"Ate ang init—"

"Kailangan 'yan para pagpawisan ka, matulog ka na. Sige na," utos ko sa kaniya.

Bago pa man ako lumabas ng kuwarto niya ay pinagmasdan ko muna ang buong paligid ko. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko, parang may mali. Nanlilisik ang mga mata ko habang papalapit kay Kai, inangat ko ang isang unan niya at doon ko nakita ang lumang cell phone niya na nakatago.

"Aba, aba? Nagtatago ka pa ah?" Dinampot ko ang cell phone mula sa unan niya at ngumisi.

"Ate... 'di naman e, saglit lang. Please?"

"Hindi! Kung ano ang bilin sa'yo ni mama ay bilin ko rin. Makinig ka sa amin." Wala na siyang nagawa kundi ang manahimik. Lumabas ako ng kuwarto niya at nagpunta naman sa sarili kong kuwarto.

Nagmadali akong humilita sa kama at ipinikit muna ang mga mata ko. "Nakakaantok!" sigaw ko at humikab.

Antok na antok ako dahil maaga akong nagising kanina at napagod din ako sa klase ko kanina. Maraming pinagawa, ngunit ang maganda ay walang assignments na pinapagawa sa amin kaya makakapagpahinga kami nang matiwasay. Puwedeng-puwede matulog magdamag.

"Gusto kong magsulat... pero inaantok ako..." bulong ko sa sarili ko at maya-maya ay hindi ko na mapigilang ipikit ang mga mata ko.

Last thing I knew, I fell asleep though I'm in an uncomfortable position.

***

"Anak? Melissa?" I slowly opened my eyes and looked at my mom. I blinked my eyes and rubbed them.

"Ma?"

"Kain ka na sa baba, nakapagluto na ako."

Hindi pa masyadong maganda ang mood ko kaya nakakuyumos ang mukha ko nang tumayo ako mula sa kama. Damang-dama ko ang pagkahilo at bigla na lang nandilim ang paningin ko. Naalala ko, bawal pala tumayo agad 'pag matagal na nakahiga—dapat umupo muna.

"Si Kai po? Kumain na siya?" tanong ko kay mama.

"Oo, dinalhan ko na siya kanina ng makakain niya, kumain ka na rin," utos ni mama sa akin at agad naman akong lumabas ng kuwarto ko habang siya ay may nililinis doon.

Hawak-hawak ko ang cell phone ko habang naglalakad ako pababa ng hagdanan, at dahil sa sobrang naka-focus ako sa cell phone ko, nagkamali ako ng tapak at nagulat ako nang dere-deretso akong nahulog sa baba. Speed lang.

"Aray ko..." bulong ko habang hinahaplos-haplos ang puwetan ko. Napahawak na lang ako sa railings ng hagdan at tinulungan ang sarili kong makatayo nang dahan-dahan dahil namimilipit pa ang mga paa ko sa sakit.

Nang makatayo ako ay nakita ko si mama na nakasilip mula sa taas. "Ano 'yong kumalabog?" Nanlalaki ang mga mata ni mama nang magtanong sa akin.

I acted like I wasn't hurt and I shrugged my shoulders. "Ewan ko po, wala naman po akong narinig," pagsisinungaling ko kay mama.

Mabagal akong naglakad papuntang kusina, patigil-tigil ako sa paglalakad dahil kumikirot pa rin ang mga paa ko. Luckily, hindi ako nabalian. Dagdag gastos pa iyon sa amin dahil lang sa katangahan ko.

I don't feel like eating yet, so I went towards the living room and sat down on the couch. I started browsing on my phone and I remembered Zach. Kanina nag-chat kami, siguro nasa school na siya ngayon. I clicked the messenger app and opened our conversation. I started reading our past messages which makes me smile.

"Buang..." bulong ko sa sarili ko habang nakangiting binabasa ang mga message ni Zach sa akin.

Magtatatlong buwan na kaming magkakilala, pero hindi ko pa rin alam ang itsura niya. But I already know where he lives, Mandaluyong pala iyon. Nalaman ko kay Lory, ang laking tulong ni Lory sa akin dahil nasabi niya iyon sa akin. Malapit lang naman ang Manila sa Mandaluyong, pero wala akong balak makipagkita sa kaniya. Hindi ko muna iyon iniisip, saka na 'pag matured na kami. Sa ngayon, hanggang chat-chat lang muna.

"Hindi na nagsawa sa asterisk..." natatawang sabi ko sa sarili ko habang binabasa ang messages ni Zach na may asterisk.

Dati, naiirita ako na nahihiya, pero ngayon, parang ang cute na sa akin. Hindi ko namalayan na active now na pala siya, kaya dali-dali kong na-seen ang bagong message niya sa akin. Nahihiya ako dahil alam niyang binabasa ko ang conversation namin, at nahihiya ako dahil na-seen ko agad ang message niya.

"Should I reply?" Nagdadalawang isip pa ako kung sasagot ako kay Zach dahil baka isipin niya, lagi akong nakaabang sa message niya.

"Siguro... mamaya na lang..." bulong ko ngunit binasa ko muna ang message niya sa akin.

"Hi love ko, love you! Pahinga ka ah?"

***

"Medyo okay na ba 'yong pakiramdam mo?"

"Medyo okay naman na, ate," sagot ni Kai sa akin at agad naman akong huminga nang malalim bago tumango.

"Kaya mo nang makapasok bukas?"

"Baka mabinat ako e... siguro sa susunod na araw na lang muna, ate." Hinaplos-haplos ko ang kamay niya, parang masahe na rin para mas maging komportable siya.

"Wala ka na bang masamang nararamdaman?"

"Wala naman na. Medyo gumaan na rin 'yung pakiramdam ko." Ngumiti ako nang marinig ang tugon niya.

Salamat sa Diyos dahil hindi na tumaas ang temperature niya at mas nagiging maayos na ang pakiramdam niya. I don't want to see him suffering, it's stressing me out. Mas mabuti na ang gumagaling siya paunti-unti at bumabalik na sa normal ang karamdaman niya.

"Kumusta pala si Lory, ate?" I raised an eyebrow when I heard his question.

"Bakit mo naman natanong?" nagtatakang tanong ko kay Kai.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Bakit, ate? Bawal ba?"

I shook my head. "Okay naman si ate Lory mo, bakit?"

"Wala lang natanong ko lang naman—"

"Gusto mo siya?" mabilis kong tanong at matagal kaming nagkatitigan sa isa't isa.

I blinked my eyes for a few seconds and gave him a questioning look. He continued to stare at me and a smile starts to form on his lips. I didn't receive his answer, but the way he looks at me indeed speaks something predictable to me.

Silence means yes.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant