On To Luneta Park In Weekend Afternoon

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ang paglalakad namin, nakarating na kami sa Luneta Park. Dahil napagod na kami sa paglalakad, nakaupo muna kami sa bench. Pero ang ini-expect ko lang ay mapagkita ng boyfriend kong si Jomart para mamasyal.

Iniisip ko pa kung ano pa ang maitatanong ko sa daddy ko tungkol sa iba pang memorable moments niya, habang natahimik kami ng ilang minuto at ako naman ay sumusulyap sa pagtingin ko sa buong liwasan.

"Matanong ko lang po," ang sabi ko sa kanya, "Ano pa po ba ang memorable moments mo po noon dito sa Luneta?" Iniisip ang daddy ko ng ilang segundo nang nagbuntong-hininga pa. 

"Noong late teens pa kami nang nabubuhay pa ang mommy mo," ang sabi ng daddy ko, "dito kami nagsasayawan gamit ang FM stereo cassette player."

"Sa anong music ang ipinatugtog ninyo kaya nakipagsayaw kayo noon nang nabubuhay pa ang mommy ko?" ang tanong ko.

"Mga dalawa, tatlo, o higit pa na puro '80's New Wave dance music," ang sagot ng daddy ko. "Tila nakalimutan ko na kung anong dance step ang naalala ko noon nang bihasa akong nakipagsayaw sa mommy mo. Training ground lang talaga kami dito noon bago kami nasalihan sa isang campus dance competition. Second placer lang kami noon, pero sulit naman 'yung napalunan kami kahit kaunti."

Habang inisaysay ng daddy ko, inihalungkat ko sa bag ko na may dalang maliit na battery-operated stereo speaker na ikinakabit sa smartphone ko na may music player.

"Ano yan, Gracie?" tanong ng daddy ko nang nakita niya ang dala kong gamit.

"Ah, eto po," ang sabi ko, "isang maliit na stereo speaker."

"Anong patutugtugin mo dito?" tanong niya.

"Kung gusto mo," sabi ko, "sasayaw kita nang kaunti habang hinihintay po natin si Jomart para mamasyal tayo mamaya?"

"Ano?" ang pagkabigla na sabi ng daddy ko. "Naku, hindi pa ako ready kung anong klaseng tugtugin ang isasayaw mo sa akin!"

"Huwag ka po mag-aalala," ang tugon ko sa kanya, "basta kung hindi ka po sigurado ang sarili kong dance steps sabayan mo po ako."

Nang isinasaksak ko ang earphone jack ng maliit na stereo speaker patungo sa smartphone ko, at ini-open ko ang isang music file sa music software app player, pinatugtog na. Ang pamagat na dance pop-rock nito ay Sugar by Maroon 5.

"Anong tugtog na 'yan, anak?" tanong ng daddy ko.

"Mamaya ko lang pong babanggitin, kaya tayo ka muna!" ang sagot ko sa kanya habang pinatindig ko ang daddy ko. "'Di po ba, mahilig ka pong sumayaw sa paborito mong lumang tugtugin noon? Ngayon, sabayan mo po ako sa pagsayaw ko, ah, galing po sa na-download ko 'yung MP3 na magugustuhan mo po!"

Kaya ang daddy ko, bihasa niyang sinundan ang dance steps ko na para nga bang nagsesenyas habang sinunod ko ang rhythm ng music na pinatugtog ko. Naaliw nga kaya nito ng daddy ko? Sa palagay ko nagustuhan naman.

********************

Bandang alas-tres na ng hapon. Halos napapagod na ang pagsasayaw namin na pinatugtog ko sa liwasan, kaya umupo uli kami sa bench.

"Nakakapagod talaga, anak ko!" ang tugon ng daddy ko. "Hanep talaga ang tugtugin mo na simple lang ang sayaw, mas daig pa sa '80s New Wave dance music!"

"Oo nga po, eh," ang sabi ko, "ilang araw na tinuruan ng kaibigan ko na kung paano ito makapagsayaw nang ganito."

Ilang saglit lang, sa pagmulat ko sa malayo sa buong liwasan, nakita ko na dumating na pala si Jomart na nakatayo nang mag-isa sa isang puno. Sa palagay ko mga ilang minuto pala dumating kanina, at bukod sa sabik na sabik na pagkikita naming dalawa tila naiinip na sa pagkaantay niya sa akin.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon