STBFL: Chapter 27

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakikipag lokohan ka ba sa akin, Vanalein?" Malamig na aniya. Halos masaktan ako sa pagtanggal niya sa kamay ko doon sa maleta.

"Pinakasalan mo ako pagkatapos hindi mo ako tatabihan sa kama?" Galit na sambit niya na nagpakaba sa akin. Tinalikuran na niya ako at binuksan niya ang pinto ng kwarto niya saka hinila ang mga gamit ko.

Humugot ako ng malalim na paghinga at sumunod sa kanya. Itinabi niya ang maleta ko sa may cabinet at naghubad na siya ng suot niyang t-shirt kaya naman mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya.

"Bukas pa maaayos ang mga gamit mo, hindi pa kita nabibigyan ng space para sa mga damit." Sobrang lamig ng tono ng pananalita niya na para bang hindi niya ako kilala, bumaling ako sa kanya at ngayon naman ay katatapos niya lang kalagin ang belt niya, nakatingin siya sa akin nang ibaba niya ang zipper ng pants niya kaya nag iwas ulit ako ng tingin sa kanya!

"Maliligo lang ako." Dagdag niya at narinig ko na ang sliding door ng cr niya kasunod non ang malakas na pag agos ng tubig mula sa shower.

Maingat akong humiga sa kama niya at binalot ko ang katawan ko ng blanket, nakita ko doon sa sahig ang mga damit na hinubad ni Andres kasama ang boxer at brief  Mariin kong ipinikit ang mata ko at kumuyom ang kamao ko sa ilalim ng blanket.

Mabilis ang kaba sa puso ko, ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagpatay niya ng shower. Nanatili akong nakapikit nang marinig kong bumukas na ang sliding door at kaagad kong naamoy ang after shave niya. Parang may kung anong nagkakarera sa puso ko dahil sa sobrang kaba.

Narinig ko ang mabibigat na yapak niya, dahan dahan kong iminulat ang mata ko at halos pagsisihan ko iyon dahil nakita ko ang pwet ni Andres! Nakatalikod siya ngayon habang humihila ng damit doon sa cabinet!

Mabilis akong tumalikod at nagtalukbong ng kumot saka ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap kong nahihimbing ako sa pagtulog.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paglubog ng kama sa gilid ko, hinila niya ang kaunting blanket sa katawan ko at nagtama ang balat naming dalawa nang makahiga na siya na naging dahilan upang makuryente ako, mainit rin at amoy bagong paligo ang katawan niya upang mas kabahan akong lalo.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makakatabi ko siyang matulog pero bakit iba ngayon? Bakit parang tatabi ako sa isang lalaking hindi ko kilala? Naramdaman kong kumilos siya kaya mas idiniin ko ang pagpikit ng mata ko. Lumakas pang lalo ang kaba sa puso ko nang dahan dahan niyang iniangat ang ulo ko at ipinatong iyon sa braso niya at saka isinubsob niya ako sa dibdib niya na naging dahilan upang marinig ko ang pagkalabog ng puso niya.

"I'm sorry.." Bulong niya gamit ang namamaos na boses at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang maramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil ni hindi ko mabigyan ng pagkakataong maayos ang sa aming dalawa. Pero alam kong kapag pinilit ko ay mas lalong titindi ang sugat na mayroon kaming dalawa, mas lalong mag aalab ang sama ng loob sa bawat isa.

Pero alam ko, alam ko sa sarili ko na darating ang araw na magkakaayos kaming dalawa. Hindi man ngayon, pero umaasa ako at sana sa panahon na yon hilom na ang sugat na ibinigay namin sa isa't isa.

Alas nuebe ng umaga na akong nagising, ni hindi ko na alam kung paano ko nagawang magpanggap tulog kay Andres hanggang sa makatulog na rin ako ng totoo. Wala na siya sa tabi ko at muli kong naalala kung paano niya ako ikinulong sa mga bisig niya kagabi.

Tumayo na ako at naligo na rin bago pa ako magpasiyang lumabas ng kwarto, pababa na sana ako pero napahinto ako sa paghakbang nang makarinig ako ng boses mula sa ibaba.

"Hindi ko alam kung ano magugustuhan mo ba 'to kagaya nung niluto ko last yesterday. Pero at least alam kong kakain ka ng breakfast." Boses ni Mela iyon at halatang masayang masaya siya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon