STBFL: Chapter 28

Magsimula sa umpisa
                                    

"Maganda rin pala ang outcome ng pagpapakasal mo kay Santos, yon kasi ang nasa last will ni Dad. Makukuha mo lang ang buong kumpanya kung pakakasalan mo ang anak ni Mr.Go, at kung hindi naman ay mapupunta ang lahat kay Santos." Nangingiting kwento ni Kuya na halos hindi ko mapapaniwalaan.

"And, how about you and Kuya Kiel?" Nauutal na tanong ko, nanginginig ang boses ko dahil halos hindi ako makapaniwala sa desisyong ginawa ni Dad, unang una wala akong intensyon sa business niya, pangalawa wala akong knowledge sa mga ginagawa nila.

Ngumiti si Kuya, "He gave me the 30% of the Automobile Company and Kiel got 40% from our Advertising company. Yung restaurant binigay niya sa mga anak ko." Sambit ni Kuya na nagpakirot sa puso ko. Kusa nang tumulo ang luha ko at napaupo ako sa single sofa ng office niya.

Lumapit sa akin si Kuya. "Kuya, hindi ako deserving sa mga 'to." Bulong ko, inakbayan ako ni Kuya at marahang hinaplos ang braso ko.

"Kayo ni Kuya Kiel ang naghirap dito! Hindi ako." Humihikbing patuloy ko, alam kong wala akong karapatan sa mga ibinigay sa akin ni Dad ngayong wala na siya dahil una palang ay wala akong itinulong ni isang patak ng pawis para palaguin ang kumpanya namin.

"No, nakasaad din sa last will ni Dad ang dahilan sa mga desisyon niya. Alam niyang mabubuhay kami ni Kiel sa porsyentong ibinigay niya dahil mapapalago naming pareho iyon, at saka isa pa, sayo din dapat mapupunta ang restaurant ni Mama, pero dahil nagkaapo na siya sa akin ay ibinigay nalang niya iyon sa dalawang anak ko." Paliwanag ni Kuya na kahit anong pag iisip ang gawin ko ay hinding hindi ko maiintindihan.

"Dad, want's the best for you. Palagi niyang ipinapaalala sa amin ni Kiel na hindi ka dapat namin pababayaan dahil kaisa isa kang babae, kamukhang kamukha mo pa si Mama kaya naman masasabi kong mahal na mahal ka naming tatlo."

"Pero, Kuya, hindi ko kayang mag isa 'to." Patuloy ang pagtulo ng luha ko, lumuhod si Kuya sa harap ko at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "Ano bang silbi namin ng Kuya Kiel mo?" Natatawang sambit niya.

"Tutulungan ka namin,pero sana tulungan mo rin yang sarili mo na iangat ang pagkatao mo. Sa nakikita ko napakababa ng tingin mo sa sarili mo. Rhyme, kaya mo, pero napanghihinaan ka ng loob." Sambit ni Kuya na siyang mas lalong nagpaiyak sa akin.

___

Ala una ng hapon nang mauna kaming pumasok nila Kuya sa board conference room. Nasa gitna ako nila Kuya Kiel at hinihintay nalang namin ang ilan sa mga aattend ng meeting.

Masaya ako dahil alam kong nasa tabi ko ang dalawang kapatid ko kahit anong mangyari, alam kong hindi nila ako iiwanan lalong lalo na kapag napanghihinaan ako ng loob.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng conference room at halos magwala ang puso ko dahil iniluwa noon si Andres kasama ang Daddy niya, nakipag kamay sila Kuya kay Mr.Go at kay Andres bago tuluyang umupo sa katapat namin. Dumating na rin ang ilan sa mga hinihintay at nagsimula na ang meeting.

Unang pinag usapan ang sales na nangyari sa loob ng isang buwan. Pero ang mga kasunod ay hindi ko na nasundan pa, masyadong blangko ang isipan ko at hindi ko magawang ma-absorb ang mga pinag uusapan nila.

Nararamdaman ko rin ang titig sa akin ni Andres pero kusa kong iniiwasan iyon.

Nang matapos ang meeting ay ipinakilala ako nila Kuya Kiel sa lahat ng board directors at sa mga staff, sinikap kong ngumiti at batiin sila ng maayos hanggang sa maharap ko na sila Mr.Go.

"Of course, kilala mo na sila." Mapaklang pahayag ni Kuya Diel, nagsara ang mata naming dalawa ni Andres nang magtagpo iyon. Nanginginig ang katauhan ko dahil sa sama ng loob.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon