Alam kong madalas silang nagbibiruan, pero minsan napupunta iyon sa away at tampuhan. Ako lagi ang pumapagitna kasi ayaw kong magkaroon kami ng tampuhan sa isa't isa. Importante pa rin ang pagkakaibigan naming tatlo dahil matagal na rin kaming magkakakilala't magkakasama. This is not the time to waste this friendship and the years we've spent just to be together and stay stronger.

"Ang ibig sabihin kasi ng pag-angat nating lahat, hindi 'yong puro kopya at pagawa lang."

"Dapat ang mindset natin, paano 'to naging sagot, paano gumawa ng gan'to. Ano ang dapat gawin at ano ang dapat alamin," pangaral ko sa kanilang dalawa.

"Gets niyo ba?" tanong ko sa kanila habang palipat-lipat ang titig ko sa kanilang dalawa.

"Gusto ko rin naman talaga kayong... turuan sa arts e..."

"Kaso baka ayaw niyo rin-"

"Tasha, if you're willing to help us, just go for it. We will never let you down, we will listen to you." I gently stroke her back.

"Don't hesitate, if you think we need help, let us know. Ikaw ang nakakaalam kung kailangan pa namin ng improvement, don't be afraid to criticize us and our works," paliwanag ko kay Tasha.

"That's how we improve, by criticizing our works," sabi naman ni Lory at agad akong tumango.

"At para naman sa'yo, we will help you learn. That's how you improve, by learning the fact," Lory assured which is true.

You can't answer something if you don't know the real definition behind it. There are so many words that has the same spelling, but different meanings—that's what Tasha must learn. How to differentiate from this to that.

"Well, I guess I'll teach the both of you-kung may time ako." Me and Lory quickly nodded.

"And I will teach the both of you about science and math," sabi naman ni Lory.

"And I will be teaching you guys, English. About grammar, vocabulary, spelling, definitions, and more."

"Sabi n'yo 'yan ah?" tanong ni Tasha sa amin habang nakataas ang kilay niya.

"Oo naman, dapat tulungan, walang lamangan. Kung puwede namang makatulong, why not naman, 'di ba?" I quickly nodded when I heard what Lory have said.

"Alam niyo ba na ang balat ng saging ay puwedeng maging kulay blue?" tanong naman ni Lory sa amin.

Napatigil si Tasha sa pag-ikot ng ballpen sa mga daliri niya at natuon ang pansin kay Lory. "Totoo? Pa'no 'yon nangyari?" tanong ni Tasha.

"Kapag sobrang lamig daw ng klima, may possibility na mag-turn blue 'yong skin ng saging."

"Saan mo 'yan nabasa?" tanong ko naman.

"Sa isip ko," sagot ni Lory sa amin at nag-peace sign pa.

"Sabi na e, duda ako sa baliw na 'to..." inis kong sumbat.

***

After ng klase namin, niyaya ko muna sila sa milktea store kung saan madalas kaming tumatambay. Kahit may pera sila, nilibre ko na lang din sila. Nakakahiya naman kasi, kukunin ko ang oras nila tapos hindi man lang ako manlilibre. Strawberry flavor kay Lory, sa akin ay matcha pati kay Tasha.

"Sobrang importante ata niyang sasabihin mo e." Lory raised an eyebrow and stared at me.

Bago ko ibuka ang bibig ko, inunahan na akong magsalita ni Tasha. "Bakit? Buntis ka ba?" mabilis niyang tanong sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon