"Hopefully... at saka ano pala... kung puwede raw... ano..."

"Ano?"

"K-kung puwede raw ba na... sabay-sabay rin kaming... umuwi?" Bahagyang yumuko si Tasha upang iwasan ang nanlilisik na mga mata ni Lory.

As what I've said, maldita si Lory pagdating sa mga gan'tong bagay. Hindi siya madamot, ayaw lang niyang sumasama kami sa kung sinu-sinong tao na hindi pa naman namin kilala. She's the youngest, but she cares for us the most. And for me, Lory's just trying to protect us from something unexpected and unpleasant occurrence.

"Sana ngayon lang 'yan, who are those anyway?" mataray ulit na tanong ni Lory.

"Pare-parehas kasi kami ng interest... and it's not bad to be friends with them, right?" Tasha asked the both of us.

"Tama naman, okay lang naman 'yon—"

"Oo naman okay lang 'yon, 'wag mo lang kami ipagpapalit at kalilimutan ha?" sabi ni Lory kay Tasha nang sumingit ito habang nagsasalita ako.

"Oo naman! Bakit ko naman kayo kalilimutan? Kayo't kayo lang naman ang best friends kong pagkakatiwalaan ko e."

Sakto nang pagkatapos magsalita ni Tasha, dumating na ang first teacher namin para sa araw na ito. Madalas late si ma'am, pero okay lang sa amin dahil magaling naman siyang magturo at mabilis din naming natututuhan 'yong lessons namin sa subject niya.

I felt Tasha's nudge on my left shoulder causing me to look at her. I raised an eyebrow, signaling her that I'm asking, what's up.

"Thank you..." she whispered which made me chuckle.

"You're welcome," bulong ko pabalik.

She thanked us for trusting her, she thanked us because we didn't prevent her from making new friends and for respecting her decision. Hopefully, she would be able to enjoy her day with the other girls and get to know them more.

***

Kalalabas pa lang namin ng school gate ni Lory, si Tasha ay naiwan pa sa school. Tumambay muna sila sa library, hindi ko alam kung bakit, pero sana okay lang siyang kasama ang mga iyon sa ngayon. Meeting new friends is not a bad idea and decision at all, but meeting Tasha and becoming one of Tasha's friends because of fame, that's the bad decision they could ever done.

"Hindi mo pa pala nabasa 'yong binigay ni Nick sa'yo na wafer?"

"Is that even a biscuit or chocolate wafer?" tanong ni Lory sa akin.

"Ay, hindi ko rin alam. Basta wafer ang tawag ko ro'n kasi mukha naman siyang wafer."

Talking about Nick, I've seen him earlier after he handed me another hello wafer and red rose. Sa totoo lang, nagtataka ako kung saan niya iyon kinukuha at kung papaano siya nakakabili no'n dahil ang alam ko ay mahal ang roses, lalo na 'pag rare ang kulay. Pinagkakagastusan pa niya ako, nakakahiya pero hindi naman ako makatanggi kasi baka magtampo siya. Sabi naman ni Zach sa akin, ayos lang na tumanggap ako ng regalo, basta't ipaalam ko lang daw kay Nick na hanggang magkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.

I don't know if I would be able to say it to Nick properly, but I'll try my best. Alam kong masasaktan siya, pero wala akong ibang choice kundi ang sundin si Zach dahil siya ang boyfriend ko at siya rin ang unang minahal ko. I only like Nick as a friend, and I think, there's nothing more than that.

"Basahin mo na, girl!" utos ni Lory sa akin. Dinukit ko ang wafer mula sa bulsa ng palda ko at inilabas ito.

"I just want to lay on your chest and listen to your heartbeat."

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now