It's hard to find someone like my father and my mother these days. Kaya maraming natatakot magmahal dahil ang iba ay hindi na marunong magseryoso. Ginagawa nilang laro ang pag-ibig pati na rin ang damdamin ng isang tao. Mapababae man o mapalalaki, hindi marunong magseryoso sa pag-ibig. Hindi ko naman nilalahat pero marami ang gano'n-lalo na sa kabataan ngayon.

They want attention, they focus too much on loving someone, wherein fact, their parents are the ones who will truly loves them unconditionally. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ng ating mga magulang kaysa sa pagmamahal ng taong napupusuan natin, dahil ang pagmamahal ng mga magulang ay hindi kulang, ngunit labis-labis. And that's the love everyone should see and feel.

***

"Tasha? Tasha?" Si Lory na ang nagpresintang kumatok habang ako naman ay nag-aantay sa gilid.

"Tasha—" nagbukas ang pinto at nakita namin si Tasha na nakasilip.

"Pasok na," utos niya sa amin at agad naman kaming pumasok ni Lory sa loob.

Tinanggal muna namin ang suot naming sapatos. Nakakahiya naman kasi kung dadalhin pa namin ito sa kuwarto ni Tasha. Habang tinatanggal ko ang sapatos ko, napansin kong walang tao sa bahay nila. Paikot-ikot ang mga mata ko sa paligid ngunit wala akong nakitang tao bukod sa aming tatlo.

"Wala kang kasama?" tanong ko kay Tasha at inilagay sa gilid ng pinto ang sapatos ko.

"Wala nga e, umalis sila. Nasa school naman 'yong mga kapatid ko," sagot niya sa akin.

Nang itabi ni Lory ang sapatos niya, sumunod kami kay Tasha papaakyat ng hagdan papunta sa kuwarto niya. Pinagbuksan niya kami ng pinto doon sa loob ng kuwarto niya at ramdam namin ang malamig na hangin mula sa aircon. Pinagmasdan ko ang loob ng kuwarto niya, iba na naman ang ayos. Last time kasi iba ang ayos nito, wala pa siyang isang cabinet, patungan ng mga pabango, polbo at kung anu-anong pampaganda. Ngayon, mayro'n na. Napalitan din 'yong bed sheet, kumot at punda niya. Syempre ilang buwan na ang nakalipas, malamang pinalitan na niya.

"Ang ayos ng kuwarto mo ah, sinop mo pa sa gamit," banggit ni Lory habang tinitingnan ang sarili niya sa salamin.

"Ang pangit naman kasi kung makalat, lalo na kapag painting ang ginagawa ko, makalat talaga 'yan... pero nililinis ko rin agad." Nakita ko ang mga tinuturo niyang paintings na nakadikit sa pader, malapit sa studying table niya.

All of her paintings are beautiful. Some are aesthetic which is her kind of style. Iba talaga kapag artist, creative mag-isip. But for me, everyone can do creatively. We all have different talents and we are all artistic. We don't have to compare ourselves from others, we just have to find our ability to be able to enhance it and create something magnificent and unique.

"Kapag tinuruan mo kaya kami kung paano mag-painting... gan'yan din kaya ang kalalabasan ng gawa namin?" tanong ni Lory habang nakatitig sa paintings ni Tasha.

Umupo ako sa kama, sa tabi ni Lory at inayos ang sling bag na dala ko. Naroroon kasi lahat ng mga gamit ko at assignments na gagawin namin. Hopefully, matapos namin lahat ng assignments namin ngayon. Marami pa namang oras pero mas maganda kung matatapos kami nang maaga para hindi rin kami gabihin ni Lory.

"Who knows? Malay natin, oo." Lory shurgged her shoulders after hearing Tasha.

Nagsimula na kaming maglabas ng mga gagawin namin, puro pad paper, ball pen, lapis at notebooks ang makikita sa kama ni Tasha. Pinahirapan lang namin sarili namin, puwede naman kami sa lapag. Buang din kami minsan e.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt