"Ano'ng problema no'n?" natatawang tanong sa akin ni Lory na naging ngisi.

"E-ewan ko rin..."

***

"Ay, Lory. Mauna ka na munang umuwi ngayon."

"Bakit naman?"

"Tatambay muna ako ng library, gagawin ko 'yong ibang assignments natin, okay lang ba sa'yo?" tanong ko.

"Hmm, sure. Magpaalam ka rin kay mama mo, baka mag-alala si tita sa'yo." Agad naman akong tumango.

"Sige na, bye na!" Lory waved at me and I did the same.

"Ingat!" sigaw ko pabalik sa kaniya bago pa man siya makalabas ng school gate.

Nang mawala si Lory sa paningin ko ay agad na akong naglakad papuntang library. Nasa isang building iyon, sa second floor. Gusto ko lang talaga tumambay roon para magpahinga nang saglit, pero baka gawin ko na rin assignments ko kasi sayang din naman ang oras na ilalaan ko rito.

Marami akong nakakasalubong na estudyante, ang iba ay papasok pa lamang dahil panghapon sila, habang ang iba naman ay pauwi na, sila 'yong mga umaga ang pasok tulad ko. Mas okay rin sa akin pumasok ng umaga kaysa sa hapon kasi kapag umaga ang pasok, maraming time para gawin ang assignments, pero kapag hapon, kaunti na lang at minsan ay wala na talagang time. Ang pangit nga lang sa pang-umaga ay kailangan mong gumising nang maaga, kaya madalas ay inaantok pa ako tuwing first subject dahil kulang ako sa tulog.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng library, dahan-dahan kong inikot ang handle nito at sumilip muna sa loob. Kaunti lamang ang tao kaya pumasok na ako. Madalas kasing marami ang estudyante rito, pero ngayon ay hindi gaano, kaya masarap tumambay rito. Free aircon na, tahimik pa.

"Lamig..." bulong ko sa sarili ko habang nakapila sa likod ng babaeng nagsusulat sa log in book.

Kailangan kasi iyon dito dahil kung sino ang pinakamaraming log in sa library ay magkakaroon ng award. By section iyon, kaya kung maraming nagpupunta ritong kaklase ko every month, every month ding may award ang buong section namin. Isusulat dito ang oras ng log in mo, pangalan, section at date kung kailan ka nagpunta ng library. May log out din pero hindi ko na iyon sinusulatan dahil hindi naman importante. Syempre ang last, may pirma, para malaman na iyon talaga ang mismong student na nag-log in.

"Inaantok ako..." umupo ako sa isang upuan kung saan bakante ang mesa at walang gumagamit.

Mahaba-haba rin ang mesa, kasya ang pitong taong gagawa rito. Kaso nga, aanhin mo ang mesa kung tamad ka namang gumawa ng assignments at projects, sa lapag ka na lang kapag wala ka namang importanteng gagawin at magpapalamig ka lang. Gano'n ang rules dito.

"Tawag muna ako kay mama..." saktong-sakto nang hugutin ko ang cell phone ko mula sa bulsa ng palda ko, tumatawag si mama sa akin.

"Hello, ma?" tanong ko nang mahina ang boses.

"O? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Ma, may gagawin lang po akong assignments. Nandito ako sa library namin," mahinang sagot ko.

"Hanggang anong oras ka riyan?"

"Hanggang alas tres lang po, uuwi rin po ako kaagad." Napapalunok na lang ako sa sobrang kaba dahil medyo tumataas na ang boses ni mama.

"Umuwi ka kaagad ha? Tawagan mo ako bawat oras. Gusto kong malaman kung ayos ka pa ba."

"Sige na, gawin mo na 'yan nang makauwi ka nang maaga, aantayin kita."

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon