Maya-maya ay nagsimula na siyang mag-drive habang ako naman ay nakasandal sa kinauupuan ko at nakatitig lang sa labas ng bintana. Bigla na lang akong napangiti nang maalala ang tanong ko kay Kai kahapon.

"Kuya?"

"Hmm?"

"Nagsasabi ba si Kai sa'yo tungkol sa crush niya?" I heard his chuckle which made me smirk.

"Madalas, bakit mo naman natanong?"

Inilipat ko ang titig ko sa kaniya. "Kahapon kasi tinanong niya ako kung kumusta na raw si Lory."

"Tapos?"

"Nagtataka lang naman ako kasi... hindi naman sila close ni Lory... pero bakit niya tinatanong sa akin." Napangisi si kuya at namuo ang ngiti sa labi niya.

"Nagbibinata na si Kai... actually, binata na talaga siya," sagot naman ni kuya habang ang atensyon at mga mata niya ay naroroon pa rin sa daan.

"Kuya? Ano sa tingin mo?"

"Iisa lang ang alam kong sagot d'yan."

"Mel, he likes your friend."

***

"Sabi ni mama sa akin, 'di na raw ako lilipat ng school. Dito na raw ako mag-aaral ng senior high..." malungkot kong ipinaalam sa kanila dahil alam kong sila ay lilipat na ng school.

Balak pa naman naming tatlo pumasok sa iisang school kapag nag-senior high school na kami, kaso hindi na iyon mangyayari dahil maiiwan ako rito at sila naman ay lilipat na ng ibang school. Sad life, pero wala tayong magagawa dahil iyon ang gusto ni mama.

"Hala! Ako rin e! Sabi ni mama sa akin dito na lang din daw ako mag-aral para less gastos at hindi na rin daw ako mahirapan mag-transfer," tugon naman ni Tasha sa akin na talagang nagpangiti sa akin.

Lory's eyes widened after hearing what Tasha have said. "Hala?! So, ako lang pala 'yong aalis ng school?" gulat na tanong niya sa aming dalawa ni Tasha na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa amin.

"Siguro... gano'n na nga," sagot ko naman at bigla na lang natulala si Lory.

Maya-maya ay napasampal siya sa sarili niyang mukha. "Akala ko ba walang iwanan? Hanggang college magkakasama tayong tatlo?"

"Sabihin mo na kasi sa mama mo na 'wag ka nang palipatin, less gastos gano'n," suggest ni Tasha kay Lory at agad naman akong tumango.

"Sabihin mo rin mayro'n na rin dito 'yong strand na gusto mo," sabi ko rin kay Lory.

Para kaming mga sulsol kay Lory. Gano'n talaga kapag ayaw naming maghiwa-hiwalay kami. Friendship goals e, gusto namin magkakasama kami hanggang sa pagtanda. Iyong tipong hanggang kamatayan, magkakatabi rin kami sa libingan. Mas maganda 'pag magkakasama, walang iwanan.

"Sasabihin ko kay mama. Ba't naman kaai ang bilis niyong mag-iba ng isip? Mga letse—"

"E? Nanay na namin nag-decide," sumbat ko naman kay Lory.

"Oo nga! Ano pa ba ang magagawa namin? Syempre, wala na." Lory shrugged her shoulders while looking at Tasha.

"E 'di magpapaalam nga ako kila mama!" sumbat niya sa aming dalawa.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now