Chapter 70: Battle Preparations

Start from the beginning
                                    

"Uncle."

"Continue what you're doing, Ester. Hayaan mo lang sila. Hayaan mo silang matuto mula sa pagkakamali," saad ni uncle Magnus sa malumanay ngunit malalim niyang boses, katulad na katulad ng kay Lucas.

"Mukhang napakalalim naman 'ata ng kahulugan no'n," puna ko.

Tumawa siyang may lungkot ang mga mata. "Anak ka nga ng mama mo. Tama ka. Hindi lang para sa kanila ang sinabi ko, para sa'kin din," sabi niya at umupo sa tabi ko. "Alam mo ba na kung buhay pa sana si Lucas at kasama siya sa tatlong 'yan, kulay gintong bola sana ang mabubuo nila? Gold, the color of the combined elements."

"Do you miss him?" diretso kong tanong kahit alam ko naman na ang sagot.

"Alam mo, napakaraming bagay na naging 'sana' na lang. Sana tinuring ko siya nang maayos. Sana hindi ko siya pinalaki sa gano'ng paraan. I should have been a good father to him."

"So you do miss him." Kahit na hindi niya sinagot ang tanong ko, alam ko ang nararamdaman niya.

"Sino ba namang ama ang hindi mami-miss ang anak?" His gestures tell me how much he does miss Lucas. He is smiling yet I can see that he is yearning so much for him. Lalo pa nang ginamit ko ang signus ni Sais at nang maramdaman ko ang labis na pangungulila niya na halos dumurog sa puso ko.

"Huwag kang mag-alala, Uncle, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Lucas. Tatapusin ko ang labang ito," I promised without looking at him. Nasa kanila  Heaven, Hydra at Finnix ang paningin ko dahil may isa pang dinidikta ang puso ko. 'To protect them.' Ito rin kasi ang binilin sa'kin ni Lucas bago siy tuluyang mamaalam.

"Sasamahan kita, Ester. Sasama akong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lucas at ng pamilya mo," sabi niya. Nakita namin pareho si queen Hera na kumakaway mula sa malayo. "Sige na, Ester. Kailangan pa naming umalis para maghanap ng kakampi," pagpapaalam ni uncle. Tumayo na siya at pinagpag ang kaniyang suot na pantalon.

"Sandali, uncle. 'Di ba't sasama sa inyo si Ten, Crystal at Winwin? Pwede pasabi sa kanila na mag-iingat sila."

Tumango siya at muling ngumiti. "They'll hear your words. Huwag kang mag-alala. Poprotektahan ko rin sila bilang mga kaibigan ng anak ko. Bye," sabi niya bago tuluyang umalis.

Ngayon ay kailangan ko nang ipagpatuloy ang pagtraining ko. Umupo ako sa malambot na damo at pinag-ekis ang aking mga paa sa harap ko. I stretched my back at huminga ng malalim. Pinatong ko sa gilid ng aking tuhod ang likod ng aking mga palad bago pumikit.

Isang pagsabog na naman ang narinig ko na siyang nagpamulat muli sa'kin. Kita ng mga mata ko sina Finnix na bumabangon na naman mula sa pagkakasalampa sa lupa.

"AGAIN!" muli ring sigaw ni Minea.

Paano na ako makakapag-focus nito?

Hindi ako makapagfocus sa sarili kong training dahil sa lakas ng boses ni Minea. Halatang nawawalan na siya ng pasensya.  Kanina pa sila nagsimulang magtraining pero hanggang ngayon ay hindi magawa nina Finnix ang fusion technique. Parang bombang sumasabog ang mga signus nila kapag naghahalo. Gutay-gutay na ang damit nina Heaven at Hydra samantalang wala ng pang-itaas na damit si Finnix dahil siya ang tumatanggap ng mas malakas na pwersa ng pagsabog. Marumi na ang hubad niyang katawan. Mabuti na lang at hindi pa rin nawawala ang perpektong wangis ng mukha niya. Dumagdag lang tuloy sa kakisigan niya ang dumi sa kaniyang katawan imbes na magmukha siyang dugyot.

Madami ng pasa ang natamo ng tatlo dahil sa bawat pagsabog ng kanilang pinaghalong signus ay siya namang pagtalsik nila.

Ayaw akong payagan ni Minea na gamutin sila kaya wala pa rin akong magawa upang tulungan sila. Ang magagawa ko lang ay ang hasain ang sarili kong signus. Kanina ko pa sinusubukang makipag-isa sa lima kong links. I can use four of my links at a time but now, I am practicing to use five. Makailang ulit na akong sumubok pero hindi ko pa rin magawa. Kailangan ko lang siguro ng mas matinding dedikasyon at inspirasyon para magawa ito.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now