Mali ba kung sasabihin kong komportable ako? Mali ba kung aaminin ko na hindi ko siya malayuan dahil gusto ko ang ginagawa niya?

Kasi pakiramdam ko for once may taong nagtyaga sa katahimikan ko.

Kasi for once, alam ko na may taong interesadong kausapin ako.

Kasi for once, hindi ko na kailangang kumain ng lunch ng mag isa or naa-out of place kasi may kasama na ako.

Kasi for once may taong ako ang pipiliin lagi.

Kasi for once, naranasan ko ding hindi amagin ang messenger ko dahil madami siyang chat lagi.

For once, may natatawag akong kaibigan ko.

Kasi dati, alam kong kaibigan ko silang lahat, hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan ko kasi magkakasama kami sa iisang room.

At alam kong ganon din sila sakin. Alam kong pinakikisamahan lang nila ako dahil ayaw nilang may kaawkwardan sila sa room lalo na at magkakasama kami sa room for two years.

Pero for once, naramdaman ko na may kaibigan ako dahil gusto akong kaibigan. Hindi ako kinaibigan dahil kailangan at para iwas ilangan..

Hays. Sana di siya magsawa sakin.

"Para-paraan...para-paraan~"

Lilingunin ko na sana kung sino ang mga kumakanta sa likod namin kaso nahawakan agad ni Neil ang muka ko para pigilin sa paglingon gamit ang kamay niyang nakaakbay sakin kanina.

"Pinagpapawisan ka na!" May dinukot siya sa bulsa niya, at inilabas yun.

Panyo pala.

Napalayo pa ako ng ulo nung akmang pupunasan niya ang pawis ko gamit ang panyo niya.

"T-teka! May panyo ako." Nahihiyang sabi ko at yumuko para kapain sa bulsa ang panyo kaso wala akong makapa. "Naiwan ko sa room.." Bulong ko na sa tingin ko ay narinig din niya.

"Amina, pupunasan kita." Akmang pupunasan niya sana ulit ang muka ko pero pinigilan ko agad siya.

"A-ako na!" Nagpapanic kong inagaw sakanya ang panyo niya at nagpunas ng muka habang nakaiwas ng tingin sakanya.

Ang puso ko, palakas nang palakas ang kabog. Hindi ko alam kung dahil ba sa init yun o dahil sa katabi ko.

Pero eitherway, parehas namang hot.

Hala! Ang landi!

Happy chrush ba kamo?

"Sabaw!"

"HAHAHAHAHA!"

Napalingon na ako sa likod at nakitang ang 3J's pala yun, mga nagtatawanan. Pero nung makita nilang nakatingin ako ay tumigil sila at nanunuksong tumingin sakin.

"May extra akong panyo." Inangat ni Jek ang panyo niya.

Tiningnan ko lang yun ng may pagtataka dahil inaabot niya sakin.

Sigurado namang nakita na niyang nagpunas ako kanina gamit ang panyo ni Neil

"Kawawa naman si Neil oh, nagiging water bender na." Nginuso pa niya si Neil na nahuli kong masama ang tingin sakanila.

Nakita ko ang pag tulo ng pawis mula sa sentido niya papunta sa panga niya.

Napakagat ako sa labi at napaiwas.

Nasa harap ako ng sinbahan pero di ko mapigilang magkasala dahil sa mga naiisip ko.

"Punasan mo daw pawis mo." Nahihiya kong inabot ang panyo kay Neil.

Turn Over A New LeafOnde histórias criam vida. Descubra agora