"Bakit ka na naman pumatay?! Kung kailan attached na ako sa character mo... pinapatay mo!" sigaw niya sa akin na para bang naiiyak siya.

Itinanggal ko ang pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ko. "Kalma ka lang, ano ba? Isipin mo lang nasa heaven na siya—"

"Pinatay mo characters mo! Napakarami mo nang pinatay! Maawa ka naman!" Napayakap siya sa braso ko habang nagmumukmok, ngunit tinawanan ko lang siya.

"Ano ba? Story ko 'yon!"

"My story, my rules," mataray kong sabi. Inalis ni Tasha ang pagkakayakap niya sa akin at nanlisik ang mga mata niya.

"Required ba kasing pumatay 'pag nagsusulat ng story?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman, depende sa writer—"

"Bakit kasi pinapatay mo 'yong mga mababait na characters?! Tinitira mo pa 'yong medyo loko-loko ang ugali!" reklamo niya sa akin at nagkunwari pa siyang umiiyak.

"Nababaliw ka na ba? Character development 'yon. Iniiwan ko sila kasi sa huli, may development sila... realization. Gets mo ba?" tanong ko kay Tasha habang nakataas ang isang kilay ko.

"Bahala ka sa buhay mo, mapanakit kang writer ka."

"Support ka namin ni Lory... pero 'pag may pinatay ka pa—'yong maayos ang ugali ha? Unfollow agad tapos bash, ay char!" Hinampas ko siya ng notebook sa braso niya.

"Okay lang kung i-unfollow mo 'ko... pero i-bash mo 'ko? Nako... mag-isip ka nang mabuti kung ayaw mo pang mapunta sa heaven." I crossed my arms and smirked.

"Whatever... kahit ano namang mangyari 'di ko 'yon gagawin. I'll still support you." Bumalik si Tasha sa pagguguhit at patago akong napangiti dahil sa nabanggit niya.

I'm very lucky to have them as my friends. Luckier than what I've expected.

"So, chapter 17."

"Let's start writing this part," bulong ko sa sarili ko.

I always see myself enjoying what I've been doing for the past few years, it's writing. I'm glad that Wattpad app was created, it's a useful writing platoform for writers who likes to share their stories to the world. This app feels like a time machine, everytime I read my old works, I can still feel the vibes. It feels like I just wrote the stories yesterday—nostalgic.

"Hello..." I saw Ann and she sat down beside me. Inayos niya ang salamin niya at tiningnan ang ginagawa ko.

"Lagi kitang nakikitang nagsusulat kapag wala tayong ginagawa," sabi niya sa akin at inurong pa ang inuupuan niya papalapit sa akin.

"Ah... oo. Mahilig akong magsulat e."

"Oo, halata naman e. Since grade 7, nagsusulat ka na talaga ng stories." Napatitig ako sa kaniya nang sabihin niya sa akin iyon.

"Ang observant mo naman," natatawang sabi ko sa kaniya at tumango siya.

"Oo naman 'no? Napapansin kita kasi isa ka rin sa active students ng section natin. Ang galing mo kaya."

"Thank you! Lahat naman tayo magaling e. Kailangan lang nating hanapin ang galing na iyon at i-improve."

"Bakit... nagustuhan mo ang pagsusulat?" bigla niyang natanong sa akin.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon