Chapter 16 - BFF Anna

120 6 0
                                    


Maine woke up late the next day with a huge headache - hangover! She tried getting up as she needs to go to the bathroom to pee.  She needed to splash cold water on her face to lessen the headache but was not successful.  A knock on her door made her step out of the bathroom. She opens it and was surprised to see Alden, holding a tumbler and a medicine for her headache.

"Good morning, just dropping these for you before I go out. It's hot coffee and these are for your headache (hands the tumbler and medicine to Maine). I asked Nay Rosa to bring you brunch you need it" Maine was embarrassed but pleased with the gesture, she needed the coffee and the medicine to ease her headache. She was still in her pajamas and towel on her hand, hair not yet combed when she receives the hot coffee and medicine. Alden was smiling and can't take his off Maine - I miss this look of hers, fresh from her sleep look. She has grown into a beautiful woman, she still has the childlike nuances but the lady in front of her has blossomed into a beautiful person. Alden was sent back to reality when he heard "RJ, hoy RJ! Salamat dito I need these."

"Sige I will go ahead" Alden was about to turn and walk away but turned back and said, "By the way, I met Anna last night, she looks good ha - bye! see you!" Maine closed the door and was leaning her back against the closed door and said "Oh no! I was wasted last night, and I don't remember anything - my gosh! Anna anong nangyari kagabi?" She was taken back to reality when she heard her phone ringing and speaking of the devil the screen showed that it was Anna calling her.

"Anna! Anong nangyari kagabi?" - Maine

"Good morning muna friend, Kamusta naman ang umaga mo sakit na ng ulo mo?" - Anna

"Bruha ka! Nagkita kayo ni RJ kagabi paano nangyari ano sinabi mo sa kanya?" - Maine

"Hala! Isa isa lang ang tanong friend. So I am guessing na nagkausap na kayo ni RJ today at nasabi na nya na nagkita kami kagabi kaya ka ganyan ka aligaga hahahahaha! Menggay wala akong gagawin today puntahan kita diyan kumalma ka hahahahaha" - Anna

"Bilisan mo pumunta dito marami kang ikukuwento sa akin bruha ka! Dala ka ng gelato!" - Maine

After talking to Anna, Maine took a sip of her coffee and a knock on her door revealed Nay Rosa with a tray of food for her. It was her favorite bowl of laksa, bread, and some prosciutto.  "Wow may laksa dito sa Italy?" Maine asked. Nay Rosa was smiling and said, "actually si RJ ang may dala niyan inorder nya from a store na nadiscover daw niya dito sa Italy. Favorite mo daw kasi yan lalo pag may hangover ka, kaya hinanap niya. O, siya kumain ka na at wag mo raw kalimutan ang gamot para mawala sakit ng ulo. Ang higpit ng bilin ni RJ. Iwan na kita tawagin mo na lang si Mikoy pag may kailangan ka at tapos na ang shift ko dito."

Nakalabas na si Nay Rosa, pero di pa rin maubos maisip ni Maine na di pa rin nakakalimutan ni RJ mga needs niya. Maine was staring at the food prepared for her and just smiled while starting to eat her heart out - she missed laksa.

After a few minutes Anna was knocking at her door and she let her in, while she continues eating her food. "GIrl, kumain ka na? Do you want anything? Papaorder ako sa baba." Maine asked. "I am all good kumain na ako, kain ka lang diyan, eto ang gelato mo coffee flavor" Anna replied while settling herself in front of Maine while eating her heart out.

"Wow Laksa sa Italy! Ang galing naman ng cook niyo dito sa Ostello." - Anna

Maine was beaming with a smile and said "Si RJ nagpadala niyan siya nakadiscover kung san makakabili ng Laksa dito sa Italy"

"Ay wow naman, di talaga nagbabago yan si RJ. Pati pagaasikaso sayo pag nalalasing ka same pa rin. Mula pag hilamos, pag toothbrush pagpalit ng pantulog nakabantay hanggang sa paghiga  mo sa kama asikaso ka" - Anna

Muntikan ng masamid si Maine sa sinabi ni Anna, "Ginawa niya lahat yun kagabi?"

"Friend, siya ang bumuhat sayo papasok ng room mo kasi naman hirap akong buksan pinto mo habang karay karay kita, ayun l;umabas siya ng room nya --- hoy di mo sinabi magkatabi room niyo ha. Ano to kunwari separate rooms yun pala magkasama?" sabay tawa ng malakas - Anna

Nagtakip si Maine ng tuwalya sa hiya ng marining ang mga sinabi ni Anna. "Nakakainis ka girl! Bakit mo ako pinabuhat sa kanya pwede mo naman ako kaladkarin. Nakakahiya!"

"Anong nakakahiya? Hello Menggay I've seen you two already. How you take care of each other, nakaka langgam kaya kayo, wag ka nga magpabebe dyan. At bakit pala kayo andito sa Italy? Sabay ba kayo nagpunta dito? May project ba kayo ulit? Mag kwento ka!" - Anna

"Hindi ko alam na andito siya sa Italy, let alone na dito rin siya naka check in sa Ostello. Nagulat na lang kami ng magkita kami dito. At yun pagiging neighbor room namin di rin namin alam. Sabi niya he is here for an extended vacation kasi may photoshoot siya dito tapos nag extend siya." - Maine

"Happy ka?" - Anna

"Anong ibig mong sabihin? Huwag ka nga mangintriga diyan" - Maine

"Happy ka na nagkita ulit kayo? Kahit di mo sabihin now ko lang ulit nakita yun ngiti mo na abot sa mga mata mo, wag ako Menggay." - Anna

Napailing na lang si Maine sa sinabi ni Anna. Di na siya nakipagtalo pa at tinuloy ang pagkain habang nagkukuwentuhan. Nang matapos kumain, habang nakain ng gelato nag umpisa ng magtanong si Anna.

"Friend, magsabi ka nga ng totoo, bakit andito ka sa Italy at mag-isa kang bumiyahe? Yun totoo ha ayoko ng paligoy ligoy. Ako to Menggay, wala kang maitatago sa akin dahil kilala kita. Anong nangyari sa Pinas at dito sa malayong lugar ng Italy ka tumakbo?" - Anna

Natigilan si Maine. Saan ba siya maguumpisa.

------------------------------------------------------------------

sorry for the late update, busy po sa work. as usual errors under your care - no proofread po e - author

Anong Nangyari Sa Ating DalawaWhere stories live. Discover now