"Hello?"

"Mel?"

"Oo, ako nga." Lory looked at me like she wants to ask me something, but I didn't let her since I'm still busy speaking with Tasha.

"Nandito na ako sa seaside, malapit sa anchor's away."

"Ah, sige! Papunta na kami. Antayin mo kami."

"Sige, pakibilisan. Salamat."

"Salamat din!" Basta ko na lang ibinaba ang tawag at hinila ang kanang kamay ni Lory.

"Nasaan na raw siya?"

"Nasa seaside na kaya dalian natin," utos ko kay Lory habang hila-hila siya.

Hindi naman kami gaanong malayo, pero kailangan naming magmadali. Nakakahiya kasi kay Tasha kung mag-aantay pa siya para sa amin. Hindi naman pumiglas si Lory sa akin, mahigpit lang din ang hawak niya sa kamay ko habang ako naman ay nakikisiksik sa mga taong naglalakad. Hindi naman ako nagmamadali, pero parang gano'n na nga. Wala akong choice e, baka mas lalo pang mainip at mainis si Tasha sa amin.

***

Nang makarating kami sa seaside, maigi kong tinitingnan ang paligid ko, baka kasi naroroon lang si Tasha at hindi naman siya mapansin. Pero ang nasabi kasi niya sa akin ay malapit sa anchor's away, kaya medyo malayo-layo pa ang lalakarin namin dahil sa dulo pa iyon.

"Ba't ba kasi ang layo ng pinili niyang spot... parang ewan naman din 'tong si Tasha," reklamo ni Lory habang nagpupunas ng pawis niya.

"'Wag ka nang magreklamo, malapit naman na tayo e—"

"Mel!" Napatingin ako sa direksyong iyon at nahagip ng mga mata ko si Tasha na talaga namang ikinatuwa ko ngunit bigla na lamang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong may kasama siyang dalawang babae.

"Nagdala pa talaga ng abubot..." Lory rolled her eyes, but immediately approached Tasha.

Nang makalapit kami kay Tasha, nagkatitigan silang dalawa ni Lory sa isa't isa. I thought Lory was mad, not until I saw her smile. Her face lit up and waved at Tasha while Tasha is just giving her a dominance smile.

"Kumusta ka?" Lory's live and happy side showed up again.

"Okay lang, kayo ba?"

"O-okay lang din naman kami," sagot ko naman.

"So, ano ba ang gusto niyong mapag-usapan?" Tasha asked her friends to move away and stay right behind her.

She crossed her arms and stares at us. "Sige na, magsalita na kayo. I'll listen," she demanded.

"Ah... sana Tasha, magkaayos na tayong tatlo tulad lang ng dati," sabi ko sa kaniya na para bang nagmamakaawa na rin.

"Puwede naman e, sino ba kasi ang nagsabing layuan niyo 'ko?" mataray niyang tanong sa amin.

"Teka, are you blaming us? Hindi ba't ikaw ang kusang lumayo at iniwan kami?" inis namang tanong ni Lory.

"What? Iniwan kayo? Come on, Lory. Hindi ko kayo iniwan, alam niyo 'yan."

"Kayo ang kusang lumayo dahil naiinggit kayo at may nakikipagkaibigan sa akin at syempre nagseselos kayo!" Tasha yelled which caught the attention of some people surrounding us.

"Aba? Saan mo ba 'yan nakuha? Hindi mo ba alam na kaya kami napapalayo sa'yo dahil ikaw 'tong sama nang sama sa mga kaibigan mong bago!"

"Lory, tama na. Tasha, please. 'Wag na natin 'tong palakihin." Napalunok ako habang inaawat ko silang dalawa. Mukha kasing nagkakainitan na naman sila.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now