"He also gave this to me, hello wafer ulit." Inilapag ulit ni Lory ang isang wafer sa desk ko at mabilisan ko namang pinulot sng wafer at binasa ang pick up line sa likod.

"Hello, I'm a thief and I'm here to still your heart."

***

"15 pa lang ako, ano ba?"

"Age doesn't matter, it will increase faster," sabi sa akin ni Lory. Itinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sa kaliwang braso ko dahil dinadala nila ako kay Nick.

"Hoy! Ano ba? Mahiya kayo!" inis na bulong ko sa kanila habang nagpupumiglas ako.

"Ang aga na naman ni Nick dito, siguro ikaw 'yong pinupuntahan niya." I removed my hand from Tasha's grasp.

"Para naman kayong mga ewan d'yan. Nananahimik ako rito e!" bulyaw ko sa kanila, ang ibang estudyanteng dumadaan sa canteen ay napapatingin sa aming tatlo, isa na roon si Nick na kumakain na rin ng almusal niya.

I noticed him smiling at me, I smiled back and waved at him shyly. I feel embarassed and shy at the same time. Mapilit kasi itong dalawa, kaya ginawa ko na lang. Total nagbigay na rin naman si Nick ng wafer at rose sa akin, from now on, I'll be nice to him.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo si Nick mula sa upuan niya at iniwan ang iba niyang kaibigan doon. He's heading towards us, and now that he's standing near us, the shyness I have won't leave me.

"Puwede sumali sa inyo?" I noticed other students staring at us, especially the girls who likes Nick.

"Sure! No problem!" masayang sabi ni Tasha habang nakangiti.

Tasha looked at me and I secretly glared at her. Maayos namang kaibigan si Tasha, pero baka masabunutan ko siya mamaya. She just let Nick join us like he's just one of our friends.

I feel uncomfortable when Nick sat down beside me. "Kumusta kayo?" tanong niya sa amin.

"We're fine naman, ikaw ba? Kumusta kay crush?" Tasha playfully wiggled her eyebrows.

I looked at Nick and he did the same. Mabilis ko namang itinanggal ang titig ko mula sa kaniya at patagong inirapan si Tasha. Sarap manapak ng kaibigan lalo na kapag ganito gawain.

"Okay naman siguro? 'Di ba crush?" I slightly looked at Nick to check if he was talking to me.

"Hmm? Bakit?" tanong ko na para bang wala akong narinig at alam sa pinag-uusapan nila.

"Ito pala ulit, isa pang hello wafer." He handed me the wafer and I slowly grabbed it from him.

"Hope you'll enjoy it," he said.

Patago kong binasa ang nasa wrapper. "May problema yata, 'yung mata ko kasi hindi ko maalis sa kakatitig sa'yo."

My phone vibrated from my pocket after I read the cheesy pick up line. I saw the notification from Zach, I forgot to mute him. Siguro napindot ko 'to kagabi. Kaya, hinayaan ko munang mag-usap-usap sina Tasha, Lory at Nick dahil gusto kong mabasa ang message ni Zach.

I opened his message and read it, "I hope you're doing fine. Enjoy your day!"

***

Night came, me and Zach started chatting again. Kahit nasa school ako, walang tigil ang pag-send niya sa akin ng messages, at gano'n din naman ako kahit nasa school siya. He keeps chatting me so I did my job to reply back. Remember, morning until noon ako at siya naman ay noon until night. Ang layo ng gap, pero okay lang kung may time naman para sa isa't isa. No, we're just friends. I'm just getting a little confused.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now