na ang lahat sa maayos.

"Okay lang po, kuya."

"Wow! May cake, para kanino 'yan?" tanong ulit ni kuya habang turo-turo ang hawak ni Tasha na cake.

"Ah... para kay Lory, kuya. Surprise namin kasi mataas 'yong... nakuha niyang score kahapon sa quiz..." pagsisinungaling ni Tasha.

"Sana all may cake 'pag mataas score sa quiz," biro naman ni Kai habang nakatitig sa box ng cake na hawak ni Tasha.

"Favorite kasi ni Lory 'to e... kaya napag-isipan namin ni ate Mel mo na bumili," ani Tasha habang nakangiti.

"Sige, hatid ko na ba kayo?"

"Sige, kuya. Para makauwi na rin kami nang maaga," sagot ko naman.

"Ingat kayo!" paalala ni Kai sa amin habang kumakaway.

"Salamat, Kai!" sagot ni Tasha pabalik at nagsimula kaming maglakad papalabas ng pinto habang nakasunod sa likuran ni kuya.

Nagkatitigan kami sa isa't isa at ramdam ko ang nerbyos ni Tasha kahit titigan ko lang siya nang matagal. Alam kong mahihirapan siya, ngunit kailangan niyang tapangan ang sarili niya. Siya ang nagsimula, kaya tapusin din niya.

"Kaya mo 'yan..." bulong ko sa kaniya.

"I hope so..." she answered nervously.

***

Nang makarating kami ay binilinan kami ni kuya na susunduin ulit niya kami, tawagan ko lang daw siya para alam niya kung kailan siya pupunta. Pakatok na sana ako sa pinto ng bahay nila Lory ngunit pinigilan ako ni Tasha. Nagkatitigan kami at tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?" Ipinatong niya ang kaliwang kamay niya sa dibdib niya at saglit na pumikit upang huminga nang malalim.

"Kinakabahan ako... ako na lang kaya kumatok?"

"O, sige. Dito ka." Nagpalit kami ng puwesto at ngayon ay siya naman ang nakatayo malapit sa pintuan habang ako naman ay nasa gilid at nag-aantay na kumatok siya.

I heard her knocking on the door and after a few seconds someone immediately opened it. "Ay, wait lang. Tawagin ko lang si Lory." It was Lory's brother.

Maya-maya ay napag-isipan kong magpalit kami ng puwesto ni Tasha at ako muna ang unang bumati kay Lory. When Lory came, a smile was formed across her face after seeing me, standing in front of her. She wasn't expecting me to come, but I just did because Tasha needs a companion.

"Pasok ka—" napatigil siya sa pagsasalita nang makita niya si Tasha na bahagyang nakangiti at para bang nahihiya pang tumingin kay Lory.

"H-hello, Lory..."

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now